Chapter Three

1797 Words
MATAPOS ang reception ng kasal nina Eloisa at Theo ay dumiretso na agad sila sa binayaran nilang resthouse sa Tagaytay. Doon nila isasagawa ang kanilang honeymoon ng isang linggo. Isa iyong maganda at malaking resthouse na nakaharap sa napakagandang Taal Lake. Mula sa terrace ay kitang-kita nila pati na ang maliit na bulkan. Halos oras-oras ay walang ginawa si Theo kundi angkinin ang kaniyang asawa. Napakasaya niya dahil virgin si Eloisa nang unang beses niya itong makatalik. Hindi naman sa importante para sa kaniya ang virginity ng isang babaeng mapapangasawa niya pero natutuwa lang talaga siya na siya ang nakauna dito. Sa loob ng pitong araw nila sa Tagaytay ay wala silang ginawa kundi ang mamasyal, kumain ng masasarap na pagkain at magtalik kapag nagustuhan nila. Halatang sabik na sabik sila sa isa’t isa. “Sana ganito tayo palagi, Theo. `Yong parang hindi tayo nagsasawa sa isa’t isa,” ani Eloisa habang nagda-drive siya pauwi ng kanilang bahay. Doon muna sila titira sa bahay ng nanay niya habang hindi pa natatapos ang bahay na ipinapagawa niya para sa kanilang mag-asawa. Naroon na sa bahay ng nanay niya ang mga gamit ni Eloisa. Isang araw bago ang kasal nila ay naghakot na sila. “Hinding-hindi ako magsasawa sa iyo. Asawa na kita, e. At mahal na mahal kita. Pero sana, makabuo agad tayo. Magtataka na ako kapag hindi dahil sa dami ba namang beses tayong nag-ano doon sa resthouse na iyon, e!” “Baliw ka talaga! Mag-drive ka na nga lang diyan!” Tumatawang sabi ni Eloisa. “Ang sexy pati ng tawa mo. Tsk! You’re turning me on! Parang gusto kong huminto sa gilid at mag-quickie tayo,” biro pa niya sa asawa. “Pwede bang mamaya na lang sa bahay?” “Okay, sige. Sabi mo `yan, ha! Magkukulong agad tayo sa kwarto pagdating natin doon!” Na-e-excite na turan ni Theo na halos iharurot na niya ang sasakyan makarating lang agad sila sa bahay. MASAYANG-MASAYA si Eloisa nang makarating na sila sa bahay ng nanay nito. Nauna na si Theo sa pag-akyat sa kwarto nito na pansamantala ay magiging kwarto nila. Siya naman ay pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Doon ay naabutan niya si Yaya Madel na nagpupunas ng lamesa. “Ay, ma’am! Nandito na pala kayo! Ang fresh niyo naman po today. Halatang nadiligan ka ng severe, ma’am!” salubong ng kasambahay na chubby at palaging nakangiti. Hawig ito ng artistang si Eugene Domingo. Matanda lang ito ng dalawang taon sa kaniya. Tinawanan lang niya ang sinabi ni Yaya Madel. Sanay na naman siya sa pagiging mapagbiro nito. Ito kasi ang madalas niyang makakwentuhan kapag nagpupunta siya noon sa bahay na ito. “Ikaw talaga, Madel!” Kumuha siya ng baso at kumuha ng tubig sa ref. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom. “Totoo naman, ma’am! Iba ang glow ng skin ninyo!” Makikipagbiruan pa sana siya dito pero nahihiyang tumahimik siya nang dumating si Daisy. Sa kaniya ito nakatingin na para bang kakainin siya nito ng buo. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa siya bumulagta sa sahig. Lumapit si Daisy sa kaniya habang nakahalukipkip. “Kumusta naman ang bakasyon grande mo sa Tagaytay? I am sure na masaya ka na naman dahil hindi mo mararanasan ang ganiyang bagay kung hindi ka nagpakasal sa anak ko.” Mahinahon lang ang pagsasalita nito pero alam niyang iniinsulto na naman siya nito. Biglang sumingit si Madel. “Ay, oo naman, ma’am! Masaya iyang si Eloisa. Tingnan niyo siya, ang balat niya! Glowing kasi nadiligan. `Yong balat niyo po ma’am parang dry na kasi wala nang nagdidilig sa inyo, e!” Minsan talaga ay walang preno din ang bibig ni Madel. May pagka-taklesa din ito. Matalim na tiningnan ni Daisy ang kasambahay. “Madel! Ako ba ay niloloko mo?! Gusto mo bang sisantihin na kita dito?!” Akala mo ay ginagapangan sa paa ng ipis na nagtatalon si Madel habang hawak sa kamay si Daisy. “Naku, ma’am! `Wag po! Maawa po kayo sa akin! Huwag niyo po akong tanggalan ng trabaho, ma’am! Ako na lang ang inaasahan sa amin dahil lahat ng kapatid ko ay nag-asawa na! Ma’am, maawa po kayo! `Wag niyo po akong sisantihin! `Wag po, ma’am!” May pag-iyak pa ito na akala mo ay namatayan. Patuloy ito sa pagtalon at pagpadyak. “Ang OA mo! Oo na! Hindi na!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madel. Mula sa pag-iyak ay ngumiti ito ng malaki. “Talaga po ba?” tanong pa nito. “Oo! Linisin mo na lang ang bubong at umalis ka na dito!” “O-opo, ma’am! Salamat po!” anito at nagmamadali itong umalis. Alam ni Eloisa na hindi maganda na maiwan sila ni Daisy na silang dalawa lang sa isang lugar kaya naisip niyang mas makakabuti kung siya na lang ang umiwas. “Excuse me po, mama…” Akmang aalis na siya pero bigla naman siya nitong hinawakan ng mahigpit sa braso. “Ang bastos mo naman talaga, `no? Sinabi ko bang tapos na akong kausapin ka?” “S-sorry po…” “Ikaw…” dinuro siya nito. “Alam mo naman siguro na sa akin ang bahay na ito at ayaw ko sa iyo para sa anak ko, `di ba? Kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa dito, huwag mo akong kakalabanin. Sumunod ka sa lahat ng gusto ko habang nandito ka. Ayokong malalaman na nagpi-primadonna ka sa pamamahay ko! Kumilos-kilos ka. At ayoko rin na nagsusumbong ka ng kung anu-ano kay Theo kung ayaw mong sipain kita dito palabas. Nagkakaintindihan ba tayo, Eloisa?” Tumango siya. “O-opo, mama,” nanginginig niyang sagot. Nakakatakot naman kasi talaga ang mga tingin ni Daisy. Akala mo ay isa itong kontrabida sa isang soap opera. “Very good. Sige na, umalis ka na sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” Pagtataboy ni Daisy. Tumalima naman agad siya at pumunta na sa itaas kung saan naroon ang silid nila ng kaniyang asawa. UNANG araw ng pagpasok ni Theo sa trabaho simula nang matapos ang kaniyang bakasyon ay isang magandang balita agad ang sinabi sa kaniya ng boss nila sa kumpanya. Napili kasi siyang ipadala sa Japan ng kumpanya para magtrabaho doon. Iyon daw ay dahil sa husay na ipinakita niya sa kaniyang trabaho. Mas malaki ang sahod. Mahigit doble sa kasalukuyang kinikita niya dito sa Pilipinas. Naisip niya kasi na kung tatanggapin niya ang offer ay mas mapapabilis ang pinapagawa niyang bahay para sa kanila ni Eloisa at sa mga magiging anak nila. Sa totoo lang, nakapagdesisyon na siya. Gusto niya ang naturang trabaho. Nais rin naman niya na hindi sila magtagal sa bahay ng nanay niya dahil hindi kumportable ang asawa niya doon. Pero sana, bago sila umalis doon ni Eloisa ay makasundo na ito ng nanay niya. Excited siyang umuwi ng gabing iyon upang sabihin kay Eloisa at sa nanay niya ang magandang balita. May posibilidad na malungkot ang asawa niya dahil magkakahiwalay agad sila kahit kakakasal lang nila ngunit alam niyang mauunawaan din nito ang desisyon niya na tanggapin ang offer. Para din naman sa kanila ang gagawin niyang iyon. Habang kumakain na si Theo ng hapunan kasabay ang nanay at asawa niya ay naisipan niyang sabihin na sa mga ito ang offer ng boss niya. “Ah, may sasabihin pala ako sa inyong dalawa,” panimula ni Theo. Napahinto ang mga ito sa pagkain para makinig sa kaniya. “Ano `yon, anak?” “Mama, Eloisa… May offer kasi ang boss ko sa akin na tinanggap ko na rin. Ipapadala kasi nila ako sa Japan next month para doon magtrabaho for three months. Sa sister company ng company namin dito. Maganda ang offer kasi malaki ang sweldo. Halos seventy percent ng sahod ko ang dagdag. Napili daw nila ako kasi maganda daw ang performance ko sa work ko sa company!” “Tinanggap mo na?” bakas sa tinig ni Eloisa ang lungkot. “Bakit naman hindi tatanggapin ni Theo? Tanga siya kung hindi niya tatanggapin ang offer na iyon,” ani ng nanay niya. Inabot niya ang kamay ni Eloisa at masuyo iyong pinisil. “Tama si mama, Eloisa. Tama lang na tinanggap ko ang offer. Para na rin makaipon tayo bago tayo magka-baby at mapabilis ang pagtapos sa bahay natin kasi may budget na tayo. Magpapadala naman ako sa iyo ng pera para tuloy-tuloy ang paggawa sa bahay.” “M-masaya ako para sa iyo, Theo,” sabi ni Eloisa bagaman at may lungkot pa rin sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Parang hindi naman…” bulong ng nanay niya. Natapos na sila sa pagkain ng hapunan ay napansin pa rin ni Theo ang pagiging matamlay ni Eloisa. Nang tinutulungan niya ito sa paghuhugas ng pinagkainan nila ay hindi ito umiimik. Hanggang sa nasa kwarto na nila sila para magpahinga ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Nakatutok lang ito sa pocketbook na binabasa nito habang nasa kama na. Tumabi si Theo sa asawa. Maingat niyang kinuha ang pocketbook mula dito, itiniklop iyon at inilapag sa side table. “Nagbabasa pa ako. Bakit mo naman kinuha, Theo?” ungot ni Eloisa. “Alam ko nagtatampo ka kasi tinanggap ko ang offer nang hindi ka sinasabihan. Eloisa, naisip ko lang kasi na once in a lifetime lang ang ganoong klaseng opportunity. Malaki ang maitutulong niyon para sa pagsisimula natin. Isa pa, tatlong buwan lang naman iyon, e.” Muli ay ipinaliwanag niya dito ang tungkol doon. Malungkot na tumingin si Eloisa. “Hindi naman ako nagtatampo, e. Kahit naman ako ay sasabihin ko na tanggapin mo ang offer. Malungkot lang ako kasi bago pa lang tayo ikinasal tapos magkakahiwalay agad tayo. Kahit tatlong buwan pa iyan, matagal pa rin iyon. Saka alam mo naman na hindi kami magkasundo pa ng nanay mo tapos aalis ka naman pala agad…” “Hayaan mo, kakausapin ko si mama na huwag ka nang sungitan!” Kinabig niya si Eloisa para yakapin. “Mabait naman si mama. Mainitin lang talaga ang ulo niya. Matanda na kasi, e.” “Para namang hindi ko alam na kaya galit ang nanay mo sa akin ay dahil anak ako ng--” “Oops! Tama na iyan. Huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. Basta, kakausapin ko si mama. Isantabi na muna natin iyang mga hindi magagandang bagay. Remember, next month na ang alis ko kaya dapat ay sulitin na natin ang mga araw!” “Paanong susulitin?” Nagtatakang tanong ni Eloisa. Binulungan niya ang asawa at napatili ito nang bigla niya itong paghahalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD