Kinatanghalian ay sinadya kong medyo magpahuli. Pinalipas ko muna ang twenty minutes matapos ang text sa'kin ni Calix na nasa Martina's na sila at ako na lang iyong hinihintay bago ko pinasyang pumasok sa loob. Isa ang Martina's sa pinakamahal na restaurant sa buong bansa at kinakailangan ang reservations upang makakuha ng table. Nagkataon lang na kilala ng pamilya ko ang may-ari at suki na kami rito kaya anytime ay pwede kaming pumunta dahil may naka-reserve ng table sa mga Dela Razza kahit anumang oras. "Good afternoon, Miss Del—" "It's Missis Destriza," putol ko sa pagbati ng sumalubong sa'king attendant. "My apologies, Mrs. Destriza," di nagbabago ang pagkakangiting paumanhin nito. "This way to your table," magalang nitong pahayag sabay muwestra ng direksiyon kung saan karaniwang

