CHAPTER 8 [THE PAST: MEET MAXWELL]

2047 Words
FROSTINE's POV Tulad ng dati sabay na naman kaming pumasok ni Boyet. Pero lagi ko siyang iniiwan sa parking lot, ayokong pinagtsitsismisan ako ng mga babaeng baliw sa kanya. Dahil maaga pa, pumunta muna ako sa Cafereria para bumili ng pagkain na dadalhin ko sa garden. Mas mabuti pang kumain doon kesa dito masyadong maraming mapanghusga. Habang naglalakad ako nakasalubong ko 'yung babae noong nakaraan araw. Nilagpasan ko lang siya na parang wala akong nakita, pero hinawakan niya ang aking braso kaya napatingin ako sa kanya. "I'm sorry for what happened." Nahihiya niyang sabi. "Okay." Tipid kong sagot, wala naman akong pakialam sa nangyari no'ng araw na yun. "Amp ano." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Gusto sana kitang maging kaibigan, i'm Daphne." Hindi ko napigilang tumawa, adik talaga tong babaeng 'to. "Nabagok ba yang ulo mo at gusto mong makipagkaibigan sa'kin?" Natatawa kong tanong sa kanya. "Hindi naman siguro masamang makipag kaibigan sayo 'diba?" Tanong niya pabalik. "Masama, dahil ayoko ng kaibigan lubay lubayan mo nga ako!" Iritadong sagot ko. "Hmmm basta kaibigan na kita, ikaw ang pinakaunang naging friend ko. Tara na sa Cafeteria, ililibre kita ng makakain." Hinila na niya ako papuntang Cafeteria, damn this girl ano bang trip niya sa buhay at pati ako kailangang madamay! Pagpasok namin sa Cafeteria, nakasalubong namin ang mga nasa councelor's office. "Magkasama ang dalawang wierdos." Sabi ng isa saka sila nagtawanan. "H'wag nga kayong haharang-harang sa daraanan namin." Mataray na sabi ng isa, ang pagkakaalam ko anak ito ni Vice Mayor. "Wala namang nakasulat na pangalan mo dito." Malamig kong sagot at kunwaring hinahanap ang pangalan niya sa sahig. "Ahh ganun!" Mariin niyang sabi, bago ibinuhos sa'kin 'yung hawak niyang juice. Napapikit ako dahil sa lamig, pagmulat ko ng aking mata ay walang emosyon akong nakatingin sa kanya. Hinila ko siya sa kwelyo palapit sa mesa at binalibag sa siya doon. Napadaing siya dahil sa sakit, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Nagulat naman ang mga kumakain, kaya tumayo silang lahat. I held her neck tightly, kinuha ko ang softdrinks sa mesa at ibinuhos sa mukha niya. "Don't me bítch, I don't care if you're the daughter of the Vice Mayor! Maybe you're forgetting that I'm the daughter of a gangster!" Malamig kong sabi sa kanya at lalong hinigpitan ang pagkakasakal. Bago pa siya tuluyang mawalan ng hininga, binitawan ko na tumingin ako ng masama sa mga kasama niya. "H'wag niyo akong susubukan!" Seryoso kong sabi bago hinila 'yung babaeng kasama ko. Kumuha ako ng makakain para sa aming dalawa. Kanina pa siya tahimik, walang mangyayari sa kanya kung hindi niya kayang lumaban. "Bayaran muna, akala ko ba ililibre mo ako?" Taas kilay kong tanong, tumawa naman siya pero halatang peke. "Bilisan mo!" Iritadong sabi ko bago siya itulak sa may cashier. Pagkatapos na niyang magbayad ay lumabas na kami ng Cafeteria. "May alam akong magandang tambayan dito, sa may garden." Nakangiti nasabi niya sabay hila ulit sakin. Bakit ba ang hilig niyang manghila? Susunod naman ako sa kanya. Dinala niya ako sa ilalim ng isang malaking puno, umupo siya sa malalaking ugat nito.Tumingin ako sa paligid, walang masyadong tao dito nabibilang lang. "Ano ang ibang pinagkakabalahan mo, maliban sa pagiging isang gangster?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Wala." Maikling sagot ko bago kumuha ng tinapay. "Alam mo bang gusto kong maging isang katulad mo, isang palaban at walang kinakatakutan." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa malayo. "Hindi ko kayang lumaban dahil mahirap kami kaya hinayaan ko na lang silang gawin ang gusto nilang gawin sa akin. Nakakalungkot isipin na kapag mahirap ka wala kang karapatang lumaban." Huminga siya ng malalim bago tumingin sakin ng may ngiti sa labi. "Kaya gusto kitang maging kaibigan, gusto kong maranasan kung anong pakiramdam ng may nagtatanggol sakin kapag may mga nambu-bully. Alam mo ba kanina sobrang sayo ko, dahil kinakaya-kaya mo lang si Hazel." Anong trip nitong babaeng ito, ginawa pa ata akong tagapagtanggol niya. "Alam kong iniisip mong ang wierdo ko, dahil nakikipag kaibigan ako sayo. Desperada na kong desperada gusto talaga kitang maging kaibigan." Tinaasan ko lang siya ng kilay, wala akong masabi dahil ang wierdo niya naman talaga. Iba ang trip na gusto niyang gawin. Bahala siya dyan nakakapagod makipag talo. "Frostine, sabay tayong kumain ng tanghalian mamaya." Nakangiti niyang sabi, tumango na lamang ako. "Hihintayin kita dito, mauna na ako babye." Paalam niya nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo. Natawa ako ng mahina dahil ngayon lang may babaeng nakipag kaibigan sakin. Wierdo! Dahil tinatamad akong pumasok dito nalang ako tatambay. Humiga ako sa damuhan at pumikit. Pero kaagad din akong nagmulat ng mata dahil tumunog 'yung cellphone ko. "What?" Malamig kong bungad dahil si Boyet lang naman ang tumatawag. "Nasaan ka? maguumpisa na ang klase wala ka pa dito." Tanong niya, I rolled my eyes even though he couldn't see. "Tinatamad akong pumasok, bye!" Hindi ko na siya hinintay na magsalita, agad ko ng pinatayan istorbo talaga kahit kailan. Dahil wala akong magawa, bumangon na ako sa pagkakahiga. Maglilibot lang muna ako dito. Malawak at magadang itong hardin, may iba't ibang bulaklak na ngayon ko lang nakita. May mga halaman naman sa bahay pero ordinaryong bulaklak lang. Napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong babaeng umiiyak, habang nakatingin lang sa kanya 'yung lalaki. Kaya tumigil ako dahil nakaharang sila sa dadaanan ko. Sa nakikita ko, parang nagconfess na yung babae, kasi may dalang regalo. Basted? Kaya umiiyak how sad, kaya ayokong magkaboyfriend eh sakit sa ulo. Maglalakad na sana ako pero biglang nagsalita yung lalaki. "Oh she's here, are you hungry sweety?" Masiglang sabi ng lalaki, kumaway pa siya kaya napatingin ako sa aking likuran para tingnan kung sino ang tinatawag niyang sweety. Napatingin ulit ako sa kanila dahil wala namang ibang tao. Teka? Kung wala sinong tinatawag niyang sweety? "Siya ba ang girlfriend mo Maxwell?" Tanong ng babae tumango naman yung lalaki, lalo siyang naiyak habang nakatingin sa'kin. Wait, why are they looking at me? Lalo akong nagulat nang lumapit sa akin 'yung lalaki, hinawakan niya ang kamay ko para namang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. "She's my girlfriend and i love her so much. I don't want to lose her, kaya tumigil ka na sa pagbibigay mo ng kung ano-ano sa akin." Pagpapakilala niya sa'kin, kunot noo akong tumingin sa kanya. Girlfriend? Mahal niya ako? Paano akong nagkaroon ng boyfriend? "Ako?" Tanong ko sabay turo sa aking sarili. Lalong lumawak ang kanyang ngiti. Bigla akong nainggit dahil pantay at ang puti ng ngipin niya. "Let's go mukhang gutom ka na, kaya hindi muna alam na girlfriend kita." Aya niya sa akin sabay hila palayo doon sa babae. Wala akong naiintindihan sa nangyayari, paano ako ang naging girlfriend ng tukmol na ito. "Teka nga!!" Pagpipigil ko dahil gusto kong malinawan. Nanonood lang ako sa kanila kanina, anong kinamalayan ko at nadamay ako. "What are you saying I'm your girlfriend? Are you an addict? ni hindi nga kita kilala. Siraulong 'to!" Naiinis kong sabi sa kanya nakangiti lang siya sakin, tangina bakit ngiti ng ngiti ang isang 'to. "Maxwell Hermida, so pwede na kitang maging girlfriend? Kilala muna ako." Hah? Takas ata ito sa mental, anong tingin niya sakin easy to get. By one take me ganun? "Hindi, ayoko ano ka gold para maging girlfriend mo ako? Hindi ko pinangarap mag karoon ng boyfriend, lalong wala akong plano!" Agad ko namang sinagot, tumawa siya ng mahina, anong nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ako dito, nanggigigil na nga eh! "How cute, ikaw ang pinapangarap kong maging girlfriend. Let's go na nagugutom na ako, sabay na tayong kumain." Tinignan ko siya ng mabuti, matangkad, maputi, gwapo? Hmm pwede na din may matangos na ilong at mahahabang pilikmata na bumagay sa kanyang brown eyes, parang mayaman din base sa itsura niya. Pero tang!na para siyang may sayad, complete package na sana kaso sumablay. "Are you in love with me? Don't worry because I am in love with you too." Nakangiti niyang sabi, gusto kong masuka sa dahil kung ano-ano ang sinasabi niya. Nakita kong paparating 'yung babae kanina, kailangang may gawin ako para makaalis na dito. Bigla ko siyang sinampal, halatang nagulat siya dahil nawala ang kanyang ngiti. "B-break na tayo bye!" Seryoso kong sabi saka siya tinalikuran at naglakad palayo. Bakit ako nauutal, ganun ba kahirap sabihin yun? "No sweety! Ayoko, hindi ako papayag!" Habol niya sakin, hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tangina anong trip ng lalaking ito, tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga sinasabi niya. "Sweety!" Muling tawag niya sakin bago hinila ang aking braso. I immediately grabbed his hand and turned it towards his back. "A-aray sweety, masakit aray!" Sigaw niya, tinignan ko siya ng malamig. "Pwede ba tigilan mo ako, ibang babae ang pinagtritripan mo! Hindi lang yan ang matitikman mo kung patuloy mo akong ginugulo!" Mariin kong sabi sa kanya bago bitawan ang kamay niya. Kinuha ko ang bag ko sa ilalim ng puno, nakatayo pa rin siya at ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Seryoso ako, gusto kitang maging girlfriend." Seryoso niyang sabi tinignan ko lang siya bago dinaanan. "Gagawin ko ang lahat maniwala ka lang sakin, unang beses pa lang kitang makita, gusto na kita." Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala akong naririnig. My gosh baliw talaga ang isang 'to! "Sweety kausapin mo naman ako." Napapamura na ako sa aking isipan dahil hindi pa rin siya tumigil. Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante. "You shut up!!" Malamig sigaw sa kanya pagkahinto ko sa paglalakad at hinarap siya. Kanina pa ako naiinis sa lalaking 'to. “Kanina pa ako naiinis sayo, wala ka ng ibang ginagawa kundi tawagin akong sweety! Hoy lalaki tigil-tigilan mo ako hindi ka na nakakatuwa!!” Sigaw ko sa kanya, wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na nila kaming dalawa. “I’m sorry, h’wag ka ng magalit. Hindi pa rin kita susukuan papalambutin ko ang puso mo.” Napahilot ako sa aking sentido dahil akala ko titigil na siya pero WTF! Anong nangyayari sa mundo!? “Frostine, can you be my girlfriend?” Nakangiti niyang tanong, naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. “Anong meron bakit kinukulit ni Maxwell si Frostine?” "Malapit na bang gumuho ang mundo? Bakit sa dinami-dami ng babae si Frostine pa!?” “Oh my gosh i can’t, anong nangyayari?” “Ayoko!” Pinal na sagot ko, kahit sino pa siya wala akong pakialam. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad ulit. Sana pala pumasok na lang ako kanina, para walang lalaking nanggugulo sakin ngayon! Damn it! "Sweety wag ka ng magalit oh, magdate na lang tayo saan mo gusto?" Pangungulit niya pa rin, relax Frostine just relax h'wag kang mapupuno may sayad siya kaya habaan mo ang 'yong pasensya. Pagpapakalma ko sa aking sarili. Ayokong magalit baka kung anong magawa ko sa lalaking ito. Nagpunta ako sa comfort room, ito na lang ang naiisip kong paraan para tumigil siya kakasunod sakin. Pumasok ako sa isang cubicle, nanatili akong nakatayo habang nakasandal sa pinto. Kung kinakailangang dito ako hanggang uwian gagawin ko. Isang oras na akong nandito sa comfort room, siguro naman wala na siya hindi ko na alam ang aking gagawin. Lumabas na ako para na akong tanga dito, sinilip ko muna if nasa labas siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na. Tuluyan na akong lumabas, pero halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nakasandal sa pader. Ngumiti siya sakin, umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa aking mukha. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi inis at galit. Lumapit ako sa kanya at hinila ang kanyang neck tie, kakausapin ko ng maayos itong lalaking 'to. Tangina lang hinintay niya talaga ako. Itinulak ko siya sa pader nang makarating kami sa likod ng comfort room. "Ano bang problema mo? Wala na yung babae diba? Bakit hindi mo pa ako tinitigilan? Naiirita na talaga ako sayo!" Seryoso kong tanong habang nakatingin sa kanya. "Dahil gusto kita, ngayon ko lang naramdaman 'to. Na love at first sight ata ako sayo. Makipag-date ka sakin, kapag nagbago itong nararamdaman ko titigilan na kita. Pero kapag hindi sa ayaw at sa ayaw mo, hindi kita titigilan hanggang sa maging akin ka." Seryoso niyang sagot, love at first sight ginagago ba ako ng lalaking 'to!? ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD