Dahan dahan na nakita ng lahat ang pagbagsak ng talim ng gilotina patungo sa leeg ng binatang duke. "Duke Cailen!" takot na takot na pag-irit ni Ada nang makita ang pigil hiningang tagpo sa kanyang kasintahan. Sinubukan na tumakbo nina Ronald at Carnell para pigilan iyon pero masyadong mabilis ang lahat. Ngunit laking gulat nila dahil ilang milimetro na lang mula sa leeg ng duke ay biglang tumigil ang talim na iyon sa ere. Doon nila napansin ang dalawang punyal na humarang sa pagbagsak ng talim na iyon sa binatang duke. Nang tignan pa nila ang pinagmulan ng mga punyal na iyon ay napag-alaman nila na ang bantay nitong si Oswald ang nagligtas kay Duke Cailen. "Nakalimutan niyo yata na nandito ako na siyang bantay ng duke," nakangising komento pa ni Oswald saka dahan dahan na naglakad pa

