*FROSTINE’s POV* NANG pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang puting kisame. Tumingin ako sa paligid, hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Nasaan kaya ako? bakit wala akong maalala? Paano ako nakarating dito? Sunod-sunod kong tanong sa aking isipian, ang natatandaan ko lang, nasa isang dining area kami ni Mr. Merced. "Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" Mahina kong tanong. Napahawak ako sa aking ulo dahil sumasakit ito. "Darn it!!" Mahinang mura ko, babangon na sana ako pero may narinig akong ingay mula sa labas. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, may pumasok na nurse. Ibig sabihin nandito ako sa ospital? Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito? “Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” Nakangiti niyan tanong sa akin. May nangyari bang masama? Napa

