*FROSTINE'S POV* KANINA pa ako hindi makatulog, dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko ang mukha ni Maxwell. Napatingin ako sa sofa kung saan siya natulog, buti pa ang ugok na ‘to masarap ang tulog. Paano naman ako? Walanghiya pinagbantaan ko na lahat-lahat nagawa pa akong halikan. Bwisit!! Bumangon ako sa kama at naglakad patungo sa balcony. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi siya magising. May upuan sa gilid kaya naupo ako at tumingala sa langit. Naalala ko na naman ‘yung napanaginipan kong babae, hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Ang okasan is Japanese, ibig sabihin half-half ako? Half Japanese Pure maganda? Sige tumawa ka sasaksakin kita sa ngala-ngala. Hayts! Bakit sobrang gulo ng buhay ko? Galit ba sila sa akin kaya hinayaan nila akong mawa

