"Good morning, Ma'am Chelseah!" Napangiti ako nang makita sila Michael at Antonio sa hallway ng kompanya namin. Parehas silang naka-simpleng denim pants at simpleng t-shirt lang at may hawak na mga papel. "What are you doing here? May kailangan ba sa site?" tanong ko nang makalapit sa kanya. Antonio shook his head. "No, Ma'am Chelseah… may kinuha lang kaming importanteng papeles." "Antonio, Chelseah na lang," aniya ko bago ngumiti. "parang hindi naman tayo magkaibigan noon." "Mabait mo talaga, Ma— Este Chelseah." Michael laughed. "kaya patay na patay 'yong isa, eh." Kumunot ang noo ko. "Huh?" Antonio patted Michael's hand. "Shut the f**k, Michael!" suway niya sa kaibigan. "Sige Chelseah. Balik na kami sa site at baka kanina pa kami hinahanap ni Gus." "You can go now… mamaya rin ay

