Chapter Ten

1928 Words

KINABUKASAN, araw ng Linggo ay maagang nagising si Eloisa. Sa may kwarto siya ni Lorraine natulog dahil iisa lang naman ang silid-tulugan sa apartment nito. Nakahiga pa ang kaibigan niya at mukhang tulog pa. balot na balot pa ito ng kumot. Sinadya niyang agahan ang paggising upang makapaghanda ng almusal nilang dalawa ni Lorraine. Kahit na sabihing kaibigan niya ito, nakakahiya pa rin na hindi siya kumilos sa bahay nito lalo na at malaking pabor ang ginagawa nito para sa kaniya. Naghilamos at nagsepilyo muna siya bago nagtungo sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin. Merong hotdog at itlog sa maliit na ref. May natira pang kanina kagabi. Magluluto na lang siya ng sinangag tapos pritong itlog at hotdog. Magana siyang kumilos dahil ngayong linggo na uuwi si Theo. Magkakasama na ulit sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD