Halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita ang nilalaman niyon. Isang napakagandang kuwintas na ang string ay puro white diamonds. Tapos iyong pendant ay heart-shaped ruby. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan at buong pagkamanghang nakatitig sa kumikinang na mga diyamante. “Para sa akin ito? Sure ka ba?” nausal ko habang hindi nag-aalis ng titig sa nakahahalinang alahas sa harapan ko. “Yes! At may kasunod na tanong iyan...” napalingon ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa kaheta. “Tanong? Anong tanong?” “Will you be officially mine?” Muntik ko nang mabitiwan ang hawak ko sa sinabi niya. Ilang beses iyon na nag-replay sa utak ko bago tuluyang nag-sink in. “Tinatanong mo ba kung gusto kong maging

