Nagising ako kinabukasan na hapon na. Mataas na ang sikat ng araw at wala na rin si Gus sa tabi ko. Ramdam ko rin ang pagkirot ng ulo ko dahil sa hangover. I sighed when I recalled what happened last night. Pagkatapos naming mag-iyakan ni Gus kagabi, nakatulog din ako agad. I roamed my eyes and it settled on my clothes. Iba na ang suot kong damit. I smile weakly. Tumayo na ako bago pumasok sa loob ng banyo. I took a quick bath and went outside the room after I fixed myself. Pagbaba ko'y napansin ko na wala na sila Aling Bebang at Peppa. Nasa school na siguro sila Peppa at Jenny dahil tanghali na. Napunta ako sa kusina at doon ko nakita si Gus. Nakatalikod siya mula sa akin. May apron. Nakasuot ng white shirt at black sweatpants. Mula dito sa likod, nakita ko pa ang magulo niyang buhok

