Bumalik kami ni Gus sa Isle Esme para sa photoshoot ni Luna. Opening din ng bagong building namin doon kaya mas naging busy ako simula nang makabalik kami sa Isla. I have to be on Luna's shoot, same sa mga kailangang gawin sa opening ng building namin. I have to be hands on for this one dahil maraming dadating na kilalang mga tao. Elite people, businessmen, and high people in society will come to the opening. Sa loob ng ilang araw na nakabalik kami sa Isla, ito lang ang pinagka-abalahan ko. Sobrang busy ko para sa kompanya namin. Sa pagpasok ko sa Aragon Grandé Hotel, si Ava at Blake agad ang nakita ko. Lumapit sa akin ang dalawa. "Chelseah, maaga namang natapos 'yong photoshoot ni Luna, 'di ba?" Tanong ni Blake. Tumango ako. "Oo tapos umalis din siya agad." Kumunot ang noo ko. "Baki

