CHAPTER 4

3343 Words
EVERYONE IS WAITING for their assessment results so as me therefore I'm very anxious about mine. Nanlalamig ang aking mga palad sa maaring kalabasan ng resulta. Kapagkadaka'y pumasok ang guro habang kipkip ang mga papel. OMG! I can't imagine myself being in the last row. Not now Lord I'm begging you! Ms. Linares cleared her throat before putting all the stack of sheets over the table. "Everyone did a great job hence, if I called out your name then get your results. Are we clear?" anito. "Yes Ma'am" sabay-sabay na sumang-ayon sa butihing guro. Unang tinawag si Xander Furr kung saan abot langit ang tuwa ng makita ang nakuhang scores. He wailed his both arms as if he won some championship tournament. Sunud-sunod na tinawag ang mga kaklase hanggang sa ika-labing limang estudyante kasama ang matalik na kaibigan. Umaasang sunod na matatawag kahit pangdalawampu ngunit hindi 'yon nangyari. "And lastly...Samantha Añorivas," seryoso ang mukha ni Ms. Linares. Nanginginig ang mga paang tumungo sa harapan saka inabot ng guro ang naturang testpaper, subalit parang ayaw tanggapin dahil baka mas madismaya kung tuluyang isampal sa'kin ang letter F at D sa itaas ng pangalan ko. "Ms. Añorivas you have to give your best shot in the next and last term of this schoolyear" she sullenly said. "But I-I did," "It's okay Samantha, don't pressure yourself and let go all those negativities. Everyone has their own craft.." pagpapalakas-loob ni Ms. Linares. "Thank you Ma'am" I nodded. Pagbalik sa kinauupua'y marahang tinapik ni Jana bilang pang-aalo sa bigat ng nararamdaman. I put all my testpapers inside my bag without even checking it. Ayokong ipakita kay Daddy sapagkat lalong madadagdagan ang pagkadismaya ng ama. Buong maghapong wala sa mood kahit halos maubusan na'ng jokes si Nana, ngunit kimi lamang ang palaging sagot sa kaibigan. She didn't invite me to go out or something unlike the usual, maybe because Jana knew how much I'm very upset with my test results. Nang makalabas ng eskwelaha'y magalang na binati ni Manong Toby ngunit hindi umimik imbis ay tahimik na lumulan sa backseat. Ilang minutong tumatakbo ang sasakyan ng maputol ang malalim na pag-iisip ng magsalita ang driver. "Senyorita Samantha hinihintay po pala kayo ni Don Harold kanina pa," imporma nito. "B-Bakit daw po?" napaigtad ng marinig ang pangalan ni Daddy. "Wala po akong ideya pero mukhang maaliwalas po ang mukha ng Daddy ninyo..." Piniling hindi makipag-usap kay Manong Toby dahil lalong nadagdagan ang kaba sa mga nalaman sapagkat mas kilala ang ama sa pagiging unpredictable nito. Maya-maya'y pumarada ang sasakyan sa garahe ngunit napakunot-noo dahil sa hindi pamilyar na mga sasakyang nakabalandra sa malawak na solar. Dali-daling tumungo sa loob at doon nabungaran ang ilang mga kasosyo ni Daddy kasama ang kani-kanilang mga anak na binata at kadalagahan. Their all six pairs of eyes peered at me when I went inside the house. "Here she is..." anunsiyo ng aking ama. "Your heiress is beautiful as your wife..." bati ng isang bigotilyong lalaki tila nasa kwarenta ang edad habang kasama ang anak na dalaga. "Alam mong hindi ako pumipili ng 'di de kalibre kumpadre," ani Harold Añorivas saka nagsitawanan ang mga ito. "Come here Samantha..." "Y-yes Daddy," I got shivered while getting near them. "Your daughter seemed shy Harold," anang isang ginang. Napako ang mga mata kay Mommy na umakto ang daliri sa magkabilang gilid ng labi animo tinuturuan akong ngumiti kaya napilitang ngumiti sa mga naroroon bisita. "Samantha, they're all my colleagues eversince college." mababakas ang kasiyahan sa mukha ni Daddy na halos minsan lamang masumpungan. "H-hi po..." I tried to genuinely smiled at them. "By the way, what's her craft? I bet she's good as you Harold," anang isang matabang lalaking may hawak na goblet. "She is," sumeryoso ang mukha ni Daddy. "My daughter is good in sports and a three-year consecutive gold medalist that's why I'm very proud of her." muling anas ng lalaki kaya umugong ang paghanga sa mga naroroon. "What's your craft iha?" magiliw na tanong ng isa pang ginang. "I'm good in crea--" "She's good in acads. I told her that she'll be the sole owner of our conglomerate in the future thus, being an Alpha in everything is her goal, right Samantha?" he authoritatively asserted. Kaya nagsitanguan ang mga ito animo sumasang-ayon. "Y-Yes Dad," Nagpaalam muna upang makapagbihis ngunit nang akmang tatalikod ay humirit ang amang si Harold. "I heard that you received your assessment results," he sipped onto his pasabache. Hindi ito diretsahang nakatingin sa kinapupwestuhan ko ngunit halos manginig ang labi sa kaba. Not now Daddy... "Wow, she probably got flash aces kumpadre," anang matabang lalaki. "I know you wouldn't fail me my lovely daughter," Harold jutly grope in excitement then they were all laughed. Ang mukha ni Daddy ay kababakasan ng kumpiyansa marahil nakikita niyang halos isubsob ang mukha sa mga workbooks noong nakaraang linggo. "Iha, I'm asking you if where is your assessment result?" muling tanong ng ama. Nanginginig ang kamay habang binubuksan ang bag, kapagkadaka'y hinugot ang papel saka inabot kay Daddy, habang halos yumuko sa pamumula ng mukha, hanggang sa namayani ang katahimikan sa mga taong naroroon lalo nang silipin ng mga kaibigan ni Harold Añorivas ang mga nakuhang marka. "Go to your room and we will talk about this later..." the ledges became thinned-line as if he's trying to control his anger. "It's okay kumpadre, don't get too hard on your daughter. She might be good in other field," pambawing saad ng isang ginang habang magiliw na nakangiti sa'kin. Kinuha ang papel na hawak ni Daddy saka tumakbo palabas ngunit ni walang salitang narinig mula sa mga magulang. Kasalukuyang nabungaran na naglilinis si Mang Toby ng sasakyan ngunit inutusan siyang ipagmaneho patungo sa madalas tambayan. "P-Pero senyorita magagalit po sa'kin ang Daddy niyo," nag-aalalang saad nito. "Never mind Manong Toby.." "Senyorita sandali..." anito. Tumakbo palabas sa malaking gate habang tinatawag ng loyalistang drayber ni Harold Añorivas ngunit hindi pinansin ang lalaki. Nagpupuyos ang damdamin dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kanina. You're such a total dissapointment to everyone especially to your father, such a loser in everything they want from you. Tumawag ng taxi kapagkadaka matapos lumabas sa mismong gate ng village. I wanna remove my angst in all my stupidity. Ilang minutong nagmumuni-muni nang masumpungan ang kalsada malapit sa coffeeshop. "D-Dito na lamang po kuya," matamang bumaba matapos i-abot ang bayad. Hindi muna dumiretso sa Love in 60's Cafe' bagkus ay umupo sa gilid ng sementadong kalsada dahil nakaramdam ng pagod. Hindi pisikal na pagod kundi emosyonal at mental maging sa lahat ng dapat gawin para lamang may mapatunayan sa ama, sa mga taong nakapaligid, at higit sa lahat sa sarili. Later on, I've felt a slight drizzle though instead of running off through the shed, I look up to the gloomy sky and shut my eyes to placidly feel the few droplets upon my face. After a few moment of stillness I unhurriedly opened my eyes. "I-ikaw?" naumid ang dila dahil nakatunghay ang mukha ng binata mula sa likuran. "Are you creating a music video or something?" pilyong ngiti nito. "Don't mind me--- I'm not in the mood to joke around," I said. Imbis umalis ay umupo ang lalaki malapit sa'kin, kahit hindi bagay sa kasuutan nitong pang-CEO ang datingan tulad ni Daddy kapag may mahalagang meeting sa trabaho. "I want to be deserted," anas ko. "You may, I'm not going to utter unless you talk to me," aniya habang nakatingin sa malayo't nakangisi. "Why are you here?" "Nakakita kasi ako ng basang kuting sa gilid ng kalsada", he chuckled. I craned my head and heaved a deep sigh. "Do I look like a stupid beggar from the street..." anas rito saka yumuko ngunit nagulat dahil sa ginawa nitong paglapirot sa pisngi ko. "Hindi naman ah?" aniya hanggang namayani ang sandaling katahimikan bago muling nagsalita. "It's getting dark here bubbly girl, let's go to the coffeeshop," he grinned. Tumayo ang binata saka pinagpagan ang pantalon ngunit hindi ako sumunod at nanatili sa pwesto. "Hey.." Di katagala'y tumingkayad ito paupo hanggang sa pumantay sa'kin rason upang bumuhos ang pinipigilang emosyon, sapagkat ngayon lamang may nagpakita nang gano'ng klaseng pag-aalala. "P-pagod na kasi ako..." in between my outcries. "Saan?" simpleng tanong nito. "I'm a w-walking failure," marahas na pinunasan ang mga kumawalang butil sa mata. He slowly halted the papers which I was holding yet, I refused at first but I let it glid from my hand in a gradual manner. Hindi mapigilang mahiya sa mga nakuhang F remarks sa pagsusulit. "Libre lait" sa pagitan ng hikbi ngunit imbis ay ginulo lamang ni Lyndon ang buhok ko. "No one has the right to sized up the ability of somebody..." makahulugang saad nito. Kalauna'y tumayo si Lyndon at namulsa saka mabagal na lumakad habang nakaipit sa kili-kili ang test results. "S-Sandali saan mo dadalhin 'yan?" "You want me to put it in a frame?" pilyong saad ng binata kaya hindi mapigilang bumusangot ang mukha. "Funny," I glared. "Sinusupladahan mo na 'ko ngayon samantalang no'ng nasa bar--" "Blah!blah! I didn't hear anything blah!blah!" tinakpan ang tenga. He just chuckled. Huminto ang lalaki ngunit nanatiling nakapamulsa saka simpatikong napako ang mata sa kinapupwestuhan ko. "I'm Lyndon Santiago," inalis sa pantalon ang isang kamay saka inilahad sa'kin. "Huh?" matamang tinignan ang pakikipagkamay niya. "I'm Samantha Añorivas but you can call me--" "Bubbly girl or wet kitty? I wonder if what could perfectly suits you?" tanong ng binata sa sarili. "Which one do you prefer?" I innocently asked. "Then, nice to meet you bubbly girl" he initiated the handshake. Isinuksok uli ni Lyndon ang kamay sa pantalon saka naunang lumakad papasok ng Love in 60's Café. Samantala, hindi mapalis ang ngiti dahil sa pagiging magiliw ng binata. Hindi malaman kung anong nakain nito o kung bakit biglaan naging maayos ang pakikitungo ng lalaki. Maybe he pitied me because of being helpless damsel. Maya-maya'y dumiretso si Lyndon sa counter kaya dahan-dahang tumapat sa bandang likuran upang umorder din sana nang sariling makakain. "Hi Sir, how may I help you?" magalang na saad ng babae. "Hi Sash, same order please? Where are the oldies?" "Naku Sir umuwi na po sina Donya Paulina," "I see." "Would that be all Sir?" muling tanong ng dalagang tinawag na Sasha. "Additional sliced of blueberry cheesecake and coffee jelly for the kiddo behind me," nakangiting saad nito. Sinong kiddo? Dumungaw ang crew at ngumiti ng malapad sa gawi ko. "Coming up Sir," anito. Matamang bumaling ang binata sa'kin bago niyayang maupo malapit sa pinto kung saan kadalasang pinupwestuhan. I prefer the ambiance and vast transparent border because I could easily watch the busy avenue while zipping my jelly frappe. "Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?" putol ni Lyndon sa pagmumuni-muni ko. "Huh?" "Why you always astonish when everytime I asked you?" he smirked. Nakatunghay ang lalaki, tila may mababanaag na amusement sa mga mata. "A-anong sinabi mo?" He slightly cackled while his both hands clasped over the table. Hindi mapigilan ang batang puso na humanga sa kaharap dahil sa pisikal na kabuuan nito. He has the aura of professionalism in the way he carried himself on the crowd, especially his CEO fashion style of clothings. Aakalain mong kabilang siya sa mga men's magazine dahil sa tindig o porma ng lalaki. "Hey bubbly girl, are you with me?" muling tumawa ang lalaki. "K-Kasi ano..." "Ang sabi ko, bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo? Nasaan na'ng sundo mo?" "I-I certainly did" I softly said. "You mean you went away from home?" "Y-Yes" "Why? Malamang nag-aalala na sila sa'yo," "I don't think so," anas ko habang pinipigilan ang luhang gustong na namang kumawala. Ilang sandaling naputol ang pag-uusap nang inilapag ng crew ang mga in-order ng lalaki, kapagkadaka'y kukuha sana sa sariling pitaka upang bayaran ang mga pagkaing binili niya para sa'kin ngunit pinitik lamang ng binata ang noo ko. "Ouch that hurts!" napasapo sa noo. "Any man must treat you like a princess not a pauper bubbly girl," "Ako naman kasi ang kakain," reklamo rito. "Kaninong pera galing?" anas ni Lyndon. "P-Parents..." "See? Saka mo bayaran kapag may sarili kang pera." he articulately explained. Bahagyang nahiya sa binata saka nanghaba ang nguso. "Dig in, then go home," seryosong saad ng binata habang sumisimsim ng kape at matamang nakatingin sa gawi ko, kaya halos ma-conscious sa mga dapat ikilos sa harap nito. "Ayokong umuwi magagalit lamang si Daddy..." Nilapag ni Lyndon ang kape sa puswelo't bahagyang lumapit ang lalaki dahilan upang mailang hindi lamang sa presensiya kundi pati na'rin sa nakaka-adik na amoy ng binata. "Face it and be brave bubbly girl. Accept your flaws and learn how to stood up..." nakakaloko ang ngiti nito animo nagsasabi ng mga walang kwentang bagay ngunit kabaligtaran sa totoong buhay. "Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko," I asserted. Bumuntong-hininga ang binata saka muling kinuha ang papel na nakapatong sa harap ng mesa tila binasa ang mga remarks. "Do you really want to excel in acads?" "I tried but I can't," mahinang saad sa lalaki kapagkadaka'y muling nilapag ang papel sa mismong harap. "Same spot every after class. Now go home bubbly girl..." Nanlaki ang mga mata sa sinabi ng binata ngunit hindi makahuma't parang ang hirap i-proseso sa utak. "Y-you will h-help me?" "Sort of, though it's still your duty to pass those assessments not mine," Makalipas ang ilang sandali'y nagpaalam ang lalaki dahil may aasikasuhin pa raw ito subalit sinundan ang binata, hanggang sa makarating si Lyndon sa nakaparadang bentley na nasa mismong harap ng coffeeshop tila inaantay lamang ng sariling drayber. "Lyndon!" Lumingon ang lalaki sa gawi ko. "I'm older than you bubbly girl learn to respect me..." nakangisi ang binata. "K-Kuya Lyndon..." "Yes?" "Salamat sa workbooks, coffee jelly at blueberry cheesecake!" magiliw na saad sa lalaki ngunit hindi napigilan ang sariling yakapin ang lalaki dahil sa huling pabor na binigay niya. "And lastly, t-thank you because you b-believe in me eventhough we'd just met ealier...Lyndon este K-Kuya Lyndon," tila napasong bumitaw sa binata. Samantala, ginulo lamang ng lalaki ang buhok ko bilang tugon. "Be good bubbly girl," anito matapos lumulan sa backseat habang nakabukas ang bintana. "Bye po!" I exaggeratedly waved my hand even the car already far away from my sight. PAGKARATING SA MANSYON, hindi nagkamali sa hinuhang sandamakmak na sermon ang napala kay Harold Añorivas hindi dahil sa pagkakaroon ng mababang marka kundi mas lamang ang pagkapahiya sa kanyang mga bisita kanina. Kasalukuyang nasa sofa habang patuloy na niraratsada ni Daddy ngunit hindi na lamang sinubukang magpaliwanag para hindi na tuluyang humaba. "You brought humiliation to my reputation Samantha Añorivas! Kailan ka ba titino ha?" I'm just scratching my skirt without having an eye contact with my father because of ample uncertainty. "Amanda pagsabihan mo nga 'yang anak mong huwag hatakin sa kahihiyan ang apelyido ko," singhal ng ama saka padarag na umakyat patungong silid. Doon lamang dinaluhan ng butihing ina saka inalu-alo ang balikat habang walang habas ang bumabalong na luha sa mata. "Tahan na anak, mainit lamang ang ulo ni Daddy ha?" "Mommy don't cover him up just because he's the authority here in this house..." panay ang punas ko sa mata. "Look, we just want the best for you baby," "No, he just want the best for himself. When will you learn to speak up for yourself Mom?" tumingin ng diretsahan sa ginang ngunit umiwas lamang ang mga mata nito. "I-Iha be patient with your Dad," "This wasn't my fault if you haven't got a son instead of me..." tumakbo paakyat sa grandstaircase kahit panay ang tawag upang bumalik sa kinaroroonan ng ina. KINABUKASA'Y HINDI NA NAGAWANG MAGPAALAM sa mga magulang dahil nagpahatid kaagad sa eskwelahan habang bitbit ang pinagawang jellatin sa isang helper. Di katagalan nang makaupo sa inuukopang silya'y lumapit kaagad si Nana saka bumeso ng bongga. "Finally, I have seen your face. How's your day last night? Hindi na kita tinawagan dahil alam kong wala ka sa mood kahapon," mabait na turan nito. "I'm fine now best." "Well, that's good news tho' but there's a lot more good things that I want to share with you," pilyang ngisi ni Jana. "And?" "I'm inviting you to go with me and attend the welcome party of Donya Elena Ayala," using her excited tone. "Who's the woman by the way?" tanong dito. "My gosh Sammy, the old woman is Michael Ayala's queen mother." imporma ng kaibigan ngunit hindi pa'rin makuha kung bakit masaya ang kaibigan. "Then?" "OMG. All the HOMIGEN is of course invited. In short, masisilayan ko si Troy habang ikaw si Lyndon..." Jana threw her palm on my forehead. "Tss.." I hissed. BANDANG HAPON ng matapos ang klase'y tumanggi sa kaibigang mamasyal dahil may natanguang ibang appointment. This is the most exciting moment for me because Lyndon Santiago will teach my heart este me. Kalauna'y matamang pumasok sa loob ng coffeeshop saka inilibot ang mata. Napansing walang pamilyar na bulto ng lalaki'ng naroroon ngunit imbis madismaya ay prenteng umupo sa harap ng pabilog na mesa. Ilang minutong nakakalumbaba habang nagbabasa ng workbooks. I also texted Manong Toby to pick me up around six in the evening. "Sammy, don't put your high hopes. Baka nakalimot na tutulungan ka niya?" pangaral sa sarili habang nakatanghod sa workbook kung kaya natatakpan ang buong mukha hanggang sa mayroong mga kamay na nagbaba sa aklat para marahil masilayan ang aking mukha? "Did I make you wait?," he sneered. "L-Lyndon!" "Medyo respeto sana sa'kin bubbly girl..." he chuckled. "S-Sorry Kuya Lyndon," "Let's start?" "Wait. I have something for you," malapad ang ngiti habang ipinresenta sa lalaki ang dalang panghimagas. "Ano 'to?" nakangisi ang binata tila sinasakyan lamang mga trip ko sa buhay. "Open it." "Nice. A rainbow jelatin? This is cute bubbly girl," mas nakakakiliti ang tawa ng lalaki sa'king pandinig. Maya-maya'y nag-umpisang mag-lecture ang binata ukol sa geometry ngunit napapaawang na lamang ang bibig sa kagwapuhang taglay ni Lyndon at mas lumamang ang paghanga rito dahil sa pagiging matalino ng huli. "Did you get the answer?" putol nito sa nililipad na isip. "H-Huh?" Natawa lamang ang binata sa naging tugon sa mga itinatanong niya. "I said did you get it?" "Ah o-oo nakuha ko" ang puso mo... "Samantha" "Y-Yes?" "Eyes on your workbook not on me" umiling-iling ito. My cheeks flushed because of what he uttered. Masyado ka yatang halata sa pagpapantasya Samantha! Rendahan mo sarili mo kung ayaw mong mawalan ng tiyansang masilayan ang adonis na 'to. Pinilit magpokus sa mga lessons dahilan upang matuwa sa sarili sapagkat medyo naiintindihan na'ng ilang subjects na halos hirap na hirap matarok dati. "Thank you K-Kuya Lyndon for today's lesson," masiglang anas sa binatang kasalukuyang nilalamtakan ang rainbow jelatin. "Don't mention it. By the way did you make this dessert?" "H-hindi." Tumawa ang binata sa naging sagot ko. "You really amuse me!" he smirked. "Bakit dapat ba ako ang magluto o gumawa?" inosenteng tanong sa binata. "Hm. not really, I just thought you made this for me," he licked his red luscious lips which made my throat became drought. "Can I add you on my social accounts?" I randomly asked. "Bakit hindi mo pa in-add noong inii-stalk mo na?" "What? I just scrolled it but it doesn't mean I---" I cut my tongue when I realized what I had said. "You scrolled it and?" mas lumapad ang ngiti ng binata. "S-Sorry" yumuko dahil nahuli sa sariling bibig rason upang matawa ang lalaki kaya mas lalong nakaramdam ng embarassment. "Pft. Fine, let me add you bubbly girl," anito kaya napatanga sa sinabi ng binata. He will add me? Is this for real? "There you go just accept it later. Nandiyan na sundo mo," "S-salamat ulit...Lyndon" anas sa lalaki ngunit ang huling salita'y pabulong na lamag bago dumiretso sa nakaparadang sasakyan sa gilid. Nang makalulan sa backseat ay mabilis binuksan ang bintana upang matanaw ang lalaki sa transparent wall. He made a salute gesture and infamous killer smile right before Manong Toby drove away the car. 'Geometry is likely similar with me, full of angles and kilig..' I wrote it down on  my notes and softly cackled
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD