CHAPTER 3

716 Words
"I'M NOT A PROFESSOR, I'M A f*****g BUSINESS TYCOON," halos isubsob ang mukha sa unan dahil paulit-ulit sumasagi ang mga salitang namutawi sa bibig ng lalaking hinahangaan. What the heck Samantha! Where did it come from? Saan mo nakuha ang tapang para alukin ang isang Lydon Santiago? Kulang ang lahat ng scores na nakukuha mo sa loob ng maraming taon kung achievements ang pag-uusapan. Sino ka para humingi ng pabor sa kanya? Close kayo? "Aish! Stupid moves Samantha!" Pinilit makatulog kahit hindi dalawin ng antok dahil sa medyo overdue na sa kahihiyang tinatamasa sa binata. Umagang-umaga ng nagmamadaling umalis sa mansyon kung kaya hindi maiwasang kwestiyunin ng ama ukol sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Simula kasi nang malaman ni Harold Añorivas ang kapalpakan sa academics ay mas naging mahigpit ang matandang lalaki lalo't nag-iisang anak at magiging susunod na tagapamahala ng kanyang mga ari-arian. Malalim na buntong-hininga ang nagawa dahil sa kalagayan ukol sa standing sa klase hanggang sa may pumutol ng pagmumuni-muni ko. "You seemed worried young lady?" "P-Po?" Malapad na ngiti ang bumungad sa'kin mula sa ginang na nagmamay-ari ng Love in 60's Cafe. Naging bisyo na yatang tambayan ang coffeeshop ng oldie couple sapagkat sa kanila na lamang kumakapit para maniwala sa salitang forever. "Mukhang palagi kang problemado iha? Sa t'wing tutungo ka rito palaging tambak ang mesa mo ng mga aklat," "K-kasi po nahihirapan ako granny," "Granny? I love your endearment darling." magiliw na saad nito. "I apologize..." medyo nahiya sa pagiging feeling close. "By the way, I'm Paulina and my handsome prince over there...he is Andres," "Wow. Can I call you Granmy Lina and Granpy Andres?" inosenteng tanong sa matandang babae. "Of course, since you'll be my regular customer..." magiliw na saad ng ginang. Nabanggit dito ang problema ukol sa mga lesson sa eskwela kaya sinabihan ni Granmy Lina'ng kumalma at huwag i-pressure ang sarili. She also put my favorite combo on my table and encouraged me to do well in acads. Nakakainggit ang mga apo nina granmy at granpy dahil mababait sila 'di gaya ni Daddy'ng sobrang istrikto samantala, si Mommy namang palaging kimi sa lahat nang desisyon ng patriarko. Ilang oras nanatili sa coffeeshop ngunit bigong masilayan ang binata kaya malungkot na niligpit ang mga workbooks. Nagpaalam sa dalawang matanda bago tumulak patungong bungad, halos laglag ang balikat at wala sa sarili dahil nalalapit na'ng second assessment subalit ni wala pa'ring pumapasok sa utak. Nasa gano'ng malalim na pag-iisip ng hindi sinasadyang mabunggo ang crew. Tumilapon ang mga aklat na hawak at nabuhos maging ang milktea hindi lamang sa sahig pati sa damit...damit ni Lyndon Santiago. Nanlaki ang mga mata, tila naestatwa sa seryosong mukha ng binata na kasalukuyang nakatayo sa transparent door. "Sir sorry..." anang crew. Mariing nalunok ang malaking bara sa lalamunan dahil diretsahang nakatingin ang binata hindi sa crew kundi sa'kin. "Ah--s-sorry I didn't mean.." yumuko habang nakapikit ngunit ni walang hiyaw o galit na narinig mula kay Lyndon bago pumasok sa loob. "Clean up your mess..." bulong nito nang mapatapat sa'kin. Nanatiling nakayuko animo naestatwa hanggang sa kunin ng crew ang atensyon upang i-abot ang mga libro saka binuklat ang mga ito, subalit halos manlumo nang hindi mabasa ang ilang mga pahina dahil sa mantsa. Mangiyak-ngiyak na tumakbo sa labas kapagkadaka'y eksaktong pumarada ang sundo kung kaya nagmamadaling lumulan dito. Matapos mangyari ang insidenteng 'yon ay nagpasyang hindi muna gumawi sa coffeeshop dahil kailangang atupagin ang pagpapa-photocopy ng aklat upang mayroong mai-review, sapagkat kailangang ito sa puspusang pag-aaral na gagawin. Kasalukuyang nakaupo sa pabilog na upuan habang tambak ang mga aklat na namantsahan sa harap. I didn't allow myself to experience some leisure with Jana because it might bring chaos to my goals on this coming assessments. Lalong ayoko munang umuwi dahil iniiwasan ang paninita ng butihing ama sa bawat kilos sa mansyon. "How many years did the Spaniards envade the Philippines...?" tinignan ang workbook ngunit napakunot-noo dahil hindi makita ang mga nakasulat na letra. "Sammy..." I faced palm my head. "Spaniards envaded our country for three hundred thirty-three years..." Natigilan sa nadinig mula sa likuran tila hindi makahuma hanggang sa tumikhim ang lalaki at inilapag ang kumpol na aklat sa gilid ng sementadong mesa. Dali-daling lumingon sa binatang nakapamulsa at seryoso ang mukha, kabaligtaran sa nakakatuwang personalidad kapag kasama ang mga kaibigan. "W-What this?" He cleared his throat and properly tilted his eyeglass. Lyndon is very prim and neat who is typically headturner because of his authoritative aura yet humurous personality. Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pagiging komedyante at halimaw sa negosyo. I became a silent avid fan of his goals and achievements in life. Sa buong araw na paggagalugad sa buhay ng binata'y dinaig pa'ng thesis sa nabuong diskurso. "Someone told me that you couldn't used your workbook because of what happened last time. I asked the school management to provide new one," OMG! Pilit pinapalis ang kilig o kahit sumilay man ang ngiti dahil sa ginawang effort ng lalaki. Di katagala'y tumalikod ang nakapamulsang binata tila natural lamang ang kilos habang pabalik sa magarang sasakyang nakaparada sa gilid. "Thank you. Babawi ako sa'yo!" sigaw rito subalit nanatiling walang kibo si Lyndon. --- "CAN YOU BE MY PRIVATE TUTOR?" halos gustong bumunghalit ng tawa sa sinabi ng dalagita. "What did you say?" "T-Tutor..." Nagpanggap na napipikon saka namasdan ang nahihintakutang mukha ng babae. She's kinda' bubbly and petite hence this girl might different from those women who are prying to get my attention. Kumbaga sa bulaklak ni hindi pa umuusbong di katulad ng mga babaeng nakakasalamuhang pulos trying hard kung makipagsabayan sa larangan ng iba't-ibang bagay sa mundo. I find them boring especially if they were empty or nonsense but this lady in front of me didn't care of admitting that she's imperfect or badly needs help...that she has an average type of brain who could only understand simple things like yes or no and right or wrong. "I'm not a professor, I'm a f*****g business tycoon," I said with lopsided grin. "S-Sorry to disturb you," mangiyak-ngiyak na yumuko ito saka lumakad papasok sa coffeeshop kaya walang nagawa kundi sundan na lamang ng tanaw ang dalagita. Sa ilang pagkakataong naobserbahan ang babae habang nakaupo sa coffeeshop ay parang literal na sunog-kilay ang ginagawa nito ngunit hindi yata umaabot sa utak ang mga binabasa. She must be a worst case! Ilang araw ring hindi nakatambay sa Love in 60's cafe dahil maraming negosyong kailangang asikasuhin kaya magaan ang loob na tumungo roon. I pulled off the door and presto somebody jolted into me. Hindi 'yon ang problema kundi ang natapong inumin sa mismong coat. "S-sorry I didn't mean to.." Gustong hiyawan ang dalaga o sabihan ng tonta at lampa subalit natigilan ng mamasdan ang mga aklat na nakakalat sa sahig. I saw a glimpse of tears ruffling through her eyes which made me felt a pang of guilt. Kaya imbis bulyawan ay nagtimpi na lamang dahil alam sa sariling hindi tamang sigawan ang babae kahit gaano kamali ang nagawa nito. That's how my mom taught me when she was still alive. After the incident, I kept on coming back to the site but I haven't seen any of her traces. I became inquisitive to her bearing accordingly, I did a little research about her academic standing, social stats and all. I have found out that she's the heiress of Harold Añorivas whom technically part of alta-society. Mas naiintindihan na ngayon kung bakit kailangang magpursige at i-pressure ng dalaga ang sarili marahil sa kanyang amang kilala bilang maninila sa mundo ng pagnenegosyo. XIA is almost near with my grandparent's home hence, it could perhaps a valid reason why I always drive in this avenue. Kasalukuyang pauwi galing sa pagbisita sa mga ito nang mapadaan sa dating eskwelahan hanggang sa mamataan ang pamilyar na bulto na kasalukuyang nasa loob ng isang Photocopy Center. She was patiently waiting for her notes. Nagmenor ako sa gilid saka pinagmasdan ang babaeng nakatanghod sa xerox machine. It took her thirty minutes before they ended all those papers. Di kalauna'y nagmamadaling tinignan ng dalaga ang mga papel saka bumuntong-hiningang malalim. I couldn't help myself to snigger when I saw how dissapointed she was coz' of her workbooks. KINABUKASAN, bago tumungo sa opisina'y nag-set ng meeting sa head directress ng XIA. As the acting president of HOMIGEN Co., I've decided to put some of my wealth in our alma mater thus I have the alliance power inside this exclusive school. "Mr. Santiago it's my pleasure to finally meet you again" anang ginang. "Thank you Ma'am" "What can I do for you?" ngiting-ngiti ang matanda. "Does anyone knows how to replicate workbooks?" Nangunot-noo ang matandang babae sa narinig saka pinagsalikop ang dalawang kamay. "We have this policy about the school that we could only provide one workbook per subjects Mr. Santiago" Ayon dito, hindi sa walang maibibigay sa mga bata bagkus isinusulong ng eskwelahang maging masinop ang mga estudyanteng nag-aaral sa XIA. Be responsible in all their actions... "Could you break those rules for me?" The Head Directress became intimated on how I used my authority when it comes with this matter. Matapos ang ilang minutong pag-uusap ng lumulan sa sasakyang nakaparada sa gilid. Kapagkadaka'y muling natanaw sa side mirror ang dalagitang masususob na yata ang mukha sa kakatitig sa libro. "Come on, bubbly girl just study hard and study smart..." pilyong ngiti ang gumuhit sa labi. Maya-maya'y mayroong dumungaw na mukha sa nakabukas na bintana ng kotse na sadyang ikinagulat ko. "Fuck.." I hissed. "Ser ito na ho ang mga aklat na pinapakoha ninyo" anito. "Salamat Kuya Berto" anas dito saka inabutan ng pangmeryenda ang naninilbihang utility sa eskwelahan. ----- ARAW NG LINGGO, ngunit mala-lunes pa'rin ang pakiramdam dahil sa ginawang kabaitan ni Spongy babe. I'll gonna call him that endearment because Lyndon is kinda soft-hearted although, he's making an image of being rude yet humurous. Kinapa ang nagkalat na workbook sa malawak na kama hindi para basahin kundi para yakapin sa isiping binigay ito ng lalaking pinapangarap. Kasalukuyang nag-iimagine habang nakatingin sa kisame ng mag-ring ang cellphone malapit sa unan. "Hello best!" pambungad na bati ni Nana. "Argh. I already told you that I can't go with you today" Namimilit ang babaeng mamasyal sa mall ngunit tinanggihan ang matalik na kaibigan sa rasong tinatamad kumilos. Maya-maya'y napabalikwas habang kinukwento ni Jana ang gustong mangyari sa nalalapit niyang debut. Na-excite man subalit hindi nakalusot sa pandinig ang panibagong pabor ng dalaga. Nag-fasting nga kay Chua pero hindi sa paglalakwatsa. Hay Nana talaga! "Sayang, balak ko sanang pumunta sa Event organizer na...pinsang buo lang naman ni Lyndon Santiago. Teka, di ba sabi mo tinatamad ka? Bye-bye best!!" anas ng dalaga saka pinutol ang linya. "s**t Jana Buenaventura-Xi!" I cussed. Nagmamadaling nagbihis ngunit sinigurong pang-awrahan ang damit, tipong maglalaway ang makakakita. Pagkababa ng hagda'y nasalubong ang ama kaya muntik mapaatras lalo't halos rikisahin ng ginoo ang croptop at shorts na suot. "Saan ka pupunta? Bakit ganyan ang suot mong bata ka?" sita nito. "Aawra--este kina Jana po D-daddy?" nangingiwing anas sa ama. "Go home early and please...wear something decent Samantha," "O-Opo Dad." Umatras pabalik sa kwarto saka napilitang magdamit ng medyo konserbatibo. ILANG MINUTONG NAKALIPAS, nang makarating sa tapat ng mansyon. Pagkababa pa lamang sa kotse, bumungad kaagad ang gwardiya nina Jana ngunit hindi na nagpaalam sa lalaki saka dumiretso papasok sa loob. Binati ang nakasalubong na kasambahay bago tumungo sa silid ng kaibigan, subalit naabutan ang dalagang bihis na bihis habang pababa ng hagdan. Nag-inarte muna ang lukaret hanggang sa mahatak ito patungong sasakyan. Di katagala'y pumasok kami sa isang eksklusibong village kung saan halos lahat ng matatanaw na bahay ay pawang sumisigaw ng yaman. "There you go best!" Tinanong sandali ng kasambahay bago pinapasok sa magarang mansyon, kalauna'y nilibot ang mga mata sa madamong bahagi ng naturang solar kung saan makikita ang mga tanim na santan sa paligid. Maya-maya'y natanaw ang pamilyar na babaeng nakaupo sa porch habang hawak ang kanyang pusa. She's truthfully familiar because that woman was the one who received those bouquet of tulips given by Lyndon. Lumapad ang ngiti ng babae't matamang sinalubong kami mula sa bungad. Jana called her up then the lady greeted my bestfriend nicely. "By the way, I want you to meet my bestfriend--Samantha Añorivas" pagpapakilala ni Nana. "Hi pretty, I'm Nikki Bermudez" nakipagkamay sa babae. I sighed with relief when I discovered that she wasn't a threat. Magiliw kaming pinapasok sa loob ng mansyon saka pinaupo sa sosyaling sofa. Nasaan kaya ang Spongy babe ko? Hindi mapakali sa iisang lugar tila gustong libutin ang kabahayan sapagkat umaasang masisilayan ang gwapong mukha ng binata. "Feel free to roam around girls, I should take this call." anang babae nang mag-ring ang kanyang phone. Maya-maya'y namayani ang katahimikan hanggang sa gumuhit ang pilyang ngiti sa labi ni Nana. No way! I smell something trouble in here! Ano kayang naisip na kalokohan ng lukaret? "Nana ayoko ng ganyang mga tinginan mo. Don't you ever do it!" inunahang sawayin ang dalaga ngunit talagang pasaway ang matalik na kaibigan kaya ang kinalabasa'y naging buntot ni Jana sa damuhan. "Nana baka may makakita sa'tin dito," pilit sinasaway ang kaibigan subalit desidido ang babaeng hanapin ang narinig na halakhak hanggang mapadpad malapit sa oval-shaped pool. Halos kabahan sa isiping si crush ang mabubungaran habang nakasuot ng speedo na may disenyong polkadots. "Oh my!" tinakpan ang bibig dahil tumapat ang lalaki sa mismong kinukublihan kaya hindi mapigilang mapalunok sa maumbok na upong nakabalandra sa inosenteng mata. Nakikipag-usap ang lalaki sa kaibigang si Troy na naging dahilan kung bakit mas hinangaan ang binata. "I won't bring any woman buddy. I prefer to be alone..." sinabayan ng halakhak dahil dumali ng panibagong jokes sa kausap. Maya-maya'y nagtanong si Nikki kay Lyndon kung namataan niya raw ba kami kaya nagkatinginan kaming dalawa ng kaibigan. I gave her the I-told-you-look but Jana doesn't really care about it. "I gotta go upstairs cuz" ani Lyndon habang nakasampay ang swerteng tuwalya sa kanyang balikat. "Nana anong gagawin natin?" singhal sa kaibigan. She just grinned and jolted me out underneath the crapled plants from where we promptly hiding. "Hi Nikki!" bati ni Nana. Hindi maapuhap ang sasabihin habang nakaawang ang bibig sa mga kalokohan ng dalaga. Buti na lamang naniwala si Nikki hanggang sa matapos ang meeting patungkol sa debut. "Let's haste Samantha," may pagmamadali ang babaeng makauwi. Muling sinaway ang lukaret sa mga binabalak kung saan konektado kay Troy Chua kaya ang siste'y bantay-sarado si Jana ngunit hindi sigurado kung susundin ng dalaga ang mga payo ko. We were about to hop in the car when I lastly sighted the whole structure of the house. Hindi nakatakas sa paningin ang pinaka-terasa kung saan nakatalungko ang lalaki sa railings at diretsahang nakatitig sa'kin. Hubad ang pang-itaas habang naka-ismid ang sulok ng labi't mahahalatang pilyong nakangisi. "Samantha Añorivas what happened to you? Have you seen a ghost or something?" nagtataka si Nana. "It's nothing!" pasuplang saad dito bago pinaandar ang sasakyan. "Patawas kita gusto mo? Like duh?" maarteng saad ng kaibigan. UMAGA NG LUNES, kung saan ito ang araw na pinakahihintay ngunit dahil halos isubsob ang sarili sa mga lessons kaninang madaling araw ay lulugu-lugong lumulan sa sasakyan. Habang-daa'y nakasandal sa gilid ng sasakyan ngunit ni hindi tumigil sa kakamemorya ng mga petsa at ilang terminolohiya. "What is marsupials?" "The marsupials is..." awtomatikong bumigat ang talukap ng mata dahil sa puyat. "Senyorita..senyorita Samantha," tinapik ni Manong Toby kaya napaigtad sa gulat. "The marsupials are commonly called as pouch mammals like kangaroo--" "Ano senyorita?" takang tanong ng drayber. "W-Wala po Manong Toby," "Male-late na po kayo sa assessment ninyo senyorita," paalala nito. "Gosh!" Dali-daling lumabas ng sasakyan saka humahangos na tinakbo ang hallway upang tunguhin ang nakatalagang kwarto. Halos hingal-kabayo ang paghinga habang nakatukod ang kamay sa tuhod. "You're almost late Ms. Añorivas. Get inside now and properly take your assigned seat," istriktong saad ng proctor. "I-I apologize Ma'am" Umupong tahimik sa pinakagilid saka binulungan ni Jana mula sa likuran. "Are you okay?" she murmured. "Yeah I'm fine." "Pwede kitang tirahin ng halaman para hindi ka makahawa ng zombie virus," gikgik nito. Napailing sa kalokohan ni Jana saka tinignan ang pinasang test paper ng guro. Inisa-isang basahin ngunit hindi maproseso ng maayos ang utak marahil sa puyat at pagod, animo naghahalo sa isip ang mga ni-review. Shit! s**t! Halos tatlumpong minutong nakatunganga sa papel datapwat sa kasamaang palad ay nasa item no. 15 pa lamang ang nasasagutan. Isa-isang tumayo ang mga kaklase maging si Jana upang i-abot ang natapos na pagsusulit. "You can do it Sammy! Fighting!" bulong ni Nana saka siya tinapunan ng malungkot na tingin. "Everyone, you only have ten minutes to answer all items," anito pero sa'kin nakatingin ang proctor dahil ako na lamang yata ang hindi nagpapasa. Nanginginig ang kamay habang binibilugan ang mga hindi nasagutang items tila gustong pumalahaw ng iyak. "I-I'm done Ma'am" Buong maghapong aligaga dahil paniguradong mauulit na naman ang guidance counselling ng magaling na ama ukol sa mga test scores. Half-day lamang ang pasok sa eskwela, dahil araw ng pagsusulit kung kaya nag-yaya si Jana subalit muling tinanggihan ang kaibigan dahil parang mas gustong manahimik? Mas gustong timbangin kung anong mali sa sarili? Kasalukuyang naglalakad ng mabagal habang nakakapit sa strap ng bag ngunit hindi alintana ang mga nakasasalubong na tao sa daan, hanggang sa makapasok sa loob ng cafe. Malungkot na humarap sa counter upang kumuha ng order. "One..." "Coffee Jelly and blueberry cheesecake iha?" saad ni Granmy Lina. "Granmy?" medyo nabuhayan ng makita ang maaliwalas na mukha nito. "Sad again?" anas nito. "Opo granmy k-kasi.." I sighed. "Iha mabuti pa tikman mo 'tong binake ni Andres ko," anang ginang kapagkadaka'y ito mismo ang nagdala ng order sa regular na kinapupwestuhan malapit sa pinto. "Oo nga naman iha," segunda ng matandang lalaki saka umakbay kay Granmy Lina. Hindi mapigilang magbago ang mood dahil kasalukuyang nasasaksihan kung paano magmahalan ang dalawang matanda. I idolize them for being a power couple on almost sixty years of marriage. Kung tignan nila ang isa't-isa'y parang kahapon lamang nagkakilala. It's been almost a month or two when I met them but the impact they did to me is profoundly enormous especially in believing the power of one great love. "I envy the two of you granmy and grandpy," saka kumalumbaba sa mesa habang nakatayo ang dalawa sa mismong harapan. "You'll find yours when the time is right iha-- don't be in a hurry" paalala ni Granpy. "I am very hopeful grandpy" I said before I put a bit of cake in my mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD