CHAPTER 6

1573 Words
Malawak ang farm at platansyon na bumungad sa'kin sa Isle Esme habang patuloy ang pagtahak ng SUV namin sa bagong building ng BSSM. Our family business is expanding again and this is the first time na magtatayo kami ng kompanya sa isang Isla. Isle Esme is known for its own breathtaking places. Aside from that, there's also a lot of well known tourist spots here, maganda rin ang kapasidad ng Isla kaya hindi na kami na lugi. Gladly we're almost done now. Nang makarating kami sa bayan at nakita ang unang building ng BSSM ay napangiti ako. Hindi pa tapos ang 5th building ngunit kahit na wala pang pintura'y alam kong maganda ang kalalabasan nito. "Ma'am Bennett, kung iche-check niyo po ang buong building, maganda kung magsuot kayo ng safety helmet," rinig ko wika ng isa mga trabahador namin. "Give me one, please," I said without looking at him. "I want to make sure everything is fine." "Here, wear this," bago pa ko maka-react, nasa harapan ko na si Gus at siya mismo ang nagsuot ng safety helmet sa'kin. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos ang helmet. And from the corner of my eyes, I saw Kreselle looking at us. Matalim ang tingin sa'kin. "And be careful," marahan na dugtong pa niya. "sa likod lang kita para safe ka." "T-thank you," nauutal na sabi ko. "Gus, kailangan na nating bilhin ang mga materyales para sa next construction sa susunod sa linggo," sabi ni Kreselle bago lumapit sa'min. "Ikaw na lang muna gumawa n'yan, Kreselle," sagot ni Gus habang nakatuon pa rin ang tingin sa'kin. "I have to go with Chelseah. Hindi niya alam ang ginagawa natin dito, baka kung anong mangyari sa kanya." "But, she has a lot of bodyguard," si Kreselle na may tono ng inis ang boses. "may mga trabahador din siyang kasama. I'm sure they won't let anything happen to her." Gus shook his head and tilted it towards Kreselle. "I'll go with her just in case. Just bring Olive and Rodrigo para may kasama ka." "I need you there, Gus." I can't help but to roll my eyes. Ayaw nga, eh! Sa'kin gusto, bakit pinagpipilitan pa! "I'll list the materials and gave it to Olive," muling sabi ni Gus bago hinawakan ang kamay ko. "let's go now." Nanggagalaiti si Kreselle na tumingin sa'kin. Pumasok kami sa loob ng hindi pa gawa na kompanya namin. Gan'yan siya simula nang nangyari noong nakaraang linggo sa loob ng opisina ko. After he kneed in front of me, begging for my forgiveness. He wants me back. 'Yon ang gusto kaya ito siya ngayon, daig pa ang bodyguard ko. "Gus, I'm fine," sabi ko habang nasa loob kami ng building. Napanguso siya bago tumango pero gano'n pa rin ginawa. Napailing na lang ako at napanguso para pigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking labi. "This is my office, right?" I asked them while fixing my hair. Mainit kasi rito at saktong summer pa. "Yes, Ma'am," magalang na sagot ng isa mga tauhan niya. Kumunot ang noo ko. "This is not part of the plan," sambit ko bago tinuro ang dapat na kalalagyan ng opisina ko. "I want my office to be on this side." "I changed it," sagot ni Gus sa tabi ko. I tilted my head towards him. "Why? Didn't I tell you that I want my office on this side? Sakto lang ang laki." "Maganda na rito sa banda ang opisina mo para presko ka," sagot niya. "sabi mo, hindi ka naman palagi na nandito at tuwing summer lang pupunta. It's hot here every summer and this side is perfectly fine for you. Kita ang tawanin ng bayan ng Isla." "You should tell me first kung may babaguhin ka, hindi 'yong basta ikaw na lang nagdedesisyon." Napayuko siya. "I'm sorry, Chelseah," maraha na tugon niya. "I just don't want you to feel uncomfortable while you're here." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. After I check the building, diretso dapat ako sa dinner namin nila Mommy kasama sila Grandma at Grandpa. Tumingin ako kay Gus na nakasunod pa rin sa'kin papuntang SUV. "Wala ka bang gagawin sa site?" tanong ko. "I'm already done with my work here," sagot niya agad. Tumaas ang kilay ko. "Umuwi ka na kung ganoon." Napalabi siya. "Yayayain sana kitang kumain sa labas." Natigilan ako. Is he really serious about what he said to me last week? "Chel, I'm serious," dugtong pa niya na akala mo nabasa niya ang nasa isip ko. "May dinner kami ni Mommy, so I can't." "Sasama ako." Natawa ako sa sinabi niya. "Are you for real, August?" buong sambit ko sa pangalan niya. "May papaalam ako sa pamilya mo," sabi niya, hindi pinansin ang sinabi ko. Umiling ako. "You can't. Yohan will be there also." Siya naman ang natigilan ngayon bago umigting ang panga. "Hindi mo naman 'yon boyfriend, pero sasama siya. Sasama rin ako kung ganoon." "Manliligaw ko si Yohan, Gus and my family invited him." Sumama lalo ang mukha niya. "Manliligaw din ako sa'yo kaya sasama ako." Malakas akong humalakhak. "How about Kreselle? Magseselos 'yon." "Chel, Kreselle is not my girlfriend," mariin na wika niya. Tuluyan ng nainis ngayon. "at kahit kailan wala kaming relasyon." Nagbikit ako ng balikat. "I don't know," sambit ko bago tuluyang sumakay sa kotse. Hindi na 'ko nag-abala na tingnan siyang muli. And while I'm inside the SUV, a beam smile plastered on my lips. Liligawan ako? Si Gus liligawan ako? For real? Tingnan mo nga naman ang kapalaran. Dati, ako ang nanligaw sa'ming dalawa. Ako ang nangungulit. It seems like the table has finally turned. Napailing ako bago inaalala ang nakaraan. How I pushed myself just to be with him. Kung paano siya makulitan sa'kin sa pagsunod at panliligaw ko sa kanya. "Okay na ba ang kamay mo?" tanong ko sa kanya bago umupo sa isang table katapat niya. "Malayo sa bituka 'to," sagot niya. Napanguso ako. Hindi man lang nag-angat ng tingin sa'kin. May sumpong na naman ang gwapong engineer na 'to. "Next time, be careful please," anang ko. "nakakatakot pala talagang magluto mag-isa. Something bad might happen." "Ganito talaga," sabi niya. Busy pa rin sa priniprito na fishball. "sanay na 'ko na mapaso at masugatan. Anong order mo?" "Kwek-kwek tapos 'yong kalamares." Agad niyang binigay ang order ko sa'kin. Lalo pa 'kong napangiti dahil alam niyang gusto ko ng ma-anghang na sawsawan. "Saan ka nga pala nakatira?" tanong ko pagkuwan. Ayoko lang na tuluyan kaming kainin ng katahimikan. I think I got his attention now because he looked at me. "Bakit? Hanggang sa bahay ba namin susundan mo ako?" nanunuya na sambit niya. "Bakit? Magagalit ka ba kung sasabihin kong gusto nga kitang sundan hanggang sa bahay niyo?" Napailing siya. "Hindi ka bagay do'n sa lugar namin," anang niya bago muling tinuon ang pansin sa niluluto. "Anong akala mo sa'kin? Maarte?" pwelta ko. "I'm not, Gus." This time, he chuckled. "Squatter area ang bahay namin. Hindi sanay ang tulad mong mayaman sa lugar na 'yon." Napanguso ako. "I don't care," seryoso na wika ko. "I'll come to your house, so tell me." "Sa Parang." Nagsalubong ang kilay ko. "Saan 'yon?" "Sa Marikina." "Taga-Marikina ka pero dito kayo sa UP nagtitinda?" gulat na tanong ko. "hindi ba parang malayo?" "Hindi naman," sagot niya bago saglit na tumingin sa'kin. "dala naman itong motorcycle namin. Saka may pwesto rin kami sa playground sa Parang. Tuwing ber months, doon kami." Itong motorcycle food stall lang nila ang dala nila lagi. Malaki naman ito pero makikita mo na matagal na nilang ginagamit 'to dahil halata na rin ang pagkaluma. "Playground?" Tumango siya. "Hmm… Tiangge. Hindi mo alam 'yon." "Anong ginagawa roon?" "Tiangge. 'Yong maraming stall ng mga paninda. Iba't-iba. May damit, laruan, sapatos, may mga games din tulad ng color games, bingo at mga pagkain tulad nito," paliwanag niya. "I didn't know that kind of place exists," I said in a serious tone. "can I go there with you this ber months? Mukhang masaya riyan sa Tiangge na 'yan." "Mga made in China lang tinitinda roon, Chelseah," nailing na wika niya. "hindi 'yon kagaya ng mga pamilihan na kinalakihan mo." "Pero gusto kong ma-experience na makapunta roon. Lalo na sa bahay niyo." Tumaas ang kilay niya. "Ano namang gagawin mo sa bahay namin? Mainit doon." "Wala. Gusto ko lang makapunta. Punta ako sa bahay niyo, ah?" pangungulit ko nang nakangiti. Napailing siyang ulit. "Ikaw ang bahala. Basta sinabihan na kita." I clap my hands out of enjoyment. "Yey! I'm going to your house! Tapos pasyal mo 'ko sa lugar niyo at puntahan natin 'yang Tiangge na 'yan. Masaya siguro mag-date ro'n." "Chelseah, sinong nagsabi na magde-date tayo?" "Bakit? You already agreed na pupunta ako sa bahay niyo," sabi ko. "so, date na tayo after. Sayang naman kung hindi susulitin 'di ba?" Tumingin sa'kin ang mga berde niyang mata. "Pupunta tayo pero hindi 'yon date." My lips turn into a curve. "So, we'll really go there?" nanunuyang sabi ko sa kanya. "It still counts as a date, Gus." "Magkaiba ang date sa ipapasyal." "Date pa rin 'yon," pwelta ko. "pag ang isang single na babae at lalaki ay lumalabas, date 'yon. So, date natin 'yon." "Mamasyal tayo." hindi pa rin siya nagpapatalo. "Date," sabi ko ulit. Hindi rin papatalo sa kanya. "Isa pa, kahit naman anong gawin mo, kulitin kita kaya wala kang magagawa." Sinasabi ko sa'yo, Gus. Pasaway ako. Mas pasaway at makulit pa sa bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD