Mabilis na natapos ang lunch kasama ang pamilya ko. Di na kami nabigyan ng pagkakataong makapag-usap ng solo ni Calix dahil pareho kaming may naghihintay na trabaho. Di ko na tuloy natanong kung bakit kung makatingin siya sa'kin ay parang may utang ako sa kanya na nakalimutan kong bayaran sa due date. Hello, gabi-gabi siyang naniningil ng interes at minsan advance pa ako kahit tanghali tapos ginaganyan niya ako! Sa kabila nang pinakitang attitude sa'kin ni Calix ay maayos namang natapos ang lunch at napagkasunduang gagawin namin ulit ito sa susunod na mga araw. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako napalapit nang ganito sa sarili kong pamilya. Noon kasi ay lagi kong tinatanggihan ang pag-aaya ng lunch ng kahit na sino kina Mommy at Daddy. Lagi akong may nakahandang dahilan kung bakit di

