*MAXWELL's POV* NAIINIP na ako kakahintay kay Frostine, kanina pa ako palakad-lakad, alas-onse na ng gabi wala pa sila ni Lucian. Seryoso nag-report ba siya or nag-date silang dalawa?Maging ang mga tawag ay hindi nila sinasagot. Humanda ka sa akin Lucian sinasabi ko sayo! Ang daming babae dyan, si Frostine pa talaga! Baka nakakalimutan niyang isang bato ko lang ng bomba sa bahay nila. Mawawalan na sila ng tirahan! Muli kong tinawagan si Lucian, pero hindi pa rin ito sumasagot. "Fvck you Lucian!!" Nanggigigil kong sigaw bago ibinato ang cellphone sa sofa. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko, bwisit! Malamig na ang hinanda kong pagkain, nag-effort pa akong magluto para sa kanya dahil gusto ko lang, bakit ba? "Sir, malamig na po ulit 'yung mga pagkain. Ipapainit pa ba ulit?" Tanong ng isan

