CHAPTER 7

1528 Words
Dumating pa ang mga araw na mas lagi akong nasa tindahan nila Gus. Even Kreselle can't stop from doing what I want. Kahit na minsan grabe ang sinasabi niya sa'kin habang nandoon kami, but I don't give a f**k. Si Gus ang pinuntahan ko roon, hindi siya. I don't want to waste my time to her. Kahit na minsan sobra na ang pagpapansin niya kay Gus tuwing nag-uusap kami. Pasalamat nga siya at kahit papaano ay mabait pa 'ko sa kanya. She is still Gus' friend and as much as I want to get rid of her every time she's being annoying, I can't. I still respect their friendship. Ayokong magkagulo ulit. After I took a bath, I went downstairs to eat my breakfast. Napangiti ako lalo nang makita sila Grandma at Grandpa sa hapag kainan kasama si Mommy. "Good morning," bati ko bago sila hinalikan sa pisngi. "You look blooming today, my princess," wika ni Lola. "May inspirasyon kaya gan'yan," si Mommy na ang sumagot. "sumisipag sa pag gising sa umaga." "Tell me, kailan ba namin makikita nila Ellise at Grandpa mo itong si Gus?" tanong ni Grandma. "Why don't you invite him on your Grandma's birthday party next week?" kuwestyon ni Grandpa. Napanguso ako. "I badly want him to meet you, but he can't go to Grandma's birthday. Busy po siya sa pag-aaral niya." "Looks like he is very focused on his study," kumento ni Grandma na may ngiti sa labi. "I like him already." "Malaki raw ang prinsipyo sa buhay at sa pamilya," nakangiti rin na Saad ni Mommy. "Very honorable man," si Grandpa naman ang nagsalita. "I'm excited to meet him. Kaya pala gan'yan ka ngayon." Nahihiya na ngumiti ako bago hinawi ang buhok. "Sobra po, Grandpa," tugon ko. "don't worry, I'll let you meet him next time." "Can't wait to," sambit ni Grandma. "looks like he's a very good man." Ngumiti ako. "He is, Grandma." I know my family will like him. Kahit na mayaman kami, hindi naman matapobre ang pamilya ko. Pinalaki nila akong spoiled at lahat ng gusto nasusunod, ngunit hindi ang mangutya ng iba. After I ate my breakfast, I immediately fixed myself to get ready for school. I'm wearing my white long sleeve shirt and paired it with black skirt and boots. Nakalugay ang buhok ko at may kulot sa dulot nito. Lumabas ako sa bahay at agad na sumakay sa SUV namin. Nang makarating sa Starbucks, Trevis and Celeste are already there. My day went on and after school, I'm at Gus' store. Kaunti na lang ang mga tao na kumakain sa kanila at mula sa malayo'y kita ko na busy siya sa pagpupunas ng mga ginamit na mangkok at baso. "Hi," nakangiti na bati ko sa kanya bago umupo. Hindi siya nagsalita pero nilapag na niya ang isang order ng kwek-kwek at kalamares sa tapat ko. My smile widened. "Hindi ka talaga pupunta sa birthday ng Lola ko next week?" tanong ko pagkuwan. "Busy nga ako, Chelseah," seryoso na sagot niya. "marami kaming assignment at project. Kailangan matapos agad at malapit na namang matapos ang semester." Napanguso ako. He seems very busy. Lagi naman pero iba ngayon. Maybe because he's graduating. At sabi pa, siya ang summa c*m laude ng university this school. No doubt about that. He is too smart. "Gan'yan siguro talaga pag-graduating na at summa c*m laude pa," wika ko. "congrats." This time, ngumiti siya. "Hindi pa sure kung ako nga talaga," tugon niya. "pero sana. Malaking tulong din 'yon." "I'm sure maraming kompanya ang kukuha sa'yo. You are a great engineer." Tumawa siya. "Hindi pa ako isang ganap na engineer, pero salamat sa tiwala." "Malaki ang tiwala ko sa'yo, Gus. I know someday, you'll be great. Big time pa nga. Sa sobrang sipag mo pa lang ngayon, makakamit mo ang mga gusto mo sa sarili mo at para sa magulang mo." "Kailangan maging masipag at matiyaga," anang niya bago umupo at tumingin sa'kin. "marami akong pangarap para sa pamilya ko." "I know you can do it," seryoso na sambit ko. Ngumiti siya. "Salamat." "Wala 'yon. Date na tayo sa inyo pagkatapos ng birthday ni Lola, ah?" "Hindi nga date 'yon, Chelseah." Napanguso ako. "Date 'yon," pangungulit ko. "Susunod na lang," sabi niya. Tila ba iniiwasan ang gusto kong mangyari. "marami talaga akong gagawin ngayon hanggang next week. Tapos may laro pa sa UP Fair." "Manonood ako." "Baka ma-boring ka roon tapos mainit. Paniguradong sisiksikan dahil maraming tao sa araw na 'yon." "I don't care," sagot ko. "I have you as my inspiration to watch basketball so, I'll watch. Panoodin kitang maglaro kaya galingan mo." Tumaas ang gilid ng labi niya. "Chelseah, nakalimutan mo yatang captain ako ng varsity ng University natin." "Kailan nga pala laban niyo ng ibang University?" tanong ko na lang. "panoodin ko rin." "Sa November pa magsisimula ang UAAP," sagot niya. "kaya magiging mas busy pa 'ko sa mga susunod na buwan. Last game ko na 'to kaya gusto kong manalo ang University natin." "Kaya niyo 'yan. May bilib ako sa basketball team natin at sa captain nila." Natawa siya bago umiling. "Kumain ka na para makapagligpit na 'ko at makauwi. Kailangan ko pang mag-review at tulungan sa mga assignments ang mga kapatid ko sa bahay." "I'll go to your house. Hindi sa ngayon kasi busy ka, pero sa susunod. Tapos date tayo." Umiling siya ulit. Tila ba literal na nakukulitan na sa'kin. He doesn't have a choice though. Ako ito, eh. Naging busy ako sa mga sumunod na raw dahil mid term examination na next week at kailangan kong magpaganda para sa birthday ni Grandma. "Yaya Lia, paayos naman po ng susuotin ko mamaya sa party," sabi ko kay Yaya Lia nang makababa sa unang palapag ng bahay. "I'll just go to the salon." "Ako nang bahala, Chelseah," nakangiti na tugon niya. "Sabay na tayo, Anak," rinig kong sambit ni Mommy. Sabay kaming pumunta ni Mommy sa Salon. This is one of our bonding together when she's not busy to our company. Sometimes, we go shopping and do our nail arts. You know, just a typical Mother and Daughter bonding. After we went to salon, agad akong inayusan ng makeup artist namin. Maraming dadalo sa birthday ni Lola kaya kailangan presentable ako. Mga kilalang tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Wearing my red scarlet lace plunging neckline long, I looked at myself in the mirror. My hair is in soft messy bun, habang suot ko na ang maskara ko na nagtatakip sa aking mga mata. Mas lalong nakita ang magandang hugis ng katawan ko dahil sa suot. "You're still gorgeous as f**k, Chelseah Bennett," rinig kong sambit ng isang baritone na boses. Agad akong tumingin sa gawi na 'yon at napangiti nang makita si Daniel. He's not wearing his mask and only a black American tuxedo. "Daniel!" I exclaimed and I immediately crossed our distance to give him a warm hug. "I missed you so much!" Niyakap niya ako pabalik. "Me too, Chel," marahan na tugon niya. "you're beautiful. Too much beauty." "Mas maganda ka naman," biro ko bago humagikhik. "Of course, I'm much more pretty than you," maarte na sabi niya bago natawa. "but please, be quiet. Hindi pa alam nila Dad ang totoong ako." Nanlaki ang mga mata ko. "Really? I thought you already told them when you went to America? What happened?" He sighed. "I can't," malungkot na wika niya. "Seriously, Daniel. You have to tell the truth. Besides, hindi naman magagalit 'yon si Tito. Madi-disappoint siguro, pero magalit?" umiling ako. "he won't do that to his only child." "Only child," ulit niya. "that's the exact reason why I'm scared to tell the truth." "Still. You have to free yourself from who you are. Hindi pwedeng habambuhay kang magpapanggap sa harapan nila." Tumango siya. "You're right. Maghahanap ako ng magandang timing para sabihin ang totoo." "Just be honest," sabi ko. "wala namang history si Tito na ayaw niya sa mga tulad mo. He has a gay friend, right?" "Let's stop talking about me," pag-iiba niya ng topic. "I missed you too, Chelseah. Grabe tatlong taon lang ako nawala sa bansa, sobrang laki na nang pinagbago mo. Ang ganda mo lalo!" "Thank you for the compliment," nakangiti na wika ko. "and you look gorgeous too." Hinampas niya 'ko sa braso ng mahina. "Kung alam lang ng lahat na bakla ako, tatalunin kita sa suot mong 'yan. Mas sexy ako sa'yo." Natawa lang ako. "Umamin ka muna para magawa mo na ang lahat ng gusto mo." "Soon, darling. Soon. But look at yourself! Those sexy curves of yours? Dapat talaga hindi marketing ang course mo, you should try modeling. Tutal may-ari naman kayo ng magazines company." "You think papasa ako?" "Of course," proud na wika niya bago ako pinaharap muli sa malaking salamin. "you see yourself? Kahit hindi sa ka kompanya niyo, tatanggapin ka sa iba. You're still eighteen but you already have a glass hour body proportion." "Masyado mo akong pinapakilig," sabi ko bago siya hinawakan sa kamay. "halika na sa baba. Malapit ng magsimula ang party." Sabay kaming bumaba. Nakapulupot ang kamay ko sa braso niya habang pababa kami sa grand staircase ng mansyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD