Ang pagdadala ko ng pagkain sa mga tao sa site ay nasundan pa. Everyday, I usually buy their snacks after work. Nakahiligin ko na rin dahil wala naman din akong ginawa sa Isle Esme pagkatapos ng trabaho ko. Gusto ko ang mga trabahador. Lahat sila'y mababait. Tama nga siguro si Mr. Fuentes, lahat ng tauhan nila'y mabubuting tao. "Salamat talaga, Ma'am Chelseah!" Ngumiti lang ako. "Wala anuman po," tugon ko. "Busog na busog kami sa'yo araw-araw." Ngumiti lang ulit ako bago ginala ang paningin. Napanguso ako nang hindi na naman makita si Gus. I bet she's with Kresselle again. "Si Sir. Chavez po ba Ma'am ang hanap niyo?" tanong pa ng isa. Napansin siguro na kanina pa malikot ang mata ko. Umiling ako. "Hindi po." "Kasama ni Sir. Gus ngayon sila Sir. Antonio at Michael. Babalik din— ayon

