"Talaga?" gulat kong tanong kay Calix. Kakarating niya lang mula sa opisina nang may ibinalita siya sa'kin na talagang nakakagulat. "Oo, alam na ng buong Dela Razza Empire, ikaw na lang yata iyong huli sa balita," aniya. Mabilis ko siyang sinimangutan. Masyado akong abala upang makibalita sa buhay ng ibang tao. Busy rin naman siya pero nagawa niya pa talagang sumagap ng mga latest na balitang ngayon nga ay ikinwento niya na sa'kin. "Hindi kasi ako chismosong katulad mo," irap ko sa kanya. Nitong mga nakaraan ay siya ang source of chismis ko sa buong Dela Razza Empire... alam na alam niya ang mga nangyayari simula sa janitor na kumabit iyong misis hanggang sa isang executive head na may batang kabit. "Hindi nga? Ikaw nagturo sa'kin maging chismoso ah," natatawa niyang tugon kaya bin

