MAGKAHARAP sina Augustus at Gideon, habang nakaupo sa sofa, pumunta ang ginoo sa bahay ng Carrasco. Para makausap ng masinsinan si Liam, dahil may gusto 'tong linawin sa anak ng kaibigan. "Ilang linggo ka atang hindi nagparamdam Carrasco, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Malamig na tanong ni Augustus sa kanyang kaibigan. Seryoso siyang nakatingin kay Gideon. "Nagkaroon ng problema sa negosyo ko kaya naging abala ako" Agad namang sagot ni Gideon, bago umayos sa pagkakaupo. "Anong masamang hangin at napadpad ka dito?" Dagdag pa niya, may kutob siyang may problema dahil hindi naman pupunta si Augustus sa kanyang bahay kung. "Mabuti at umuwi ka na, dahil masyado ng maraming nangyayari dito." Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala. Huminga ng malalim si Augustus bago muling nagsalita.

