*MAXWELL'S POV* SERYOSO kaming magkaharap ni Lucian habang nakaupo sa sofa, bumalik na kaming dalawa dito sa hospital. Hindi na pumasok si Liam, mas pinili niyang umalis dahil mag-aaway lang sila ni Lucian. Napabuntong-hininga ako, dahil parang wala ng balak magsalita ni Lucian. “Ano kailan mo balak magsalita?” Malamig kong tanong sa kanya, kanina pa ako naghihintay ng paliwanag niya. Anong oras na, wala pa rin siyang sinasabi. “Totoong si Kristina ay ang babaeng kinababaliwan mo, mas pinili kong itago sa’yo dahil makakasira ito sa kanyang trabaho kapag nalaman mong siya si Frostine. Wala naman siyang pakialam kung sino siya, ang totoo ay ayaw niya ngang mag-disguise. Gusto ka niyang harapin ng walang tinatago, pinakiusapan ko lang siyang kailangan niyang magpanggap. Trabaho ang inappl

