CHAPTER 6 [THE PAST: NIGHTMARE]

2121 Words
FROSTINE's POV "Bitawan niyo ako, mga hayop kayo!!" Malakas kong sigaw habang nagpupumiglas, halos lumabas ang mga ugat ko sa leeg sa kakasigaw. "Tumahimik ka, Frostine kanina pa ako naririndi sa boses mo!" Nakangising sabi ni Victor habang hinuhubad ang suot niyang polo. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Muling sigaw ko, nagtawan ang tatlong lalaking nakahawak sa akin. "H'wag mong sayangin yang boses mo kakasigaw, dahil mamaya hindi ka na titigil pag-ungol. Kaya tumahimik ka dyan, Sevidal!" Mala demonyong sabi ng matabang lalaki. "Papatayin ka namin Frostine, pero sa sarap." Sabi naman ng isa nagtawanan silang apat. I won't allow it, kahit mamatay ako ngayon h'wag lang nilang makuha ang virginity ko. "Hindi! Kahit anong mangyari hindi niyo makukuha ang virginity ko! Hindi ako papayag, magkakapatayan muna tayo dito!!" Galit na galit kong sigaw sa kanila, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Victor. "Wala ibang makikinabang sayo kundi ako lang." Aniya, nanlilisik ang mga mata niyang tumawa ng malakas. Inilapit nila ang kanilang mukha sa akin, tumatawa sila pero galit na galit silang nakatingin sakin. "Mamatay ka Frostinen!" Nakakatakot na boses nilang sabi. "'Wag! Maawa kayo mga putangïna!!" Malakas kong sigaw, napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal akong tumingin sa kwarto ko. Panaginip na naman, kailan nila ako titigilan? Bakit ba ayaw nila akong patahimikin? Hindi ko na mapigilang umiyak, wala naman akong kasalanan sa kanila. Pagod na pagod na ako, lagi na lang bang ganito tuwing matutulog napapanaginipan ko sila. Kung hindi nila ako hinahalay, they kill me. Nagulat ako ng biglang tumunog ang alarm clock ko, agad kong pinatay at bumama sa kama para gawin ang aking morning routine. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan nakasalubong ko si mama. "Go to Robert's office bítch, he'll give you something!" Mataray niyang sabi, habang nakataas ang kanyang kilay. Hindi ako sumagot nilagpasan ko lang siya. I went to papa's office, when I entered he was talking to Boyet. My blood immediately boiled, bakit sa dinami-dami ng pwedeng nandito siya pa? "Buti lumabas ka na ng kwarto mo, here na-enroll na kita sa paaralang papasukan mo. Hindi na ang personal driver ko ang maghahatid sayo, si Boyet na dahil pareho naman kayo ng papasukan." Mahaba niyang sabi, tinignan ko ng masama si Boyet. Ano na naman ba ang nangyayari? bakit kailangang kasama ko pa siya? "What!? bakit siya? Hindi ko naman kailangan ng taga hatid!" Singhal ko, bakit siya pa? Pwede naman ang maghanap ng bagong driver! "That's my order Frostine Sevidal! Wala ng maraming tanong!" Malamig niyang saad, naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. "Whatever, tsk!" Naiinis kong sagot bago sila talikuran. Lumakad na ako palabas ng opisina niya, damn it! damn it! Nanginginig na ako dahil sa galit, gusto ko siyang suntokin hanggang sa mamatay siya! "Wait Frostine!" Tawag niya sakin, hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa paglalakad. Akala ko hinayaan na niya ako, pero hindi pa pala hinila niya ang aking braso. Nagngingitngit ako sa galit na tinignan siya. "f**k off, asshole!!" I coldly shouted before punching him in the face. Halata sa mukha niyang nagulat siya, hinawakan niya ang sinuntok ko. "Mag-usap tayo Frostine." Mahina niyang sabi. "For what? ang kapal naman ng mukha mo!" Galit kong sigaw sa kanya, akmang hahawakan niya ako pero agad akong umatras. "H'wag mo akong hawakan, traydor ka! kinamumuhian kita Boyet! Kaya wag kang umasta na parang wala kang ginawang masama!!" Madiin kong sabi, nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pinagtitinginan kami ng mga tauhan ni papa, hindi ko na lang sila pinansin nagpunta akong garden para magpahangin. Nakatingin lang ako sa malayo, habang nakaupo sa damuhan. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit. Bakit mga kagaya nilang tao ang nakapaligid sakin? Sa bagay sarili ko ngang magulang, kung tratuhin ako parang hayop. Malamang sa malamang gano'n din ang gagawin nila. "Damn it, Damn this fúcking life!!" Pabulong kong mura, sabay tawa ng mapakla. Bakit pa ako isinilang sa mundo ito, kung ganito din naman pala ang magiging buhay ko. Lumaki akong hindi ko man lang kilala sila mama at papa, kung anong mga paborito nilang pagkain. Ang pagkakalilala ko sa kanila, isang gangster at serial killer wala ng iba. "Nandito ka lang pala, nakahanda na ang pagkain mo." Napatingin ako kay Manang Flor, nakangiti siyang nakatingin sakin. "Hindi pa ako gutom Manang Flor." Malamig kong sagot. "Ayos ka lang ba? sundin mo na lang kung anong gusto ng iyong ama." May pag-aalalang tanong niya, napangisi na lang ako. "May magagawa pa ba ako Manang? Simula palang sunod-sunuran na ako sa mga gusto nila. Wala namang bago sa akin doon, kahit madalas ang hirap nilang intindihin." Seryoso kong sagot, umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko tutulo na ang aking luha. "Magiging maayos din ang lahat Frostine, balang araw matatanggap ka rin nila." Tumawa ako ng mapakla, ilang beses na niyang sinabi 'yan. "Hanggang kailan Manang? Kapag sumuko na ako? Nakakapagod din, hindi ko na alam kung saan ilulugar ang aking sarili. Ang dami kong gustong tanungin, bakit kailangang maramdaman ko muna ang lahat ng ito bago nila ako matanggap. Bakit? Naging mabuti naman akong anak, ginagawa ko naman ang lahat pero bakit ganito? hindi pa ba sapat lahat ng iyon? Ano pa bang kulang para mapunan ko agad? Para lang matanggap nila ako buong-buo, 'yung walang pag-aalinlangan at kahit kailan hindi mawawala ang tiwala nila sakin. Kailan kaya darating ang araw na 'yon? Hindi ko alam if susuko na ba ako, kasi sobrang nakakapagod na pero bawal akong sumuko. Tao din ako nasasaktan at nakakaramdam ng pagod. Pero lahat ng 'yon hindi ko pwedeng maramdaman, dahil tatawagin na naman akong walang kwenta. Lahat na lang ipinagkakait sa akin paano ako magiging okay? Paano Manang? Sabibin niyo po sakin kung paano, dahil matagal ko nang gustong maramdamang okay lang ako." Sunod-sunod kong tanong kay Manang Flor, hindi ko na rin mapigilang umiyak. Halos iduro-duro ko na ang aking sarili. Sobrang bigat sa pakiramdam, ganito pala kapag wala ka ng ibang maramdaman kundi pagod. Wala ibang nasa isip ko ngayon kundi magpahinga. Matulog at hindi na kailanman gigising, ang sarap siguro sa pakiramdam kapag wala kang pinapasan na problema. "Maging matatag ka Frostine, h'wag kang panghinaan ng loob." Umiiyak na ding sabi ni Manang, umiling ako habang nakatingin sa kanya. "Kahit ngayon lang Manang Flor, hayaan niyo akong maging mahina, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hayaan niyo akong umiyak hanggang sa tuluyan akong mapagod, kahit ngayon lang sobrang sakit na. Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko." Halos pabulong kong pagmamakaawa sa kanya, mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako. "Iiyak mo lang lahat ng sakit, kung gusto mong magwala at sumigaw hahayaan kita. Basta ipangako mo lang na ito na ang huling magiging mahina ka. Dahil walang mangyayari sayo kapag patuloy kang magiging mahina. Lalo kang magmumukhang kawawa." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin, ako naman iyak lang ng iyak wala akong pakialam kahit may makarinig na sakin. Hahayaan ko muna ang sarili kong umiyak, hanggang sa mabawasan ang sakit na naipon ng ilang taon. ~~~~~~~ MASAKIT ang mata kong nagising, hindi ko na maalala kung anong oras ako natapos umiyak. Pagkagising ko kanina ay pumunta agad ako sa kusina para kumain. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, hindi naman pala masamang umiyak nakatulong din kahit papaano. "Sinabi pala ng papa mo, ngayon araw kayo bibili ng gamit niyo ni Boyet. Dahil lilipat kayo sa bayan, kumuha ng apartment ang mama mo." Biglang nasira ang maganda kong araw, dahil sa sinabi ni Manang Flor. "Hindi ko kailangan tumira sa apartment, Manang Flor." May pagkainis kong sagot. "Mapapagod ka sa byahe kapag maguuwian ka, mas magandang mag-rent ka ng apartment." Tiningnan ko siya ng malamig, bago tumayo mula sa pagkakaupo. Walang sabi akong lumabas ng dining area, hindi ako pwedeng mag-apartment paano kung may traydor pa dito at may gagawin siyang plano habang wala ako. Damn it!! Papaakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko si Boyet, alam kong galing siya sa opisina ni papa. Tinignan niya lang ako at nilagpasan. Ano na naman kaya ang pinag-usapan nila, nakakainis hindi ko naman kailangan ng kasama! Gaya nga ng sinabi ni Manang Flor kanina, paalis na nga kami ni Boyet para bumili ng mga gamit. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa labas, ganon din siya nakafocus sa pagmamaneho. Walang nagsasalita sa aming dalawa, mas mabuti na din yung ganito baka kapag nag-salita siya masuntok ko na naman. Pagkarating namin sa mall, nagpunta kami sa appliance store. Wala naman akong alam sa pagluluto kaya hinayaan ko na lang siya. Naglakad-lakad na lang muna ako. Habang tumitingin ako sa mga kutsilyo, may narinig akong umiiyak na bata kaya napatingin ako sa paligid. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang umiiyak, lumapit ako sa kanya. "Why are you crying?" Malamig kong tanong, pero lalo lang siyang umiyak. Napapatingin tuloy sa amin 'yung mga ibang mamimili. Baka isipin nila pinapaiyak ko siya, tinalikuran ko na 'yung bata. "Mama, papa." Umiiyak niyang tawag sa kanyang mga magulang. "Nawawala ka ba?" Muling tanong ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Halata namang nawawala siya, tinanong ko pa! "Halika hahanapin natin sila." Tumingin ako sa kanya, nakatingin pala siya sakin. "B-bakit po ang lamig niyo?" Umiiyak niyang tanong, hindi ko naman maiwasang matawa. "Let's go kid, baka magbago pa ang isip ko." Pinunasan na niya ang kanyang luha bago tumayo. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Fatima, diyos ko nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ng isang ginang, lumapit siya sa amin. "Yaya." Masiglang tawag niya, bibitawan na ng bata ang kamay ko at lumapit sa ginang. "Maraming salamat, ang kulit kasi ng batang ito. Kaya naiwan siya dito." Paghingi niya ng pasensya, tumango lang ako bilang sagot. "Salamat po ate." Nagpaalam na sila sa akin, bumalik na lang ako sa dati kong pwesto kanina. Nagbabayad na si Boyet, marami rin siyang pinamili pagkatapos niyang magbayad, lumapit na siya sa pwesto ko. "Let's go." Malamig niyang sabi sumunod na lang ako, may sumunod sa aming dalawang bagger na bitbit ang iba pang pinamili ni Boyet. "Diretso na tayo sa apartment, nandun na ang mga gamit natin." Seryoso niyang sabi, gamit namin? "What? who packed my things?" Bulalas ko bakit hindi na lang kami hinintay na makauwi. "Si Manang Flor." Maikling sagot niya, naikuyom ko ang aking kamao. Gustong-gusto na talaga nila akong mapaalis sa bahay. Pagdating namin ng apartment, nandun na nga 'yung mga gamit namin. Halos lahat na ng gamit ko sa kwarto, nilagay na lahat dito sa dalawang maleta. Tumingin ako sa loob ng apartment. Maayos din ang loob, maluwag kahit papaano may TV at dalawang sofa din. "Anong ulam ang gusto mo?" Tanong niya sakin, nagkibit balikat lang ako bago hilain ang isang maleta. "Dito ang kwarto ko." Turo ko sa isang pinto bago pumasok. Napabuntong-hininga ako at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Ilang minuto din akong nakatitig sa kisame, bago binuksan ang maleta lahat nga ng gamit ko nandito na. Sigurado akong nasa isang maleta ang iba kong damit. Bakit hindi na lang sabihin sakin na papalayasin na ako. Mahigit tatlong oras din akong nag-ayos ng mga gamit, nakaramdam na ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas. Nadatnan kong abala sa pagluluto si Boyet, nandito pa rin sa sala ang maleta niya. "Maupo ka na dito, malapit nang maluto itong ulam." Bakit naman ako kakain ng niluto mo, mamaya may lason pa yan at ikamatay ko. "I'm going to eat outside." Malamig kong sagot. "Walang nagbebenta ng pagkain sa labas, umupo ka dito kung sa tingin mo lalasunin kita, hindi!" Seryoso niyang saad, madilim ang mukha kong naupo sa upuan. Hinayaan ko siyang maghain ng pagkain sa mesa. Hindi ko muna tinikman ang pagkain, I waited for him to eat before I ate. Ano siya gold? siya muna unang mamatay bago ako. "Are you still mad at me?" Tanong niya habang naglalagay ng ulam sa kanyang plato. "Sinunod ko lang naman ang utos ng iyong ama." Muli niyang sabi what do i care, traydor ka pa rin Boyet!. "Ano pa bang aasahan ko sainyo? Wala naman kayong pakialam kung anong nararamdaman ko. Dahi sa ginawa mo, muntik na akong magahasa anong ini-expect mong gagawin ko? Hindi ako magagalit sayo, ano ako tanga tsk!? hindi ako isang robot na walang damdamin, anong gusto mo isang sorry pang okay na agad? ulol fúck you Boyet! Kung nakinig ka lang sana bago ka gumawa ng hakbang. Wala sana akong pinagdadaanang hirap ngayon! Kaso nagmamagaling ka, pabida wala kang pinagkaiba kay Victor pasimpleng traydor!!" Pagkasabi ko 'yun sa kanya tumayo na ako sa pagkakaupo at pumasok sa kwarto. Damn you Boyet! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD