Muling dumagundong ang hiyawan ng mga galit na mamamayan para suportahan ang paghatol na iyon ng hari sa kinatatakutang duke. Hindi na sila makapaghintay na maganap ang pinakamasaysayan na tagpo ngayon sa kanilang kaharian. Iyon ay ang kamatayan ni Duke Cailen. Nataranta naman si Ada na baka mahuli na sila sa pag-eksena para mailigtas ang kanyang kasintahan. "Patayin ang duke!" "Patayin ang duke!" "Patayin ang duke!" "Patayin ang duke!" "Patayin na ang duke!!!" Sabay sabay pang lintanya ng lahat habang hinahanda ang gagamiting gilotina sa gitna ng entablado. Makikita naman sa mukha ni Prinsipe Beau ang sobrang pagkadismaya sa binigay na hatol na ito ng kanyang Amang Hari. Alam niya na walang sapat na sumusuportang ebidensiya sa mga ibinigay na reklamo at kaso sa binatang duke ng ma

