DUMALAW AKO SA OPISINA ng nobyo upang sorpresahin ang binata habang may dala-dalang rainbow jelly. Hindi maipaliwanag ang kaba at pagkasabik dahil makikita ang kasintahan matapos ang madugong pagsusunog kilay noong mga nakaraang assessment. Nangako ang lalaki ngunit hindi niya magawa sa mga nakabinbing trabaho raw dahilan upang ako mismo ang sumadya kay Lyndon. Nang nasa mismong hallway ay bahagyang nilibot ang mga mata sa kabuuang opisina. It's quite elegant especially the masterpieces which were hanged on the wall.
Lumapit sa tanggapan kung saan mayroong nakaupong magandang babae. Balingkinitan ang katawan, mapula ang labi at medyo chinita ang kanyang mata subalit ang napansing diperensiya'y parang hindi siya nababagay sa ganitong trabaho. She's like a bratty lady who just want to have some fun or thrill in working with some other company. Bahagyang tumikhim upang makuha ang pansin ng dalagang abalang-abala sa pagsusuklay ng kanyang blonde na buhok.
"Excuse me?" anas ko.
Tinignan lamang ng babae ngunit hindi pinansin saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang buhok rason para makaramdam nang kaunting inis dito.
"Excuse me?"
"I'm sorry miss we're not accepting applicants for OJT," umirap ang dalaga.
What the heck?
"I'm not here to apply. I wanna see my boyfriend, like hello?"
"Hindi rito ang hanapan ng nawawalang boyfriend miss,"
"What the hell! I'm looking for Lyndon Santiago!"medyo nagtaas ng boses ngunit imbis mabahala'y tumawa ng pagak.
"There's a lot of women who dreamt to catch Lyndon Santiago miss whoever so I won't buy your lousy reasons,"
Bumuntong-hininga saka tinawagan kaagad si Lyndon sa cellphone habang natatawa lamang ang babaeng kaharap.
"Hello, love!" halos mamula ang pisngi sa inis.
"Love? Yes, what's wrong?"
"I'm f*****g here in your private office and this girl in front of me didn't believe when I told her that I wanna see you,"
"W-what?"
"Are you gonna go here or not?" pikon na pikon sa dalagang walang pakialam tipong pinamumukha sa'yong hindi siya naniniwala.
Maya-maya'y bumukas ang pinto mula sa pribadong opisina ng binata saka biglang napadiretso nang upo ang dalaga't niluwangan ang ngiti.
"Goodmorning Sir, this girl is insisting that she is your girlfriend and she wants to see you," nahihintakutan ang mukha nito.
"Calm down, Bridgette. You should atleast inform me if I have a visitor," seryoso ang mukha ng binata habang kuntodo irap sa babaeng kausap ni Lyndon.
"Love come in," masuyong pagpapatuloy ng lalaki sa'kin sa opisina saka tinapunan ng masamang tingin ang dalaga ngunit hindi ito nagpatinag at umirap din kaya lalong kumulo ang dugo sa sekretarya nito.
"What brought you here? You surprised me!" aniya't akmang lalapit sa gawi ko ngunit umiwas dahil hindi mawala-wala ang inis.
"Sino ang babaeng attitude na iyon?" panunupla sa binata.
Kaya pala mas gusto mo sa opisina maglagi ha? Kaya pala palaging abala ang lalaki sa mga papeles kuno!
"Who?"
"You know who I was pertaining, Lyndon Santiago!" singhal dito.
"Hey love calm down. She's Bridgette Montenegro my former classmate in economics at XIA," litanya nito.
"Ah really?" I said sarcastically.
"Hey, are you jealous again?" he chuckled.
"Oh pinabibigay ni Mommy sa'yo!" padarag na inabot ang dalang supot.
Pinaghirapan ko pa namang gawin ang rainbow jelly niya ngunit sa natuklasan kanina'y parang nawalan nang gana sa binata.
"Did you make this for me?" nakangiti ang binata.
"Nope. I just dropped by to give you that, I'm going home now..." anas ko saka tumalikod sa binata.
"Love, just stay here please? I apologize if I'm so busy these past few days,"
"Mukha ngang abalang-abala kayo ng sekretarya mo!" maanghang na patutsada sa lalaki.
"Hey, what do you mean?" he frowned.
"It's nothing. Bye!" nagmamadaling tumungo sa pinto ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ng lalaki.
"Love, don't be so inconsiderate please?"
Lalong napikon sa mga sinasabi ng binata ngunit nagpatinaod nang paupuin nito malapit sa sofa. Akmang yayakapin ni Spongy Babe ng kumatok ang dalaga saka pumasok na mayroong dalang kape subalit iisa lamang ang nasa tray.
"Here's your coffee Sir," nakangiting sabi nito.
"Uh, Bridgette make another one for my girlfriend,"
"Pero Sir..."
"No need," susog ko.
"Oh I see. By the way, ipapaalala ko lamang po sa inyong may meeting tayo mamayang ala-una kasama sina Mr. Tan," imporma nito.
"Tell them I won't go today-"
"But Sir, we have already settled this-"
"Bridgette, tell Mr. Tan that I'm cancelling my appointment with him. Ipa-reschedule mo na lamang,"
Tagusang tinignan ang babae saka mapang-asar na ngumiti rito rason para mahalatang napikon ang dalaga sa klase ng reaksyong mayroon ako.
"Yes Sir," maawtoridad na pahayag ng dalaga bago tuluyang umalis sa opisina.
Bumaling ang atensiyon ni Lyndon sa'kin saka niyakap nang mahigpit mula sa likuran.
"You know what? You're turning me on big time!" he chuckled.
"Huh?"
"Natu-turn on ako sa'yo kapag nagseselos ka sa ibang babae,"
"Sinong may sabing nagseselos ako, aber?" kumawala sa yakap ni Spongy Babe at umupo sa swivel chair ng huli.
"You're too transparent to hide it from me, bubbly girl!" tumukod ang dalawang kamay ni Lyndon mula sa kabilang bahagi ng desk kapagkadaka'y inilapit ang mukha sa'kin habang nakaupo ako sa swivel chair ng binata. He planted soft alluring kisses on my lips then smiled at me.
Hanggang sa 'di sinasadyang mahagip nang mata ang isang supot ng baunan sa gilid ng kanyang mesa.
"Wait, who prepared your lunch nga pala? You're alone in your house, right?" litanya sa binata.
He was a bit surprised when I asked him about it.
"Uh, Bridgette cooked those food then she gave that to me earlier," he doubtedly uttered.
"Wow! sekretarya na chef pa," mababakas ang sarkasmo sa tono ko.
"Love, don't be so rude to her. Bridgette is kind--"
"Kind? Do you hear yourself huh? Bakit mo pinagtatanggol yung babaeng iyon? Nagayuma ka na ba ng mga luto niya? You're not even telling me about her!" I folded my arms across the chest.
"Bakit kailangan kong sabihin sa'yo? Wala naman kaming ginagawang masama, love."
"Really? Wala pa baka kamo! I have to go Lyndon,"
"Hey, love are you mad?" nag-aalala ang kanyang mukha ngunit imbis magpapigil ay hinablot ang binigay ritong rainbow jelly saka nagtuluy-tuloy palabas kahit tinatawag ni Lyndon, kalauna'y nakasalubong ang babae sa desk na nakalaan para rito saka tinaasan ng kilay ang babae.
"Nice strategy of flirting huh? Keep it up! Hindi mo naman sinabing pinapataba mo pala boyfriend ko!"
"What?" aniya.
Bumukas ang pinto ng pribadong opisina ng binata kapagkadaka'y pupuntahan sana ng lalaki ngunit ako mismo ang nagmadaling tumungo sa elevator para hindi maabutan ni Lyndon.
"Love, come back here please!" habol na tawag nito bago nagsara ang elevator.
Nagmamadaling umuwi sa mansyon at buong maghapong nagkulong kahit walang tigil sa kakatunog ang aking phone. I turned it off 'coz I don't wanna talk to anyone even Andy or Jana. I've felt betrayed by Lyndon without telling me about that f*****g Bridgette Montenegro who cooks for him...like hello? Maybe she's using the old style of suluteras which is 'the way to the man's heart is through his stomach'. Magsama silang dalawa dahil wala akong pakialam! Oh, I almost forgot that Lyndon Santiago is also one of the member of fuckboys HOMIGEN therefore he's the friend of Troy Chua who happened to be the cheater husband of Jana my friend.
Gosh! Siya pa pala ang presidente ng manlolokong club na iyon! Bakit ngayon mo lamang napagtanto ha, Samantha?!
Tinaklob ang kumot sa sobrang sama ng loob sa binata dahil sa paglilihim na ginawa niya sa'kin. Sa loob halos ng walong buwan na magkasintahan kami'y ngayon lamang naglihim ng ganoon si Lyndon. No he also did that to Cassy before but this is too much.
ISANG UMAGA ng bisitahin ni Andy ay kaagad pinakilos ng bruha dahil pupuntahan daw namin si Nana upang yayain sa Eastwood. Halos buong maghapong hindi binuksan ang kahit anong social media o phone upang hindi makakuha si Lyndon ng tamang tiyempo upang makausap ito.
"Pwedeng pakibilisan Samantha Añorivas? Hindi naman tayo sasali sa flores de mayo girl!" singhal nito habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Calm down Andy, Jana will not going anywhere...like hello?" anas sa kaibigan.
Nabitin daw ang baklang maharot sa bonding namin sa bahay ni Jana noong nakaraang araw kaya naisipan ni Andy na imbitahan ang dalagang magliwaliw pansamantala upang matanggal ang stress sa katawan. We're planning to surprise her thus making it more funnier than before. Pabor sa'kin ang bagay na ganito upang makalimot sa lalaking manlolokong tulad ni Lyndon Santigao. I'm still mad at him because of what he did to me with regards to that woman.
"Lez' go girl. I'm done!" imporma sa kaibigan.
Pagkarating sa bahay ni Jana'y walang sumasagot mula sa loob at maging ang gate ay sadyang bukas na naman kung kaya medyo nabahala rason upang pasukin ang babae sa loob. Naabutan namin siyang tulala sa lapag ng kusina tila nangangarap nang gising.
"Did you bring any of her medicine Samantha?" Andy jokingly uttered.
Halos wala sa sarili si Nana animo nagahasa ng sampung kabayo sa pagiging wala sa pisikal na mundo.
"I told you this is a mental institution girl!" I rolled my eyeballs.
"OMG. What the heck are you doing here ladies? Paano kayo nakapasok?" ngayon lamang yata natauhan ang dalaga.
She consumed the five minutes of our lives, like hello?
"Unang-una sa lahat, bukas ang gate at nakalimutan mo yatang isara. Pangalawa, tumayo ka diyan dahil mukha kang tanga at pangatlo go dress up 'coz we're going to Eastwood. Are we clear?" mahabang paliwanag ni Andy samantala nanatili akong tikom.
"I can't go with you today. Me and hubby will have a dinner date later," masiglang imporma ng kaibigan.
I don't believe that Troy will gonna lend his precious cheating time to Nana!
Pinagbigyan na lamang namin ang bruha dahil kahit anong sabihin sa kanya ay matigas ang ulo ng dalaga pagdating sa pagmamahal kay Troy Chua. She even told us that her husband should make it up to her because the man didn't came up with her surprised monthsary celebration.
When will she realize that Troy is an A-hole like Lyndon?
Maya-maya'y tumawag ang asawa nito dahilan upang bumagsak kami sa Eastwood sapagkat tama ang hulang hindi tutuparin ng sira-ulong iyon ang pangako niya sa kaibigan. Ang pinakamasakit ay namataan namin ang binatang kasama ang kababata nitong maharot samantalang ang paalam niya kay Jana'y may kikitain siyang kliyente ngunit hindi man lamang pinaalam na kasama pala ang hayop na Coleen.
MAAGANG nagyayang umuwi si Nana dahil sa sama ng loob bagamat gusto pang magliwaliw ay ginalang ko ang desisyon ng dalaga rason upang magpahatid kay Andy sa mansyon.
Nang huminto ang kotse'y natanaw ang pamilyar na sasakyan ni Lyndon sa mismong labas habang nakasandal lamang ito sa pintuan tila may hinihintay.
"Girl, mukha kanina ka pa hinihintay ng yummy guy na iyan oh?" nagtataka si Andy.
"It's Lyndon,"
"OMG. Is that your boyfriend?"
"Yes!"
"Siraulo ka ang gwapo! Ano pang hinihintay natin aba'y ipakilala mo 'ko!"
Nagmamadaling lumabas si Andy upang makipagkilala sa binata kaya walang nagawa kundi sundan ang bakla. Di katagalan ay kaagad natanaw ni Lyndo'ng papalapit sa tapat ng gate rason para tumindig ng maayos habang kipkip ang bulaklak.
"Love?"
Hindi siya kinibo at iniwas ang mga mata ngunit si Andy ang mismong sumalo sa awkward na sitwasyon.
"Hi! You must be Lyndon Santiago? I'm Samantha's beki bestfriend. Nice meeting you!" eksaheradang anito.
"Nice meeting you," ngumiti si Lyndon saka inayos ang suot na antipara.
Nabigla kay Andy ng hatakin ni bakla paharap sa binata dahilan upang magkalapit kaming dalawa.
"Naku pasensiya ka na kasi hiniram ko sandali 'yang nobya mong ubod ng ganda, pero ibinabalik ko na siya sa'yo!" bahagyang itinulak ni Andy ng mas malapit pa sa binata hanggang sa magpaalam ang kaibigan saka lumulan sa sasakyan nito.
Matagal nang umandar palayo ang kotse ni Andy ngunit nakapameywang pa rin sa harap ni Spongy Babe ngunit walang gustong magsalita habang panay ang irap sa binata. Akmang papasok sa loob ng hilahin ni Lyndon pasandal sa kanyang sasakyan.
"Love, I'm so sorry for being insensitive about your feelings,"
"Okay,"
"Please forgive me,"
"Okay,"
Binigay niya ang mga bulaklak na hawak ngunit bilang tampo lamang naman ay tinanggap ko ito.
"Thanks,"
"You're still mad at me,"
"I'm tired Lyndon. Can we talk about this some other time?" anas ko na medyo nagpapakipot sa binata.
"I kept on calling you for a hundred times but you didn't pick up your phone, love." mahinahon ang kanyang tono.
"Make it a thousand times..."
Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha matapos marinig ang mga sinabi rito.
"Hindi mo ba 'ko mapapatawad, love?"
"Lumuhod ka muna," anas dito.
I could see a bloodshot eyes of Lyndon which makes me swoon for a moment. Is he crying? Oh my god!
Hinawakan ng binata ang pantalon niyang pang-opisina saka akmang luluhod ngunit pinigilan ang lalaki.
"Fine, I forgive you just don't kneel down in front of me," umirap dito ngunit nabigla ako nang yakapin ng binata.
"Thank you, love!"
"I want you to fire her,"
Nasorpresa ang binata sa naging kongklusyon patungkol sa babaeng kinaiinisan.
"Love, I cannot fire her without any valid reason which are related to her job. That's too unprofessional!" marahang paliwanag ni Lyndon na ikinaningkit ng mata.
"Then come up with your options, Mr. Santiago," untag ko bago binalik ang bulaklak sa binata.
"Love, please understand!"
"I don't get it. Bakit hindi mo magawang alisin siya bilang sekretarya mo, ha?"
"Wala naman siyang ginawang foul sa trabaho, mahal."
"Really?"
"Magtiwala ka naman sa'kin,"
Kumibit-balikat sa binata saka tuluyang pumasok sa gate kahit tinatawag ni Lyndon dahil sa pagrerebeldeng nararamdaman sa puso ukol sa babaeng maharot.
"Please, Samantha..." pinigilan niya ang braso ko.
"Don't touch me!" binawi ang brasong hawak nito.
"Fine, I'll transfer Bridgette to other department," seryoso ang mukha ng binata.
"Hindi mo kailangan gawin kung napipilitan ka! And it's your business not mine so you can do whatever you want!" may bahid na inis ang boses.
"H-Hindi na kita kilala, love."
Nabigla sa mga sinabi ng binata animo ipinaparating na nawawalan siya nang amor sa'kin.
"Me too. I don't know you at all!" singhal sa binata subalit natigilan ng mamasdang nasa pinto ang ama.
"Lyndon, iho?" ani Daddy
Medyo nagmellow ang reaksyon upang hindi makahalata ang matandang nagsasagutan kaming dalawa.
"Tito, I just visited Samantha." imporma ng lalaki.
"Mabuti at nakita kita, sabayan mo kaming maghapunan" paanyaya ng ginoo kaya tumingin sa binatang hindi malaman ang isasagot.
"Iha, patuluyin mo si Lyndon. Why don't you talk inside the living room not here at the patio."
"O-Opo Daddy," malamig na tinignan si Spongy Babe bago naunang tumuloy sa loob kasunod niya.
Nakisabay sa hapag ang binata kasama sina Daddy at Mommy na mukhang hindi nahahalata ang alitan sa pagitan naming dalawa. Daddy is still obviously fond of my boyfriend because he keeps on asking Lyndon about some strategies and tactics on how to boost the capital or profit of one empire.
"Anak, napakaswerte mo sa nobyo mo dahil hinding-hindi ka magugutom. He would probably be your mentor in the field of business..." pagmamalaki ni Daddy.
Dumako ang maamong mukha ni Lyndon sa gawi ko bago naglitanya.
"I'll take care of your daughter, Tito." aniya na parang hindi si Daddy ang kinakausap kundi ako.
"Mabuti naman at palagay kami ng Tita mong magiging maayos ang kalagayan ni Samantha," tinapik ng ama ang balikat ng binata.
Samantala, hindi magawang makisalo sa usapan dahil parang okupado ang buong atensiyon ng isang Harold Añorivas sa mga ginagawa ng lalaki at parang itsupwera lahat ng mga ginagawa kong effort para sa kanila. Buti sana kung sa totoong buhay ay maayos din ang pagiging loyal ng binata kaso hindi!
That woman ruins everything even the faithful image of this man in front of me. Baka matulad kay Jana'ng nagsu-suffer sa huli dahil naikasal sa isang mapagpanggap na binata.
"Daddy, Mommy I have to rest now," tumayo sa hapag na ikinataka ng magulang.
"Anak, narito pa si Lyndon," anang ina.
"Uh, Tita I guess Samantha is really tired now so she can rest," sinegundahan ng lalaki ngunit hindi naging rason upang pahupain ang tampo rito.
"Okay iha," ani Daddy.
Kunwaring humalik sa pisngi ni Lyndon bago pumanhik sa hagdan bagamat naiwan ang binatang kausap ng ama sa sala. Maya-maya'y tumunog ang phone na nakapatong sa side table.
'Sleep well my love,' he chatted.
I wasn't able to reply because I don't feel like responding from his messages. Nababahalang lolokohin din ng binata tulad ng ginagawa ni Troy kay Nana. I never want to experience the same height of pain like Jana does wheneverytime she was being ignored by her husband. Hangga't nakikita ang Bridgette na iyon sa opisina'y hinding-hindi kami mababalik sa dating samahan.
SA LOOB ng ilang araw na umaandar ang bakasyon ay halos magkakasama kami nina Jana at Andy sa pagsubaybay sa kanyang asawang nilalandi ng kababatang si Coleen Samonte dahilan upang ma-absorb ang pagiging paranoid pagdating sa sa sariling relasyon, idagdag pa ang rasong presidente mismo ng HOMIGEN si Lyndon kung saan may masamang reputasyon sa pakikipagrelasyon subalit ayon naman kay Andy, mukhang matino ang kasintahan kumpara sa mga kaibigan nito. Balak ko sanang bumawi dahil sa pagiging magaspang sa binata nitong mga nakaraang araw kaya nagpasyang dalawin ang huli.
Diretsong tumungo sa opisina ni Lyndon nang hindi kumakatok dahil wala namang sumalubong sa'kin kompara noong nakaraan. I practiced myself to smile vibrantly before turning the door knob.
"Hi love!-" nanlaki ang mata sa nasaksihan.
Bridgette cupped his face to kiss him and he couldn't barely moved or even thwart right from his position.
"Samantha!" naitulak ng binata ang babae ngunit dahil sa matinding galit ay sinugod ko silang dalawa.
"You're such a f*****g flirt!" I strangled Bridgette's hair and pulled her out in the office.
"Let me go! Ouch!"
"Samantha let her go, please love let me explain!"
"f**k you! Wala kayong ginagawang masama ha?"
Kinaladkad ang babae sa mismong hallway kung saan maraming empleyadong nakakakita.
"You b***h don't mess up with me! Mas matanda ka sa'kin pero kaya kitang kalbuhing malandi ka!" I was screaming out of hatred.
"Put her down love!" saway ni Lyndon.
"You want her, huh?"
"Love please..."
"Here!" I pushed the woman through his chest.
Sapu-sapo ni Bridgette ang kanyang buhok marahil sa impact ng pagkakasabunot dito.
"You both deserve each other! Buti na lamang naniwala ako sa instinct ko! Wala ka nang kailangan ipaliwanag dahil kitang-kita ko ang mga kasinungalingan mo!"
"Samantha!",
Tumalikod sa dalawa saka binuwag ang mga empleyado ni Lyndon upang makaalpas nang maayos. Hindi pinakinggan ang tawag ng binata dahil paulit-ulit umukilkil ang eksena kanina. I feel so hurt! Parang ang siste'y pinasakay lamang ng lalaki sa paniniwalang may living fairytale subalit sa mga nangyayari ngayon ay iisa lamang ang napagtanto. It was all a pure reality, that the world is full of lies therefore, you just have to be tough.
ISANG ARAW AY TINAWAGAN ni Granmy Lina sa mansyon at hinihiling ng matandang bisitahin sila kahit komplikado ang relasyon namin ng kanyang apo. Malamang hindi nito alam ang totoong kondisyon ng samahan naming dalawa maging sina Daddy at Mommy na kadalasang tinatanong ang lagay ng binata. Ang palaging dahilan sa kanila'y abala masyado ang lalaki sa trabaho kahit makailang beses nang kumontak si Lyndon ngunit hindi ko siya pinapahintulutang dumalaw sa bahay.
I was merely thinking if I refused the invitation yet I've decided to go but not because of Lyndon but because I wanna see the kind old woman and her husband. Kapagkadaka'y nagpahatid kay Manong Toby sa pamamahay ng matanda saka mabilis pinapasok ng kanilang katiwala sa loob.
"Senyorita siguradong matutuwa sina Donya Paulina sa pagdalaw ninyo." masiglang anito bago tumungo sa kusina kung saan nagluluto raw ang ginang.
Habang nasa sala'y inilibot ang mga mata saka napansin ang isang photo album na nakapatong sa magazine rack. I halted it and check out the old photos of Lyndon eversince he was a child. Nakaisip nang kalokohan at dali-daling inumit ang dating litrato ng binata kalaunan ay basta na lamang sinilid sa bag. I know it was kinda rude thus I couldn't stop myself thinking about him eventhough, we're facing some difficulties right now.
"Naku, mabuti naman pumayag kang dumalaw apo," putol ni Granmy Lina na ikinaigtad sa gulat.
"H-Hi Granmy, kanina pa po kayo?"
"Kakapasok ko lamang sa sala iha," she frowned.
"M-Mabuti naman po,"
"What?"
"Uh, este mabuti po at nakita ko rin po kayo Granmy!" nilawakan ang ngiti.
"You look so ready with our picnic session today, huh?" kumindat ang matanda na ikinakunot-noo ko.
"P-Picnic po?"
"Yes--"
"Mamita, I've already put all the food inside the car--" natigilan si Lyndon nang magkasalubong ang aming mga mata miski ako'y hindi makahuma sa nangyayari.
"Very good iho! Me and Pops will wait you at the house van," pilyang ngiti ni Granmy saka tumalilis sa sala palabas ng mansyon.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya nagpasyang magpaaalam sa dalawang matanda na hindi makakasama sa kanilang lakad.
"Wait love," pinigilan ni Lyndon ang aking braso.
"Did you set it all up? Ginamit mo pa sina Granmy at Granpy sa mga kalokohan mo?"
"No! I swear I have no idea that she phoned you..." malungkot ang mukha ng binata.
"Sana tinawagan mo si Bridgette para siya ang pinaistorbo mo at hindi akong nananahimik sa bahay!" I irritably muttered.
"Wala kaming relasyon at kung sa inyong dalawa ikaw ang mas may karapatan sumama dahil girlfriend kita. I'm giving you some space just because I respect your decisions, Bubbly Girl."
"Huwag ka na magsinungaling!"
I walked towards the maindoor but I've felt so bad when I visualized the expected reaction of the two old couple if I refuse to go with them.
Iyon lamang ba talaga Samantha, ha?
"I never lied to you. She initiated the kiss and I was about to push her when you suddenly appeared in my office," kalmadong pahayag nito.
"Kasalanan ko pang nahuli ko kayo ha?"
"No! Hindi iyon ang sinasabi ko Samantha. I had never experienced cheating someone I love. Hirap na hirap na 'ko kasi galit ka sa'kin."
Mariing lumunok saka kumibot ang labi bago hinarap ang binata na halos di mo aakalaing lumuluha. This is my first time seeing a man crying in front of me.
"I love you Samantha. I would never do that 'cause my grandfather taught me to respect women especially the one that I truly love. I'm so sorry if I incidentally hurt you, I had failed on my only mission in life and I'm so dissapointed with myself right now,"
Medyo korni talaga si Spongy Babe!
Nagulat sa pagiging emosyonal ng binata na 'di mo aakalaing mayroong mga lalaking hindi nila nakikita ang sarili bilang mataas sa mga babae 'di tulad ng karamihan o maging mga kaibigan nitong ang tingin sa sarili ay mga regalo para sa kababaihan. Sino nga lamang ba ako para pahirapan ang isang Lyndon Santiago na kung tutuusin ay kayang-kayang palitan ng lalaki kung gugustuhin niya?
"Mga apo naghihintay na si mamita sa inyo sa van!" tawag ni Granpy.
Bahagyang pinunasan ni Lyndon ang mga mata saka kinagat-kagat ang labi.
"I'll tell Mamita that you're not going with us. Don't worry about them," seryoso ang litanya ng lalaki saka kinuha ang panyo sa pantalon.
Tuluyang lumakad palabas sa balkonahe ang binata kung saan naghihintay ang dalawang matanda kapagkadaka'y lumapit si Lyndon sa nakabukas na van.
"Pops, Mamita I'm sorry if--" anang binata ngunit inunahan siyang pumasok sa loob ng sasakyan kaya bahagyang nagulat ang lalaki.
"I'm sorry Mamita and Pops we took so long to hop in. Ang dami kasing ibinilin ni Lyndon sa'kin bago tayo umalis." pag-aalibi sa dalawa habang hindi makapaniwala ang lalaki ngunit pinanlakihan na lamang siya ng mata kaya napilitang umupo sa tabi ko kapagkadaka'y makahulugang nagtinginan ang mag-asawa.
"We're going to Batangas together with our fellas, young couple!" anunsiyo ni Grandpy Andres na halata ang excitement sa mukha.
"Naku iba na yata talaga ang field mo Andres! Ang lolo mo'y isang mangingisda na sa fishpond ng kumpadre niya--"
Tumawa lamang ang ginoo saka tumaas-taas ang kamay animo batang pinayagan ng inang makapaglaro sa kalsada.
"Is it Lolo Gavin's farm?" tanong nito.
"No other than!" umirap ang ginang ngunit niyakap lamang ni Granpy ang esposa.
The old man kissed his wife on the top of her head.