Chapter 8 Meeting the Grandmother

2160 Words
May pagmamadaling lumapit si Sander sa kinaroroonan noong matanda na hanggang ngayon ay sa akin pa rin nakatuon ang tingin. Kaya tuloy, imbes na sumunod sa kaniya ay tila natulos na yata ako sa kinatatayuan ko habang magkasalikop ang mga kamay. Alanganin akong tumingin at ngumiti sa matanda na napakapormal pa rin ng titig sa akin. “Lola! What a pleasant surprise! What’s with the sudden visit, huh?” pagbati ni Sander sa matanda. Ito pala ang lola niya. Ang ganda-ganda at napaka-sopistikada ang dating, kaya lang mukhang may kaunting katarayan. Kahit nginitian ko ay hindi man lang ito ngumiti pabalik. “Well, I just would like to inform you that we are invited in the birthday party of Kiara. In fact, naipadala na raw noong isang linggo pa ang invitation sa opisina mo, pero one week ka ring wala dahil nasa Maynila ka nga raw,” sabi naman ng lola niya. “Kiara? Whose Kiara?” may pagtatakang tanong ni Sander. Bago pa man makasagot iyong matanda ay tila naalala ni Sander na narito rin ako kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko at napaawang ang mga labi. Ang mga mata naman niya ay parang humihingi ng paumanhin. Kaya para hindi naman siya mag-alala ay ngumiti na lang din ako. Ayokong ipahalata sa kaniya na kanina pa ako kinakabahan sa presensya ng lola niya dahil mukhang ayaw yata sa akin noong matanda. “Coleen, come here,” tawag niya sa akin. May pag-aatubili man ay mabilis akong lumapit sa tabi niya. Nanlalamig ang mga kamay ko at maging ang mga tuhod ko ay bahagyang nanginginig. Ano ba naman ito! “Who is she, Sander?” mahina ngunit may diing tanong ng lola niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero hindi rin siya mukhang natutuwang makita ako. “She is Coleen Faye Vergara, lola. Kaibigan namin siya ni Kristine. Coleen, this stunning woman here is Aurora Emely Marconi, my lola,” maingat ngunit masayang pakilala ni Sander sa aming dalawa. Naupo ako sa tabi ni Sander pero siniguro kong may space. Kasi bawat galaw ko ay tila minamatyagan ng lola niya. “Magandang hapon po, nice to meet you po, ma’am,” magalang na sambit ko. Pilit kong pinananatili ang ngiti sa mga labi ko para hindi naman niya mahalatang halos magtayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa matinding kaba. “It’s good to meet you, too. So, tagasaan ka Coleen?” tanong nito. Ewan ko ba kung naiinitan siya kahit ang lamig-lamig na nga ng buga ng hanging nagmumula sa aircon o talagang kailangan niya lang magpaypay habang nakatingin sa akin. “Taga-Makati po,” tugon ko. “Sander said you are also Kristine’s friend. Kumusta na pala siya? At bakit hindi ni’yo siya kasama ngayon?” sunod-sunod nitong tanong. Alanganin akong napangiti at tumingin kay Sander para humingi ng saklolo. “Ah, lola, Kristine went back to Manila already. It’s a long story really. So, what was about this birthday celebration you were talking about earlier? And who is Kiara again?” medyo nakahinga ako nang maluwag ng ibahin ni Sander ang topic. Ilang segundo pang tumitig sa akin ang lola niya bago bumaling ang tingin kay Sander. “Kiara Dominguez is the president’s daughter! huwag mong sabihin sa aking hindi mo siya kilala? You were already introduced before. At isa pa, she’s very popular to even slip your memory,” medyo may halong pagkairita iyong boses ng lola niya. Samantalang ako naman ay tila nahiya kasi personal yata iyong pinag-uusapan nila. Nahihiya naman akong magpaalam para umalis dahil baka sabihin nilang binabastos ko sila. “Ah, I remember. Sorry, lola, hindi ko agad naisip na siya ang Kiara na tinutukoy mo. I was so busy last week kaya hindi pa ako nakakadalaw sa opisina,” paliwanag ni Sander. Bahagyang umikot ang mata ng lola niya at medyo umismid. “Well, that party will be held in Exodus Hotel here in Ilocos because they will also use that event as a venue to finalize the list for the party. The election will be next year, and the preparation must be done properly,” lihim akong napalingon kay Sander dahil sa sinabi ng lola niya. Nakakunot ang noo nito habang tumatango-tango. “I hope you do understand the meaning of that party,” dagdag pa nito. “Yes, of course I do, lola. Rest assured that I will do all the necessary preparation for that,” paniniguro ni Sander. Mukha namang nakumbinsi niya ang lola niya sa isinagot niya dahil napangiti ito. At dahil hindi ko inaasahang bigla siyang mapapalingon sa akin, wala sa sariling napayuko ako para makaiwas sa mga mata niyang kanina pa nanunuri. “Coleen, since you are my grandson’s friend, maybe you could help him soon with his campaign,” sabi nito sa akin kaya napaangat ako ng mukha at nagtatakang tumingin sa kaniya. “P-po?” nahihiyang bulalas ko. “Well, in case you do not know, my grandson will soon be running for the Vice-Presidential position. So, I think you can help him campaign or something,” hindi ko man maunawaan ang tono niya ay napangiti ako at mabilis na tumango. “Vice president? Wow! Oo naman po, kahit ano pong tulong basta kaya ko po, gagawin ko,” mabilis kong sagot. Totoo naman din kasi iyon. Pero grabe pangalawang pangulo ng bansa talaga? “Alright, then, magpapaalam na ako. Narito lang naman ako para ipaalala ang mahalagang okasyong kailangan mong daluhan,” muling nabaling ang atensiyon niya sa apo. Inalalayan pa si Doña Aurora ng sekretarya at assistant niyang makatayo. Sumunod din kami agad ni Sander sa pagtayo. “But wait, lola, may pasalubong nga pala ako sa inyo ni lolo. Kukunin ko lang sa kuwarto ko,” pigil ni Sander nang akmang lalakad na ito. “Oh, really? You’re such a sweet grandchild really! That’s why you will always be my favorite,” nagkatawanan pa silang maglola sa sinabi ng matanda. Kaya pagkatapos niyon ay halos patakbong tinungo ni Sander ang ilalim ng hagdan? Sabi niya sa kuwarto niya siya pupunta? Bakit doon siya dumiretso sa ilalim ng hagdan. May ibang daanan kaya doon kaya– Naputol ang pag-iisip ko nang biglang magtanong ang lola ni Sander. “Hija, ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo sa buhay? Kagaya ni Kristine ay may sarili ka rin bang negosyo?” muli akong mariing napalunok at halos mapangiwi sa tanong niya. Nakakahiya mang sagutin pero wala akong choice. “N-naghihintay pa lang po ako ng tawag mula sa mga inaplayan kong airline companies. BS Tourism po kasi ang tinapos ko kaya gusto ko pong maging flight attendant,” magalang na sagot ko. Tila nanuyo ang lalamunan ko nang biglang tumaas ang isang kilay niya. “So, you’re jobless at the moment? Kaya naman pala may time kang makapamasyal at maglaro. Pero alam mo, iyang apo ko, kahit noong nag-aaral pa lang siya, eh, kumikita na ng malaki dahil sa mga personal investments niya. Tapos, bilib din ako doon kay Krisitine, kasi kahit bata pa, patok na ang negosyo niya rito. Sayang nga at bigla siyang umalis ng Ilocos, siya pa naman ang gusto kong makatuluyan ni Sander kung sakali,” may pagmamalaking sabi nito. Sa dulo ng pangungusap niya ay may lungkot at panghihinayang. Kung gano’n, hindi pa niya alam na may asawa na si Kristine? Pero ang sakit namang ipamukha niya sa akin na parang wala akong silbi, na sa edad kong ito ay pabigat pa rin sa mga magulang. Tila kinurot din ng pinong-pino ang puso ko nang deretsahan niyang sabihing si Kristine ang gusto niya para kay Sander. Magsasalita pa lamang sana ako ngunit nakabalik na si Sander. Mayroon siyang iniabot na isang malaking box at ilang paperbags na agad din namang kinuha ng mga alalay ng lola niya. Ako naman ay patuloy na pinipigil ang sariling manliit sa mga tinuran ng matanda. Sabagay, wala naman sigurong masamang ibig sabihin si Doña Aurora sa mga pinakawalan niyang salita kanina. Baka masiyado lang akong sensitive at insecure dahil wala pa akong napapatunayan, habang dikit ako nang dikit dito kay Sander na maraming kailangang asikasuhin. Inihatid ni Sander ang lola niya at ang mga kasama nito hanggang sa sasakyan. Ako naman ay tila nanghihinang umakyat sa kuwartong tinutuluyan ko dito at mabigat ang dibdib na humilata sa kama. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang bigla akong nasaktan. Hindi man niya deretsahang sinabi, pero parang ikinukumpara niya ako kay Kristine. I mean, bestfriend ko siya at sanay na sanay na akong pinaghahambing kami kahit noon pa, pero kapag ganito pala ang sitwasiyon, nakapanghihina pala ng loob. Ni hindi ko namalayan ang ilang luhang kusang tumakas mula sa mga mata ko. Napapikit ako at hinayaang padaluyin ang mga luha sa pisngi ko. Sa totoo lang, nasasaktan talaga ako ngayon! Birthday Party “Sigurado ka bang okay lang na narito ako? Hindi naman kasi ako invited kaya baka magalit sila,” mula pa kanina sa bahay niya ay nagdadalawang-isip na ako kung sasama ba ako sa kaniya o hindi. Medyo seryoso rin kasi ang pakay niya sa pagdalo sa party na ito kaya ayaw ko na sanang makagulo pa sa kaniya. “You are my date tonight. So, it’s natural for me to bring you here. Isa pa, baka ma-boring ka lang sa bahay kaya hindi naman siguro masamang isama na kita,” nakangiting pangungumbinsi niya sa akin. Paulit-ulit niya itong sinasabi mula pa kanina. Sa totoo lang hindi ko akalaing isasama niya ako rito, kaya nagulat talaga ako kaninang umaga nang bigla na lang magdatingan ang malalaking kahon sa kuwarto ko. Nang buksan ko ang mga iyon ay may tatlong magagandang evening gowns, accessories, shoes at iba pa para sa okasyong ito. Nag-hire pa nga si Sander ng mag-aayos sa akin kanina kaya kahit papaano ay tumaas iyong kumpiyansa ko sa sarili pagkatapos ng maikling engkwentro ko sa lola niya. “Okay. Pero bakit hindi pa tayo bumababa? Kanina pa nagsisipasukan iyong mga bisita, o!” turo ko sa labas ng sasakyan. Ilang minuto na kasi kami rito pero parang wala pang balak bumaba itong si Sander. “Anak ng presidente iyong magbi-birthday, kaya sigurado akong maraming celebrities, mga kilala at maiimpluwensiyang mga tao ang nariyan kaya magtatagal pa iyan sa picture-takings nila,” punto niya. Pero imbes na matakot ay parang mas naging excited pa ako nang sabihin niyang may mga celebrities dito. Grabe naman pala ito, parang iyong birthday lang ni Krisitine, may international performers pa silang inupahan para magpalabas exclusively sa mga dumalo sa party. “Naku, exciting naman pala iyang party. Sana makapag-selfie ako sa mga artistang nariyan!” may halong kilig na bulalas ko. Umiling lang si Sander at mahinang tumawa. “I didn’t know mahilig ka pala sa mga artista?” natatawang wika niya. nakagat ko ang pang-ibabang labi saka unti-unti tumango. Medyo humigpit din ang pagkakahawak ko sa clutch bag na dala ko. “Medyo mahilig kasi ako mag-fangirling talaga!” saad ko. Hindi ko ba alam kung naaaliw siya sa akin o sa mga sinasabi ko kasi kanina pa siya nakatitig sa akin habang nakangiti. Pati tuloy baby hair ko kinikilig. Anebeyen! “You’re really cute, Coleen. I like how bubbly and lively you are. Walang boring moment kapag ikaw ang kasama.” Ilang beses akong kumurap-kurap habang ninanamnam ang mga sinasabi niya. Para bang biglang nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko at tanging ang t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Hanggang sa unti-unti ay hindi ko napigilan ang mapangiti nang maluwang. Napahawak din ako sa pisngi ko dahil alam kong namumula na ito kasi ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. “Thank you, Sander,” ito na ba iyong na-crush back ka ng crush mo? Oh my God, puwede kayang huwag na lang kaming bumaba? Dito na lang sana kami! “Para saan?” nagtatakang tanong niya. “Sa papuri mo. Ang sweet kasi nang pagkakasabi mo kaya ramdam kong sincere,” mahinhing sagot ko saka pasimpleng hinawi ang buhok papunta sa likuran ng tainga ko. Natawa pa siya sa isinagot ko pagkatapos ay mapaglarong dinampian ng hintuturo niya ang tungki ng ilong ko. “Your’re welcome! I guess, we have to go now. Mukhang magsisimula na ang party,” yaya nito sa akin. Bumaba naman ang driver niya para ipagbukas kami ng sasakyan. Nang makababa siya ay inalalayan na niya ako agad sa braso. Ngunit pagtapak na pagtapak ng mga paa ko sa lupa ay halos matumba ako nang bigla niya akong mabitiwan. Mayroon kaisng babaeng bigla na lang sumulpot at yumakap sa leeg niya. “Kanina pa kita hinihintay!” malambing na usal noong babae habang nakayakap sa leeg ni Sander. Biglang-bigla ay naglapitan ang mga reporters at cameramen sa kinarororoonan namin at nag-umpisang kuhanan ang dalawa ng mga larawan at video. “Kiara?” Narinig kong bulalas na tanong ni Sander. Napasinghap ako. So, this lady is Kiara Dominguez, ang anak ng presidente ng bansa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD