MABILIS na lumipas ang araw, hanggang sa naging isang linggo. Sila Frostine ay walang ginawa kundi isabotahe ang mga transaksyon ni Marcus. Katulad ngayon, nandito sila sa lumang malaking bahay, hinihintay ang kanilang ka-transaction. May kasama silang ilang pulis na nagpapanggap na bodyguard ng binata. Nakipagtulungan sila kay Maxwell, para mahuli ang taong matagal na nilang hinahanap. Maya-maya, dumating na ang transaction partner nila, pumasok ang ilan sa mga tauhan niya na may dalang attache cases. Inilapag nila ito sa mesa at isa-isang binuksan. Agad na lumapit si Frostine sa mesa, para tignan ang mga baril. Hinawakan niya ito isa-isa at tiningnan kung anong klaseng baril ang mga iyon. Nabaling ang kanyang tingin sa lalaking pumasok, walang iba kundi si Mr. Gomez. "Where's Mr. Enca

