“Kumain na tayo. Tanghali na, saka baka nagugutom ka na at–” “Sagutin mo muna iyong tanong ko. Ayoko nang maging assuming dito kaya sagutin mo ako. Bakit?” putol ko sa kaniya. Namaywang siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Pero nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya. In the end, he heaved a sigh and looked more intently at me. “I don’t know either. Please bear with me…” pagmamakaawa niya. pinagdikit ko ang mga labi para pigilan ang sariling ngumiti. Ang cute niya, nakakainis! “Alin ang hindi mo alam?” mataray na tanong ko. Hindi puwedeng ganito lang kami. Kung hindi siya aamin, lalayasan ko talaga siya ngayon din. Iyong sardinas nga may label tapos iyong sa amin, e, wala? Kung friends lang kami e bakit pinipigilan niya akong umalis? “Please… I couldn’t–” Itinuloy ko ang pag

