NAKAKATINGIN sina Augustus at Gideon kina Major Marquez, habang kinukwento niya ang nangyari kagabing engkwenro nila ng mga kasamahan ni Marcus. Base sa kuwento ng ginoo, mukhang matagumpay sila sa pagsasabotahe ng transaksyon ni Marcus. Kahit nakatakasan man sila, nakuha pa rin nila ang mga gamot na nire-repack at pati na rin ang mga bagong dating. "Nakuha niyo ba ang mga drvgs?" Malamig na tanong ni Augustus kay Major Marquez. "Yes Mr. Merced, 'yan lang po 'yung mga gamot na ibebenta ni Marcus, ang ibang drvgs ay kinuha na namin. Pati yung ibang tauhan niya. Pinahirapan po sila kagabi ng mga kasama ko. Kailangan nilang mapaamin, para malaman ang iba pang kasamahan ni Marcus." Paliwanag niya sa ginoo, napatango naman si Mr. Merced. Binuksan niya ang Attachè case, tiningnan nila ni Gide

