PAGDATING ni Lucian sa condo niya ay agad siyang kumatok sa pintuan ni Maxwell. Bumukas kaagad 'yung pinto, ngunit si si Forstine ang bumungad sa kanya. Humihikab pa ito at halatang kagigising lang. Damit pa ni Maxwell ang kanyang suot. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala kaming masyadong tulog sa paghihintay sayo." Reklamong tanong ng dalaga sa kanya, pumasok muna sa loob si Lucian. "Nasaan si Maxwell? may dapat kayong malaman." Seryosong tanong niya habang lumilibot ang mga mata sa unit ng kaibigan. "Nasa kusina nagluluto ng makakain." Inaantok na sagot ni Frostine. "Matutulog mo na ako, para akong lalagnatin." Paalam niya, maglalakad na sana siya pero pinigilan siya ni Lucian. "Kailangan mo 'tong malaman at may pag-uusapan tayong dalawa. Tungkol ito kay Eualie, umupo ka dyan t

