FROSTINE's POV
NAGISING ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Inaantok pa ako ang aga naman niyang manggising.
"Frostine, nakahandaan na ang almusal. Mauuna na akong maligo." Malamig niyang sabi, hindi ko naman maiwasang umikot ang aking mata.
"What do I care, you f*****g idiot!!!" Sigaw ko bago bumangon ng kama, kahit malunod ka pa kailangan niya pang sabihin sakin, kaasar! Hindi na siya sumagot pumunta akong banyo dito sa may kwarto ko para maligo.
I just wore simple black jeans and a white crop top, tapos nagsuot ng puting sapatos. Hinayaan kong nakalugay ang mahabang buhok ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto.
My eyes narrowed when I saw Boyet, he was wearing all black mukha siyang pupunta sa lamay hindi papasok sa school. Pumunta na akong kusina, may nakahain ng pagkain. Sinangag na kanin at itlog tapos tocino, may gatas na din na timpla tahimik akong umupo at nagsimulang kumain.
"Tumawag si Boss kanina, may mga bagong salta na naman daw lugar natin. Ginagamit ang pangalan niya sa pangungutong." Seryosong sabi ni Boyet, para namang may pakialam ako.
"Hindi ko na problema 'yan." Malamig kong sagot, hindi na siya muling nagsalita pa. He just shook his head before leaving the house. What's his problem, if he cares about what's happening there he should go because he can't expect anything from me.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na din ako ng bahay. Nangunot ang aking noo nang makita ko si Boyet na nakasandal sa sasakyan. Akala ko umalis na siya, pero what the f- damn it is still here!
"Hurry up, we're going to be late!" He said coldly, duh, it's just the first day of school that he's too OA.
"Bakit hindi ka pa nauna, para hindi ka nagmamadali ngayon!" Mataray kong sagot bago sumakay.
"Binilin ka sakin ng papa mo, ayoko pang mamatay kaya kahit anong pagsusungit mo sakin, titiisin ko." Seryosong sagot niya bago pinaharurot 'yung sasakyan.
Why does it seem like it's my fault, he's really annoying. Kung napipilitan siyang samahan ako, mabuti pang umalis na siya!
Tahimik kaming dalawa habang papunta sa papasukan naming paaralan. Pagkarating namin sa University, agad akong bumaba ng sasakyan. Just like before, they are looking at me again, kung ano-ano ang kanilang sinasabi. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang bullitenboard, para tignan sa mapa kung saan ang Cafeteria.
"What's a gangster's daughter doing here?" Tanong ng isa, malamang mag-aaral bítch. Ang tanga lang tinatanong pa ba 'yon. Hindi naman ako pumunta dito para mag-beach!
"Oo nga, my gosh bakit dito pa siya nag-aral, I thought the nightmare of my life would end." Wow hah I wish you died in a nightmare, mga bwisit!
"Do you know that she is the one who killed the Mayor's daughter?" Oh that b***h she deserves it tsk!
"The University should not accept someone like her."
Tinignan ko sila ng malamig, dahil kanina pa ako naiingayan sa kanila. Ang agad-aga buhay ko na agad pinakikialaman nila.
"Ah, so people like you should be the only ones accepted here?" Tanong ko sa babae.
"Sarili niyong buhay pakialaman niyo mga bítches!" Malamig kong dagdag bago naglakad, hindi pa man ako nagkakalayo. May humawak ng aking braso, tinignan ko kung sino yung isang babae kanina.
"What the fúck do you want!?" Malamig kong tanong bago siya tinignan mula ulo hanggang paa.
"So disgusting!" Nandidiring dagdag ko bago iniwagting ang kamay niya.
"Tsk! akala mo naman kung sinong mayabang. Mayaman lang naman kayo dahil sa illegal niyong gawain!" Taas kilay niyang sabi, natawa naman ako ng mapakla pero agad din naging seryoso. Hinila ko ang kanyang buhok, napadaing siya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak.
"Shut your fúcking month or else i will make your life miresable! Don't me bítch!!" Bulong ko na may pananakot bago siya tinulak sa mga kaibigan niya. Napangisi ako ng biglang siyang umiyak tsk!
"Anong ginagawa mo sa kanya, bruha ka talaga!" Sigaw ng isa niyang kaibigan.
"Mukha ba akong may ginawa? kung meron man kanina pa yan nakahandusay sa sahig!" Nakangising sagot ko, tinignan nila ako ng masama. Malamig akong tumingin sa kanila bago tuluyang umalis.
Hindi na ako pumunta sa Cafeteria, hinahanp ko na lang kung saan ang classroom ko. Nang nasa tapat na ako may nagsasalita ng teacher sa harapan. Nagulat ang mga kaklase ko nang makita ako, tsk kung ayaw nila akong maging kaklase sila ang mag-adjust.
Tumingin muna ako sa teacher namin bago pumasok sa loob, kumaway si Boyet wala akong choice kundi umupo sa tabi niya. Wala ng ibang bakante kung minamalas nga naman!
Nakasubsob lang ang mukha ko sa desk, hindi ako interesado sa school rules na tinatalakay niya.
"Grabe late na nga siya pumasok matutulog pa tsk!"
"Malakas kasi loob niyan kasi kinakatakutan sila dito."
"Sa dinami-dami ng course na kukunin niya, bakit business pa."
"Class, please be quiet!" Sigaw ng teacher namin, mga chismosa kasi alam nilang nasa klase.
"Any questions? I hope walang gulong mangyayari, makakaasa ba ako Miss Sevidal?" Ramdam kong tumingin silang lahat sakin, anong problema ng mga ito at ako na naman ang nakita nila.
"Miss Sevidal!" Tawag ulit sa akin ng teacher kaya inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.
"Why me? nananahimik ako dito." Iritadong sagot ko.
"H'wag po kayong mag-alala ma'am, sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama." Sagot ni Boyet, tumango naman yung teacher namin, hindi ko naman maiwasang umikot ang aking mata.
"Ang gwapo talaga ni Boyet."
"Balita ko wala pa siyang nagiging girlfriend."
"Sana mapansin niya ako."
"Gusto ko siyang yayaing mag-date, kaso palaging nakabuntot sa kanya si Frostine."
What? ako pa talaga palaging nakabuntot sa traytor na'to! Isaksak niyo siya sa baga niyong mga haliparot kayo.
"Idiots!" Malamig ko na sabi, alam kong narinig nila kasi tumingin sila sakin. Tiningnan ko sila ng madilim ang mukha.
"Nakakatakot talaga siya!"
"Lalo siyang naging malamig ngayon."
"Gusto ko ng mag-shift sa ibang course."
Hindi ko na lang sila pinansin, edi lumipat kayo much better!.
Matapos ang pag-uusap tungkol sa mga walang kwentang rules and regulations dito sa school. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko, nagpahuli ako dahil ayokong kasabay si Boyet.
Mas tahimik ang buhay ko kapag walang nakabuntot sakin, nakakabwisit pa naman siya akala mo tatay ko!
As usual paglabas ko ng classroom, napapatingin na naman sila sakin tapos lumalayo. Tangína ng mga 'to akala mo ang lilinis!
"Let's eat!" Halos mapatalon ako sa gulat, dahil nasa likod ko pala si Boyet. Aangal pa sana ako pero agad niya akong hinila.
When we arrived at the Caferteria, we took a seat in the corner. Si Boyet na din ang nag-order, habang naghihintay sa kanya ay nakatingin lang ako sa labas. Nang may mga lalaking lumapit sa pwesto ko.
"Frostine Sevidal!" Malamig na tawag sakin ng isang lalaki. Tinignan ko siya ng walang ekspresyon sa mukha.
"Matagal kong hinintay ang araw na ito ang makita ka, totoo ngang isa kang dyosa." Pinagsasabi ng mukhang sisiw na ito.
"What do you want?" Seryosong tanong ko, umupo siya sa bakanteng upuan.
"Ikaw, marami na akong naririnig tungkol sayo. Anak ako ng kaaway ng iyong ama, bibigyan lang kita ng babala. Darating ang araw na mapapabagsak ko din kayo." Nakangisi niyang sagot, tumawa naman ako ng mahina.
"Kailan 'yon para makapaghandaan ko?" Sarkastik kong tanong, mukhang naka-hits pa ang isang to hindi na dapat sinasabi 'yun kundi ginagawa!
"Excited ka masyado Miss Frostine, bakit hindi muna tayo mag-enjoy malapit lang ang condo ko dito." I didn't answer tumayo na ako sa pagkakaupo, dahil walang magandang mangyayari dito. Pero hinawakan niya ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"H'wag kang bastos Sevidal!" Malamig niyang sigaw, dahilan para mapatingin sa amin ang mga kumakain dito sa Cafeteria. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, damn it ano bang problema niya.
"Let me go asshole!" Mariin kong sabi habang nakatingin sa kanya ng masama. Instead of letting go he pulled me closer to him. Lalo akong nakaramdam ng galit, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay. I twisted it causing him to moan, before I let go of his hand I first pulled his neck tie and kicked him in the face with my knee.
Hinila ng isa ang aking buhok kaya nabitawan ko ang kasama nila. Sinuntok ng isang lalaki ang aking tiyan. Sinipa ko naman siya sa pagitan ng kanyang hita, halos mamilipit dahil sa sakit.
Tinapakan ko naman ang paa ng lalaking sumabunot sakin, bago humarap sa kanya para suntukin siya sa mukha.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Boyet na kakarating lang. Hindi ko siya pinansin lalapit na sana ako doon sa lalaking basang sisiw. Pero hinawakan ni Boyet ang braso ko at hinili palapit sa kanya.
"Let's go, tama na yan" Bulong sa akin ni Boyet, hinila na niya ako palayo sa basang sisiw na 'yon.
"May araw ka din Frostine!" Sigaw niya hindi ko na siya tinangkang tignan.
Pagkaupo namin sa lamesang nilipatan namin, kumain agad ako dahil wala akong balak kausapin siya.
"Iwasan mo ang taong 'yon, siguradong gulo lang gusto niya. Sana sundin mo 'yung rules, pinapayagan tayong mag-aral dito pero hindi bilang isang gangster kundi bilang estudyante." Pangaral niya uminom muna ako ng tubig bago tumayo.
"Hindi ko kailangan ang iyong pangangaral!" Malamig kong sagot, kinuha ko na ang aking bag at naglakad paalis.
Wala akong pakialam sa rules nila, hangga't kaya kong pigilan ang galit ko mananahimik ako. H'wag lang nila akong ginugulo at bigyan ng dahilan para masaktan sila.
Napahinto ako sa paglalakad, dahil may humarang sa akin na babae. Nakangiti siya habang tinitignan ako, ano namang problema ng isang 'to.
"H-hi." Masiglang bati niya pero nanginginig ang kanyang boses. Idiot!
"What?" Malamig kong tanong, ang daming epal ngayong araw. Kainis!
"Kailangan kasi namin kagaya mo, pwede ka bang tumakbo bilang president dito sa school next month?" Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo, dahil sa sinabi niya anong pakialam ko sa president chuchu na 'yan. Siraulo ba ito?!
"Why should I?" Malamig kong tanong, baka wala ng pumasok kapag nagkataong ako ang manalo.
"Because you deserved it." Masiglang sagot niya.
"Adik ka ba?" Muling tanong ko, naka-drúgs ata ang isang to. Ang daming pwede niyang sabihan ako pa talaga.
"Hah? hindi ah, seryoso ako, ikaw ang napili ko sige na please." Pagmamakaawa niya habang nagpapuppy eyes.
"Tumigil ka nga mukhang tanga, ayoko! h'wag niyo akong idadamay sa kawerdohan~ Whatever!" Mataray kong sagot, nakangiti pa rin siya sa'kin trip ng babaeng to. Hindi ba siya natatakot sakin?.
"Don't waste my time bítch!" Mariin kong sabi, nagulat ako nang kumapit siya sa aking braso.
"Masyado ka namang mainitin, tara ipapakilala kita sa kanila." Hinila na niya ako, lahat ng mga kapwa estudyanteng nadadaanan namin ay nakatingin sa aming dalawa.
Huminto kami sa tapat ng councelor office, bubuksan na sana niya pero bigla itong bumukas. Isang matangkad na lalaki ang bumungad samin.
Nagkatingin kaming dalawa, bigla akong nakaramdam ng insecure dahil wala man lang akong makitang tigyawat sa kanyang mukha. Hindi siguro magkaaway ang magula niya noong ginawa siya.
Ang unfair talaga ng mundo.
"Excuse me, kung lalabas ka lumabas na!" Mataray na sabi ng babae, kaya wala siyang nawaga kundi lumabas.
"May nahanap na ako." Masigla niyang sabi, napatingin sila sa amin.
"Bakit siya?"
"Ang daming pwedeng maging president bakit siya pa?"
"Nag-iisip ka ba talaga? Alam mo naman sigurong isang mamatay tayo 'yan!"
"Maghanap ka ng iba!"
"Wala ka talagang utak!"
"Wala namang magandang naidudulot 'yan!"
Reklamo nilang lahat nang makita ako, naikuyom ko ang aking kamao. Tinignan ko ang babae kanina, nakayuko na siya, ano bang problema ng mga kupal na 'to. Medyo nakaramdam ako ng awa, dahil sa nakikita kong itsura niya.
"Sa tingin niyo gusto ko? Kinaladkad niya lang ako papunta dito, kung sino man ang walang magandang maidudulot dito kayo 'yon! Umaasa lang naman kayo sa kanya di ba? Anong ginagawa niyo dito nakaupo mga pota, imbes na kayo ang maghanap inuutos niyo sa iba!" Malamig kong sabi sa kanila, pinapainit nila ang bungo ko. Sila dapat ang gumagawa ng trabahong inutos nila sa babaeng 'to. Isa pang nakakainis hindi man lang siya sumagot!!
"Makapag-salita ka naman Miss Sevidal, akala mo sobrang linis mong tao." Napatingin ako sa nagsalita.
"Kaya nga mas masahol ka pa nga sa hayop, dapat sayo pinapaalis na dito dahil hindi ka namin matatanggap." Sang-ayon ng isang babae habang nakataas ang kilay.
"Hindi ako nagmamalinis, kayo 'yon bakit ko naman kailangang magmalinis sa harapan niyo? Sinabi ko bang tanggapin niyo ako, wala akong pakialam kung walang tatanggap sakin. Sino ba kayo sa tingin niyo? Mga banal na tao at kailangang sambahin, hmm i don't think so? Sabihan niyo siya na h'wag ako ang ginugulo niya, mga wala kayong kwenta!" Pagkasabi ko 'yon umalis na ako, ano bang pakialam ko sa babaeng yun. Siya naman ang may kasalanan kung bakit siya napagalitan ngayon!
ITUTULOY