CHAPTER 15

3566 Words
WE TRAVELED TO BATANGAS with his grandparents. Kasalukuyang nasa loob ng van at magkatabi kaming dalawa nang maramdaman ang ulo ni Lyndon sa'king balikat ngunit dahil sa kagustuhang hindi maistorbo ang binata'y mas inayos ang kanyang pwesto nang sa gayon ay makaidlip ng maayos ang lalaki. Ilang oras ang lumipas ng makarating kami sa farm na tinutukoy nina Mamita at Pops. Nanatiling tulog ang binata dahilan upang maiwan kami sa loob ng sasakyan. I tried to wake him up but he looked so exhausted and maybe he came to visit Granmy and Granpy even he had tons of work from the office. "L-Lyndon wake up," I softly mumbled. "Uhm," "Hey sleepyhead..." Dumukwang ang mukha ng lalaki palapit sa'kin saka ginawaran ng masuyong halik bago umayos ng upo habang tila natulala sa ginawa ni Spongy Babe. I couldn't able to move for a second or so. "Let's go love," he normally said. "Y-You go first," Hinaplos ng lalaki ang aking hita kapagkadaka'y lumabas sa van upang tulungan ang driver na buhatin ang ilang kagamitang gagamitin sa pangingisda. Pagkarating sa mismong tent ay ipinakilala ni Granmy Lina sa kanyang mga kaibigan. "I want you to meet my grandson's girlfriend everyone," masiglang sabi nito. "Aba'y napakaganda naman ng napili ni Lyndon ano? Ilang taong ka na nga ba ineng?" anang isang ginang. "Eighteen po," "Naalala ko tuloy ng ligawan ako ni Gavin noong kabataan namin. Aba'y ganyang edad din ako," tinakpan ng ginang ang kanyang bibig na tila kinikilig pa rin kahit nakalipas na ang pangyayari. "Ikaw talaga Roselda napakapilya mo pa rin," kinurot ni Lolo Gavin ang tenga ng kanyang asawa. Dumako ang mata sa lolo't lola ni Lyndon na magkayakap habang nag-uusap ang kanilang mga kaibigan. I'm dreaming that someday I will witness myself in that kind of state. "Hi Lolo Gavin, Lola Rose it's nice to see you both" ngiti ng binata saka magmano sa mga ito. Nahiya tuloy ako dahil hindi nagawang magmano tulad ng binata. Hindi lumingon si Lyndon sa kinatatayuan bagkus ay tumungo ang binata sa medyo kalakihang yate upang isampa ang mga rods na gagamitin ng kanyang lolo. "Pops, all are ready to use!" anunsiyo ng lalaki saka kinawayan ang kanyang mga matatanda. Kalauna'y inalalayan ko ang mga matatandang pumanhik ng yate hanggang sa mahuli sa pag-akyat ngunit nagulat nang ilahad ni Lyndon ang kamay upang alalayan ng huli. "Let me help you love," Di na lamang umimik at inabot ang kamay saka hinila ng lalaki hanggang sa muntik mawalan ng balanse ngunit mabilis ang naging bisig ni Lyndon upang alalayan ang aking beywang. "S-Salamat," "Be careful bubbly girl," Kumawala sa kanyang yakap na parang walang nangyari saka nakisalo sa mga matatandang kasama sa yate. He just smiled at me and winked which cause my heart leap from its original postion. Maya-maya'y tuluyan nang naglayag ang yate sa gitnang bahagi ng dagat kaya mahahalata sa kasamang nasisiyahan sa kanilang nahuhuling isda lalo si Granpy Andres na mukhang libang na libang. Tumingin sa kinapupwestuham ni Lyndon ngunit 'di inaasahang maghuhubad-baro ang binata. s**t the muscle girl! Kumalma ka Samantha boyfriend mo 'yan hindi lamang pantasya! Nahuli ni Spongy Babe na nakamata sa kanya kaya mas nahulog ang panty ko nang ngumiti ang lalaki. "Come here love, I wanna show you something!" using his excited tone. Nilunok ang nakabarang kung ano sa lalamunan bago lumapit sa lalaki subalit bigla niyang pinaupo sa harapan dahilan upang mapalibutan ng kanyang binti at bisig. "I just miss you," he softly smacked my neck. "Ang sabi mo may ipapakita ka?" "Yup." "Ano nga?" "This..." simpleng saad nito. "What?" "Itong kabuuan ng yate. Gusto ko sana kapag kinasal na tayo makabili ako ng yate pagkatapos ang ipapangalan ko schimeath," mahinahon ang boses nito. "B-Bakit? Anong ibig sabihin no'n?" "Hebrew word for Samantha means listen well. Did you hear something?" "Huh? Ang weird mo!" hinampas ang kamay niyang nakapulupot sa'king beywang mula sa likuran. "Did you hear it now?" gumigikgik ang binata. "Wala naman e." "You should listen well to my heartbeat 'coz it shouts your name," "You're getting corny na naman love," umirap sa lalaki kahit hindi nito nakikita. "I'm happy that you're calling me by our endearment," anito. Mukhang nakuha ako ni Lyndon sa pagdadrama ha? "Does that mean you forgive me now?" "Uhm, let me think it first!" anas ko habang kababakasan ng pilyang ngiti. Kumawala sa binata saka nagmamadaling tumungo kina Granmy at Granpy. "Ang daya mo love," pagmamaktol nito. I just sticked out my tongue and directly went through the railings of yatch wherein the oldie couples were having happy conversation to each other. Ilang oras kaming naglayag sa sakop na isla nina Lolo Gavin bago kami tuluyang tumungo sa mismong farm ng mag-asawa. Ayon kina Granmy Lina'y nasa amerika ang lahat ng anak nina Lola Rose at mas pinili ng dalawang matandang manirahan sa Pilipinas. Balak din yata ng mag-asawang bumili ng farm tulad nito upang doon maglagi sapagkat nahihilig si Granpy Andres sa pangingisda. KASALUKUYAN kaming nasa dulong at may nakalatag na dahon ng saging habang sagana sa inihaw na isda at kanin ang ibabaw nito. We ate together while talking about their past escapades as young couples wayback decades ago. "Alam mo bang hindi ako pinakawalan ni Granmy mo noong patungo akong probinsiya, Samantha?" "Really, Granpy?" "Aba'y oo! Hinabul-habol ako ng babaeng iyan!" "What the heck are you talking about old man! Ikaw ang umiiyak noong nilayo ako ni Papa sa'yo!" umirap ang ginang samantala, panay ang iling ni Lyndon sa mga kwento ng kanyang abuelo at abuela tungkol sa kanilang wagas na pag-iibigan. "Apo, hindi ba't ikaw ang nakakaalam ng totoo? Baka isipin ni Samantha isa akong babaeng agresibo Andres!" The old woman is really cute when she's getting mad. "Yes Mamita, Pops courted you for the whole three years with the help of Lolo Gavin and friends," natatawa si Lyndon. "See? Hindi nagsisinungaling ang apo kong gwapo, Andres." "I'm the living witness," sabad ni Lolo Gavin na tinawanan lamang ni Lola Rose. "Kumpadre bumabaliktad ka na yata sa pagkakaibigan natin," ani Pops. Natatawa lamang sa mga matatandang kasabayan sa pagkain saka di sinasadyang mapatingin sa gawi ng binatang titig na titig sa'kin. "B-Bakit?" mahinang saad sa binata. "Nothing. You're so beautiful love," nilagyan ng maraming hipon na binalatan ni Spongy Babe ang tabi ng kanin ko. "Bolero," "I never lie to you," "Iho, kung ako sa'yo aba'y huwag mo nang pakakawalan ang dilag na ire" payo ni Lolo Gavin. "Oo nga naman Lyndon," segunda ni Lola Rose. "Wala ho sa'king problema, ewan ko lamang po kay Samantha kung gusto niya pa 'kong pakawalan," pananakay sa biro ng mag-asawa dahilan upang dumako ang apat na pares ng mata sa kinauupuan ko na tila naghihintay ng sagot mula sa'kin. "P-Po?" "Just love my grandson apo," "Wagas din magmahal iyan tulad ng kanyang lolo," pambubuyo ni Lolo Gavin. Halos mamula sa mga sinasabi ng mga matatanda saka napatingin sa lalaki upang manghingi ng saklolo ngunit iniwas lamang ni Lyndon ang mga mata. "O-Oo naman po..." "Sa wakas!" tumaas ang kamay ni Granpy Andres na parang hinihintay lamang ang sagot ko. "Aba'y nagbibinata na iyang apo mo Andres!" kumindat si Granmy Lina. Sa nakikitang kasiyahan sa mga matatanda'y hindi maiwasang ma-overwhelm sa maaaring kalabasan kung sakaling mabigo ang mga ito sa inaasahan nila sa relasyon namin ni Lyndon. Bahagyang nakaramdam ng takot tulad noong marinig ang salitang kasal, asawa o pag-iisang dibdib ngunit sa isang banda'y masaya ang pusong si Lyndon na pinapangarap lamang dati ang magiging kabiyak. Both of our sides are expecting something positive in our almost perfect relationship. Mayroon mang dumadating na komplikasyom ngunit sa huli'y nananaig parin ang aming pagmamahalan. Natapos ang kasiyahan at pamamasyal sa farm hanggang sa lumubog ang araw rason upang magyaya ang matandang umuwi na sa metro. Lyndon called my parents and tell them that I am with him. Pumayag naman si Daddy dahil masyadong tiwala ang ama sa kasintahan kaya sa buong durasyon ng biyahe ay walang iniisip na mapapagalitan hindi tulad noon na kaunting kibot ay pinagsasabihan ni Harold Añorivas. Dinaan muna ang mag-asawa sa kanilang mansyon bago pinagmaneho ni Lyndon sa sariling pamamahay kung saan sinalubong ni Daddy nang nakangiti. "Tito, we bought you seafoods and fishes," "Wow. I love these crabs!" halatang tuwang-tuwa ang ginoo bago inakbayan ang kasintahan sa loob ng pamamahay. Samantala, naiwan ako sa maindoor na nakalimutan yatang tanungin ng ama kung kumusta ang araw ngunit imbis na ipilit ang sarili'y tahimik na sumunod sa mga ito. Kinuha ng kasambahay na si Manang Gina ang mga pasalubong namin hanggang sa tumungo kami sa sala. Masuyong inalalayan ni Lyndon sa kanyang tabi habang sinasalinan ni Daddy ang kopita ng alak. "Kumusta ang pamamasyal niyo, iho?" "Mabuti naman po," "Hindi ba naglikot doon ang anak ko?" nakangisi ang ginoo na ikinakunot-noo ko. Bahagyang nailang si Lyndon ng tumingin ang binata sa'kin tila alam niya ang totoong saloobin kahit hindi kumikibo. "H-Hindi tito. Samantha is a fine lady therefore my grandparents loves her so much," pinisil ni Lyndon ang aking palad. "Mabuti naman kung gano'n. Panay kasi ang lakwatsa kasama ng kanyang baklang kaibigan kaya baka kako nahawa na rin--" "Dad, Andy is my bestfriend. He's not just a cheap gay," "As you say so iha. Ang akin lamang ay huwag kang masyadong nagtitiwala sa mga taong hindi mo nakasama ng matagal dahil baka maimpluwensiyahan ka nila. Gayahin mo ang nobyo mong nag-iisip muna bago kumilos," anito. "Actually Tito, I have met Andy and I think he's a nice person." susog ni Lyndon. Daddy just shrugged his shoulder off. "No one will be nicer than you. I know my daughter would be much safer if she's always with you. Baka mas marami pa siyang matutunan kaysa sumasama-sama siya sa Andy na iyon," Kumuyom ang aking kamao saka bumuntong-hininga bago inipon amg lakas ng loob na magpaalam sa mga ito. "I'm going to sleep now Daddy," I serioulsy uttered. Kababakasan ng pag-aalala ang binata nang tumayo sa sofa. "Go on, you should rest and study later for your next schooling." sumimsim ang ginoo sa kanyang baso. "Thank you love," mahinang saad ng binata ngunit imbis sagutin ay tumango lamang dito saka naiwan ang dalawa sa living area. Nang nasa higaan ay malalim ang iniisip ukol sa ilang bagay na dapat hindi pinoproblema. I don't wanna stress myself from the fact that Lyndon is becoming a toy or servant of Daddy just because of me. He doesn't want to break Harold's trust which will lead to some serious complications. Baka utusan na niyang bantayan ako tulad ng ginagawa ni Manong Toby noon. Huwag naman sana maging toxic ang pakikitungo namin sa isa't-isa dahil sa pakikialam ng mga magulang. ISANG ARAW ay tinawagan kami ni Jana upang magpatulong na subaybayan na naman ang asawang si Troy sa kikitain daw nitong kliyente. "Did you guys knew that this mission is f*****g delicate?" anas ko habang nakasakay sa sasakyan ni Andy. "Shhh!" "Shhh" Magkasabay na saway ng mga kaibigan kaya nagpatinaod na lamang sa kanila habang nakasuot ng wig. Tumungo kami sa isang sikat na restaurant kung saan nakaput-up sa hotel. Umorder si Andy para sa'ming dalawa hanggang sa nagsimulang magsidatingan ang dalawang manloloko kasama ang mag-asawang intsik. "Ganito ang gagawin ninyo ha? Kailangan niyong guluhin ang mga kumag para makuha ang kanilang atensiyon," sabad ni Jana. "Paano ulit?" anas ko kaya napabuntong-hininga ang mga kaibigan. Wala kasi roon ang atensiyon kundi sa maaaring kalabasan kapag nahuli kami. Tiyak lagot kay Daddy! "Basta kunwari mag-aaway kayo ni Andy!" "Oo bakla madali lamang 'yon. Sasabunutan kita ha?" pangunguna ni Andy. "Basta huwag masyadong masakit girl!" paalala sa kaibigan. "Let's get ready?" nilapag ni Nana ang kanyang kamay sa gitna kaya ipinatong rin ang amin. "Let's volt in!" mahinang cheer ni Andy. "Go power puff girls!" hiyaw ko kaya tinakpan ni Jana ang aking bibig. Shit! Gumawa kami ng eksenang dalawa ni Andy ngunit hindi inaasahang magigng below the belt ang biruan kaya ako mismo ang humatak sa kanyang wig saka sinabunut-sabunutan at sinampal ang bading na siyang gumanti rin hanggang sa sumenyas si Jana'ng tapos na ang dalagang maglagay ng insekto sa bag kaya tahimik kaming bumalik sa mesa. Maya-maya'y naghihiyaw na hindi si Coleen kundi ang kliyente ni Troy dahilan upang kabahan kaming tatlo sa maaring mangyari. Di katagalan ay lumapit ang mahaderang kababata ng binata. "It was savage! I'm so sorry friend!" paumanhin sa kaibigang si Andy hanggang sa nag-apiran. "It's okay loka! It's for the sake of pretensions duh?" Nagtawanan nang mahina upang hindi makahalata ang mga taong natataranta sa pag-iimbestiga kung saan nanggaling ang mga hantik. Kitang-kita ang galit sa mukha ni Troy ngunit walang makapang awa para rito dahil mas ang nakakaawang kalagayan ng kaibigan sa mga kalokohan ng lalaki. "Excuse me?" lumapit si Coleen Samonte. "Yes? Do we know you?" irap ni Nana. "Baka kayo ang kilala ko," napipikong saad ng dalaga. Nagkaroon kami ng talastasan ngunit sa huli'y nabuko ni Troy ang kalokohan naming tatlo kaya ang naging kinalabasan ay mas nagatungan ang galit ng binata sa babae kaya nag walk-out bigla. Matapos ang ilang minuto'y bumalik si Nana ngunit kasama na ni Troy at Coleen. Samantala, wala sa hinuhang makikita si Lyndon sa insidente kung saan huminto ang sasakyan ng nobyo sa gitnang bahagi ng five star hotel kaya nagulat sa paglitaw nito, miski si Andy ay nanlaki ang mata saka dumako ang tingin sa kinatatayuan ko. "Pare, what can I do for you?" problemado si Lyndon. "Dude, I think you must tell your girlfriend to stay away from our problem as a couple," anito habang nakayuko lamang si Jana sa gilid. "What happened here?" naguguluhan ang binata. "You guys should talk!" seryoso ang mukha ni Troy na ikinabanas ko. "No, you guys should talk!" sabad sa dalawang lalaki. "Samantha what's this all about?" nalilito ang binata. "Iyang kaibigan mo ang pagsabihan mo Lyndon. Subukan mong kampihan iyang singkit na 'yan! Wala nang ginawa kundi paiyakin ang kaibigan ko!" "Hey, calm down!" pumagitna si Andy. "Did you plan this Andy? Ikaw ang matanda sa dalawa hindi ba? Ikaw dapat ang nagpapayo sa kanila," nagtagis ang bagang ni Lyndon. This is my first time seeing the man very angry. "S-Sorry Lyndon," paumanhin ng kaibigan saka nagmamadaling lumulan sa sasakyan. Andy is weak when it comes to confrontations so he could easily shaken up especially if the person is quite close to him. "Why did you do that to my bestfriend, huh?" singhal ko. "I'm just giving him a piece of advice!" sigaw ng binata kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nasigawan nito. "Hindi si Andy dapat ang binibigyan mo ng payo kundi 'yang kaibigan mo at maharot niyang kababata...like hello?" duro ko kay Troy pati sa nakairap na si Coleen. "S-Sammy enough. I'm f-fine," awat ni Jana. "You're fine? Puwes para sa'kin hindi ayos yang pinagmumukha kang tanga ng mga taong 'to! I hate it!" hindi mapigilang mag-walk out sa eksena. "Dude I'm sorry, I'll talk to Samantha," "I'm cool dude," anas ni Troy saka tinapik ang balikat ni Lyndon. Nagmamadaling lumakad sa gilid ng kalsada subalit sinusundan pala ng lalaki hanggang sa mahagip niya ang braso. "Bitiwan mo 'ko. Go to hell with Troy Chua cheater!" singhal dito. "Stop it," ganting sigaw ng binata dahilan upang masampal ang binata. Nagulat sa nagawang aksyon ngunit hindi nagpahalatang nabahag ang buntot. "Hop in. We'll gonna talk calmly," mahinahon ang lalaki tila nagtitimpi lamang sa ginawang pananampal rito. "No! Ayokong sumama sa katulad mong mapanghusga tulad ni Daddy!" "Please, Samantha..." "You boosted Andy in front of my father then suddenly you, yourself will going to judge him right away? Parehas kayo ni Daddy!" "I didn't judge your bestfriend. Ang gusto ko lamang maging mature kayo i-handle ang mga ganitong bagay." "Wow, look who's talking here!" umirap sa binata. "Hindi tayo ang magkaaway Samantha. Your dad told me to take care of you therefore whatever happens I'll take full responsibilities of your actions," "And who told you to be my bodyguard huh?" sarkastikong saad rito. Naramdaman ang kaunting patak ng ambon sa balikat ngunit nanatili kaming nagtatalo sa gitna ng kalsada. "Love, I don't want to argue. Pag-usapan natin ng maayos," Bakit habang nakikita ang binatang kalmado'y mas nanggigigil sa kinikilos niya? Bakit mas gustong nakikitang galit ang binata? "Tingin mo makikipag-usap ako ng maayos pagkatapos mo kong sigaw-sigawan sa harap nila? For what huh? To prove how much you treasure your friendship with that cheater! Baka nga parehas kayong manloloko dahil magkaibigan kayong--" nagulat ako ng bigla niyang yakapin sa gitna ng aming maanghang na argumento. "Shh. Tahan na nakikiusap ako love, ayokong nag-aaway tayo." marahan ang boses ni Lyndon ngunit itinulak ang binata. "I hate you don't touch me!" iritadong anas ko. "I love you eventhough you hate me. Halika na ihahatid na kita sa inyo saka ka uli magalit kapag naiuwi na kita ng safe sa bahay niyo," he promptly said. Kumamot sa ulo dahil sa matinding inis sa binatang hindi yata marunong magalit kahit anong gawin sa kanyang paninigaw. Di katagalan ay nagdadabog na bumalik sa nakaparadang sasakyan ng binata sa tapat ng Dusit Hotel. Kuntodo simangot ang reaksyon ng aking mukha ngunit magalang pa ring pinagbuksan ni Lyndon ng pinto bago maingat na pinaandar ang naturang Bentley. Habang daan ay namayani ang katahimikan dahilan upang buksan ni Lyndon ang stereo. 'I'd rather have bad times with you, than good times with someone else I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself I'd rather have hard times together, than to have it easy apart I'd rather have the one who holds my heart' Bahagyang tinignan ang binata habang mataman siyang nagmamaneho. Lyndon softly touching his upper lip like he always does when he's driving. "I'm sorry if I yelled at you," putol nito ngunit imbis pansinin ay kumibot lamang ang aking labi. "Samantha..." Nanatiling tikom ang bibig upang iparating na galit talaga sa binata hanggang sa ihinto niya sa daan. "Please let's talk..." I was a bit surprised when he cupped my face then bussed me without saying any words. I pushed him away from me and wiped my ledges. Bumakas ang sakit sa kanyang mga mata marahil sa naging kilos ngunit hindi natinag ang lalaki. "Do we have to widen these fights love?" "Why you'd kissed me without asking any of my permission?" anas sa binata. "I'm sorry if I make you feel offended with my kiss," lalong bumalatay ang hinanakit sa kanyang reaksyon. I can't blame you if you turn away from me, like I've done you, I can only prove the things I say with time, please be mine, [music stereo] Hindi kumibo saka lumingon sa bintana upang di na tuluyang makasagupa ang binata. Ilang minuto ang nakalipas ng makarating sa tapat ng mansyon. Kalauna'y ako mismo ang unang lumabas sa sasakyan ni Lyndon kahit hindi nagpapaalam sa binata, saka dire-diretsong pumanhik at tumungo sa sariling silid. Ipinagpasalamat na lamang na wala sa sala ang mga magulang atleast hindi nasalang sa kahit anong klaseng interogasyon. I was laying down on my bed when my phone beeped. Sinilip kung kanino ang mensahe at tama nga ang hinalang sa nobyo galing. "I love you Bubbly Girl, please don't be mad at me..." he sent a sorry video. Nagpasyang palipasan muna ang ilang araw bago makapag-isip ng maayos ukol sa sunud-sunod na pagsubok sa pagsasama naming dalawa. It's been our nine months eversince we became official and I would say that these past few weeks of my vacation has been literally a hell in our relationship as a couple. Tama nga siguro ang kasabihan na habang tumatagal ay doon nasusubok ang tatag ng samahan. Ang kinakabahala'y ang mismong magulang na maaring mamagitan o makialam kung sakaling matuklasang nagkakaroon kami ng labuan ni Lyndon. MIYERKULES NG HAPON kung saan halos dalawang araw hindi kinontak amg binatang walang tigil sa kakatawag nang maabutan siya sa sala na may hawak na bulaklak at tatlong balloons. "Love.." tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa sofa. "Nandiyan ka na pala iha. Kaninang-kanina ka pa hinihintay ni Lyndon, may usapan yata kayo ng nobyo mo?" Malamig na tinignan ang lalaking nagsusumamo ang reaksyon ng mukha. "O-Opo Dad." "Ano pang tinatayo mo diyan aba hindi mo dapat pinaghihintay  si Lyndon, iha. Napakaswerte mo at pinagpapasensiyahan ka na lamang ng nobyo mo," Nagpipigil humulagpos ang inis sa pinagsasabi ni Daddy tungkol sa'kin. "Iho pasensiyahan mo na si Samantha at medyo immature pa sa ilang bagay." binuntutan ng tawa ng ama saka isiningit ang proyektong inaalok nito sa binata. Basta na lamang hinatak ang kahit anong damit sa closet di katulad noon na pinaghahandaan ang lahat ng lakad naming dalawa. I feel so outrage on how Lyndon allows Dad to manipulate him at all expense. Pagkababa'y inaya ng mabilisan ang binata palabas ng mansyon ngunit walang kibong nakasunod ang lalaki tila ginagalang ang pananahimik ko. "L-Love, Happy Monthsary." binigay niya ang lobo at bulaklak na walang ganang tinanggap. "Thank you," I sighed. "Salamat dahil pumayag kang sumama sa'kin," "I was forced to make an alibis because of Dad. Parang ikaw, hinahayaan mo siyang manipulahin ka sa lahat ng gusto niya," sarkastikong saad dito. "Don't say that Sam. I have my own reasons if why I'm following your Dad's favor," sumeryoso ang mukha ni Lyndon tila hindi nagustuhan ang mga sinabi ukol sa pagiging malapit ng binata sa ama. Did I surpass his limits?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD