[FROSTINE's SPLIT PERSONALITY] Isang dalawang taong gulang na batang babae ang masayang naglalaro sa malawak na hardin. Hinahabol niya 'yung mga paru-paro, halata sa mga mata nito ang saya. Masayang sumunod sa kanya ang ginang. Walang makakapatay sa saya na kanyang nararamdaman, kapag nakikita niyang maayos at masaya ang kanyang pinakamamahal na anak. "Baby come here." Masiglang tawag sa ka bata. Maraming magagandang bulaklak, pinahahalagahan ito ng ginang dahil mahilig siya sa iba't ibang uri ng bulaklak. "Mamma." Sinalubong siya ng nanay niya, muntik na kasi siyang madapa. Lagi silang nasa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Tuwing umaga at hapon, hinahayaan niyang maglaro si Frostine. "Let's go inside na, okay? Bukas ulit tayo mag-play mainit na." Binuhat na niya ang kanyan

