SINABI lahat ni Liam ang kanyang nalaman at mga plano niya kay Mr. Merced. Hindi alam ng binata kung okay na ba o mamamatay na siya ngayon. Tanggap na niya, dahil una palang ay alam na niyang mapaparusahan siya. Nakatingin si Augustus sa binata, wala siyang masasabi kay Liam dahil malinis itong magtrabaho. Nanghihinayang lang siya bakit kailangang humantong sa gano'ng paraan. Bakit kinailangan pa niyang itago 'to sa kanya, dahil handa naman siyang tumulong. Pero kahit na gano'n naiintindihan niya ito. Dahil kahit sino naman, kapag nalaman mong sila pala ang pumatay sa taong mahalaga sayo, baka gano'n rin ang kanyang gagawin. "Wala akong masamang intensyon Uncle Augustus, kahit kailan ay hindi ko kayo tatraydorin. Ang pagkakamali ko lang ay nagdesisyon akong hindi nagsabi sa'yo." Seryoson

