Nang tuluyang mawala ang papalayong tunog ng mga takong ng suot na mga sapatos ng mga chismosang empleyada ay tsaka ko pa lang napagpasyahang tumayo mula sa kinauupuan. Mas makabubuti siguro kung ako na mismo ang maghahanap kung nasaan si Calix dahil batay sa narinig ko sa usapan ng mga babaeng kaaalis lang ay nandito pa sa building si Vanna. Anong akala niya sa Dela Razza building? Isang tourists' spot kung saan ay pwede siyang mag-sight seeing? At talagang iyong asawa ko pa ang main attraction! Huwag talaga magkamali si Calix na matukso sa nagmumurang dibdib ng babaeng iyon dahil ibabalot ko siya at iregalo sa birthday ng malanding iyon! Wala na siyang asawang babalikan kapag mangyari iyon! Lukot ang mukhang tinutumbok ko ang opisina ni Daddy dahil siguradong naroon si Calix kas

