CHAPTER 2

3084 Words
“Mia, okay ka lang ba?” Tanong ng kanilang Mayordoma na si Manang Norma na kangina pa nag-aalala ng marinig ang ingay mula sa labas habang ito ay naglalakad para sana tawagin na ang mag-asawang pinagsisilbihan niya. Kumatok siya mula sa pinto ng makitang lumabas na si Alfie at siyang mabilis na tinakbo ang pintuan ng kwarto nila Mia. Nag-aalala siya na tiyak at sigurado na siyang nasaktan na naman ang among si Mia. Hindi nga siya nagkamali ng sa mga oras na yon sa kanyang pagpasok napansin agad nito ang namumulang mga galos at sugat mula sa pagkakapaso ng sigarilyo at pambubugbog sa kanya ng mabubugbog muli si Mia ng kanyang asawa. Sobrang nag-aalala agad si Manang Norma ng agad nitong nilapitan siya ng mapansing nakaalis na ang asawang si Alfie, matapos ang p*******t at gamitin siya ng muli itong mawala sa kanyang sarili. Si Alfie na lango sa alak at halos lamunin ng matinding galit sa pagpapaalam sana niya na maaari siyang dumalaw sa kanyang adopted parents. Subalit talagang ikinagalit nito at humantong muli sa p*******t sa kanya. “Ano ba ito? Bakit pumayag ka?" tanong nito ng hawak ang braso na puno ng paso ng sigarilyo at mukha na namamaga sa lakas ng p********l sa kanya ng kanyang asawa at ang ilang beses na mataan rin ng sigarilyo na siyang naging dahilan ng mga lapnos at paso na ngayon ay bakas na bakas sa mukhang namamaga. “Hindi ko naman po mapipigilan siyang hindi gawin. Kahit pa makiusap nga ako. Ginawa pa rin niya sa akin." aniya nanaitugon mula sa mga tanong ng kanilang mayordoma. Si Manang Norma na ibinigay sa kanila ng kanyang mga magulang upang makasama nila at makatulong sa kanya sa pamamalakad sa bahay na kanilang nalipatan ni Alfie ng sila ay magpakasal. Si Manang Norma na madalas na saksi sa napapadalas na p*******t sa kanya ni Alfie at madalas rin tumulong sa kanya sa tuwing natatapos siyang saktan ng kanyang asawa. Napabuntong hininga si Manang Norma habang tinitingnan siya. Napahigit muli ng malalim na hindi matapos makapag-isip at isipin na tama bang natitiis ng kanyang alaga ang p*******t ng kanyang asawa. Hindi rin naman niya magawang makapaghimasok sa dalawa o mapagsabihan si Alfie sa mga maling p*******t sa asawa. Madalas na nanunuod nalang siya, nakikinig o kaya naman ay nag-iintay na matapos ang dalawa saka siya papasok para matulungan si Mia. Tulad nalang muli ng nangyari ngayon na mas matindi pa sa mga naunang p*******t ni Alfie kay Mia. “Mia, mabuti pa kukuha ako ng yelo at mga gamot ng malinisan natin iyang sugat mo. Dito ka lang at huwag kang masyado gumalaw ng hindi ka masaktan. Masakit talaga yan, tiisin mo lang muna at gagamutin natin sa pagbalik ko." Sinabi ng may pag-aalala ni Manang Norma ng matapos mahawakan ang mga galos at lapnos sa kanyang braso at mukha. Tumango nalang si Mia at nagpasalamat kay Manang Norma na agad na umalis para pumunta sa baba upang kumuha ng mga gamit na magagamit sa paggamot sa mga sugat niya. Mabilisan ang mga kilos ni Manang Norma. Nagmamadali at may kaba na baka nalang muli bumalik ang asawa ni Mia. Kaya naman matapos na makumpleto ang lahat ng kanya dadalhin. Sa kanyang pagbalik may bitbit na itong plangganita na may lamang tubig at bimpo pamunas kay Mia para malinisan ang mga sugat at lapnos nito mula mukha hanggang sa magkabila na braso. Subalit ng mapansin nito ang mga panlalagkit ni Mia mula sa maraming luha na nailabas sa kakaiyak kangina at ang malansang amoy na nahalimuyak nito, maging ang naghalong amoy ng kape mula ng magawa ‘rin siyang sabuyan ng mainit na kape ng kanyang asawa. Pinigaan nito agad ang bimpo sa planggana at ipinunas sa kanya at saka sinabi. “Halika, linisan muna natin ‘yang mga sugat sa braso at yung sa mukha mo. Tapos magbihis ka muna saka natin lagyan ng gamot. Pati ba kape? Talagang asawa mo walang isip at awa sayo. Maging kape, ibuhos. Kung sa kanya kaya ibuhos? Minsan talagang hindi ko na mapigilan pero ng dahil sa mga pakiusap mo. Nagagawa kong maging pipi at bulag sa mga nakikita kong mali, maling-mali talaga dahil hindi tama ang kanyang ginagawang 'yan sayo. Kung ako ang magulang niya, talagang hindi ko palalagpasin ang lahat ng mga nakikita ko sa inyong pagsasama. Jusko po, Mia. Kita mo? Nagtubig na, masakit 'yan pero matitiis mo ba?” napapangiwi na maiyak-iyak habang nagsasalita ng pinupunasan ang mga sugat niya at lapnos maging ang malagkit niya katawan na nilinisan na rin nito. Labis itong nag-aalala habang may kasama pang panenermon ang pagsasalita ni Manang Norma na tumango nalang din siya mula sa mga tanong nito. Lalo na ang matanong kung matitiis ba niya ang sakit mula sa mga naglapnos at nagkatubig na paso ng sigarilyo. Masakit, kasing sakit rin ng kanyang nararanasan sa asawa. Subalit baliwala sa kanya matitiis niya pa lahat. Hanggang kaya niya titiisin, dahil sa pagmamahal sa asawa. “Mia, hanggang kelan mo matitiis lahat?" seryoso na sambit ni Manang Norma sa kanya. Habang hindi pa rin natatapos mula sa paghagod ng bimpo sa kanya. Napahigit ng malalalim na hininga si Manang Norma, sunod-sunod habang kanyang nililinisan ang mga sugat ni Mia, sa braso, sa mukha, sa kanyang leeg at dibdib na rin na nangangamoy na kape saka sinabi muli nito ng seryoso pa rin mula sa mga naunang pagpapaalala sa kanya. “Nuon, sinabi ko na sayo. Bakit ba kasi nagagawa mong tiisin ang paulit-ulit na p*******t sayo ng asawa mo. Pero ang sagot at madalas mong sagot na madalas ko ring inuunawa ay dahil sa mahal mo ang asawa mo. Pero, Mia. Hindi ka pa ba napapagod sa palagian niyang pambubugbog sayo? Sa madalas na p*******t sayo? Physical at emotional alam kong sobrang nasasaktan ka na sa lahat ng dinadanas mo sa pakikisama sa kanya. Pero, Mia. Ano pa ba ang nakikita mong dahilan para matiis ang lahat, baliwalain, para pakisamahan mo pa rin si Alfie na halos nawawala na sa kanyang sarili habang tumatagal na nagsasama kayo. Tumitindi rin naman at nadodoble ang lahat ng dinaranas mo rito. Palagay mo ba na pagmamahal pa ring matatawag ang lahat ng ginagawa mong pagtitiis sa pakikisama mo sa kanya? Palagay mo ba hangga't nabubuhay ka, hanggang binubuhay ka pa rin sa p*******t niya. Matitiis mo habang buhay ang ganitong sitwasyon? Mia, gumising ka, hindi ka santo na matitiis lahat ng sakit. Hindi habang buhay, mabubuhay ka sa ganito. Huwag Mia, isipin mo rin ang sarili mo sa lahat ng mga nangyayari sa pagsasama niyong mag-asawa. Please, Mia. Hindi bilang Yaya mo, kaibigan na nahihingahan mo sa ngayon. Mia, mag-isip ka, hindi habang buhay naririto ako para damayan ka at panuorin lang lahat. Mia, parang-awa mo na, gumising ka na mula sa kabaliwan na pagtitiis na ginagawa mo. Mahalin mo naman ang sarili mo, Mia. Nakikiusap ako sayo." umiiyak na sambit ng pakikiusap ni Manang Norma sa kanyang alaga. Si Manang Norma rin ang nagpalaki kay Mia. Ang nakasubaybay sa kanyang paglaki mula ng mapulot siya ng kanyang mga adopted parents. Si Manang Norma na kilala na siya mula bata pa na matiisin sa lahat. Subalit sa pagkakataon na yon. Hindi niya magawang hindi maawa sa alaga at makiusap na sana matauhan na rin si Mia na tigilan na ang pagtitiis mula sa walang awang asawa. Kahit naman siya napapagod na rin. Subalit mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Alfie. Mahal niya ang kanyang asawa, kaya't kahit anong gawin nito at p*******t sa kanya hindi niya magawang lumaban sa rito ng ayaw rin naman niyang pagmulan ng mas matinding p*******t nito. At hindi niya kayang masakatan si Alfie, hindi niya kayang makita na masaktan ang asawa na alam niya sa sarili na siya ang higit na masasaktan oras na lumaban siya at makita na nasasaktan ang asawa. Pero, minsan naiisip niya ang umalis muna at lumayo para makaiwas sa mga p*******t ni Alfie. Pero hindi niya rin naman magawa o mas madaling sabihin na wala siyang pagkakataon na magawa iyon ng dahil mahigpit na pinagbawalan siya ng asawa na lumabas ng bahay. O dahil, hindi rin niya magawang iwan ang asawa. Nasa dalawa, nasa gitna siya ng desisyon na hindi niya magawang mapagdesisyunan. Dahil sa pagmamahal na nangingibabaw pa rin sa kanya. Mula ng maikasal sila, mula ng magsama sila. Hindi niya talaga lubos na maunawaan at maintindihan ang biglaang pagbabago ng kanyang asawa at kung anong dahilan bakit siya nasasaktan nito. Ang galit na madalas na makita sa asawa na hindi niya malaman kung saan nagmumula o sa saan nahuhugot ni Alfie. “Hindi ka talaga naaawa sa sarili mo." tinitigan niya si Manang Norma ng iaangat niya ang mukha. “Tingnan mo nga?” Aniya muli ni Manang Norma habang dinampi-dampian ng basang bimpo ang mga sugat niya. Napabuntong hininga pa muli ito habang nilinisan mabuti ang sugat niya. Maingat nitong pinunasan ang bawat galos at sugat maging ang mga paso ng sigarilyo ay kanyang pinunasan kahit napapaaray siya ang tugon nito. “Tiisin mo, natiis mo ngang madalas kang saktan. Ngayon aaray ka?" seryoso na bahagyang natawa ito na dinaan sa biro ang pag-aalala na nararamdaman. Nilinisan nitong mabuti bawat sugat at sinabi muli sa kanya ng seryoso muli. “Mia, hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan. Pero tingnan mo, kababae mong tao puro galos at sugat ang nakikita sa katawan mo. Wala ka niyan nuon, habang lumalaki ka, nasubaybayan ko lahat kung gaano kaingat ang Mama at Papa mo na huwag kang masugatan o kahit nga magalusan ka lang. Sumasama na loob nila at nauuna pang nasasaktan sayo at umiiyak. Pero ngayon, ayos lang, baliwala lang sayo lahat ng mga pagsasakripisyo ng mga ginawa ng mga magulang mo. Hindi mo man sila mga tunay na magulang. Subalit ang pagmamahal nila na ibinigay sayo para na rin kanilang tunay na anak ang siyang turing sayo. Paano mo nagagawa ang baliwalain lahat ng yon ng dahil lang sa walang puso mong asawa? huh, Mia? Paano mo nagagawa lahat? Paano mo natitiis lahat?” Madalas nalang iyon ang paulit-ulit na kanyang naririnig mula sa malungkot, nasasaktang Yaya. Yung mukha ni Manang Norma napapailing at napapangiwi ng dahil sa awa niya ng makita ang mahabang paso sa kanyang mukha. Lalo oras na nasasalat nito at aaray siya dahil sa sakit nuon. “Tapos ngayon maging sa mukha mo na…” Napahugot pa ito muli ng malalim na hininga habang malungkot ang kanyang mukha na nakatingin at hindi inaalis sa kanya. “Tingnan mo nga! Mia, nagawa na rin niyang sugatan at pagkahaba pa ng kanyang ginawa." aniya ni Manang Norma na naluha nalang sa nakita. “Hindi ka ba natatakot na baka sa susunod mapatay ka na niyang si Alfie?” isa rin sa madalas niyang marinig sa maraming tanong ni Manang Norma na hindi nalang siya kumikibo at nakikinig nalang ng dahil sa wala naman siyang makuha na sa paulit-ulit lang rin naman niya sagot na tinutugon rito. Nangingilid na ang luha nito na nakatingin pa rin sa kanyang mukha na pinupunasan pa rin nito. Sobra ang pag-aalala nito na madalas naman din maramdaman ni Manang Norma sa tuwing maabutan at makikita siyang sinasaktan ng kanyang asawa. Tahimik lang siya at hindi talaga nagawang magsalita habang si Manang Norma panay ang pagpapaalala sa kanya sa mga bagay na nuon pa man ay nagawa na ring isipin, kahit hindi niya pa man naririnig mula sa rito naisip na niya pero 'yon nga lang dahil isang bagay na hindi rin niya makayang gawin. Unang-una iniisip niya rin ang maaari na maging epekto kung aalis siya at iiwanan si Alfie. Pangalawa, ayaw niyang mag-isip ng masama ang kanilang mga magulang oras na malamang iniwanan niya ang kanyang asawa, gayon na wala pang isang taon ang lumilipas matapos silang maikasal at magsama ng bumukod sila sa kanilang pamilya. Wala pang isang taon, subalit ganito na ang kanilang pagsasama na pilit niyang itinatago sa kanilang mga pamilya. Umayos na sa pagkakaupo si Manang Norma, tapos na rin ito mula sa mga paglilinis nito sa mga sugat niya sa braso at mukha. “Sige na, Mia tapos na ako linisan ang mga sugat mo. Magbihis ka muna at pagkatapos ay saka natin pahiran at lagyan ng gamot.” Bahagya ng ngumiti si Manang Norma kahit may kalakip pa ring lungkot ang nababahid at mababasa sa kanyang mukha. Nasasaktan rin naman siyang makita madalas na ganon di Manang Norma. Pero, wala siyang magawa. Hanggang makakaya niya ay titiisin ang lahat huwag lang masira ang kanilang pagsasama ni Alfie. Pinunasan niya ang luha na muli ay bumagsak sa kanyang mata. Saka siya napabuntong hininga at sinabi. “Salamat po, Manang Norma sa madalas na pag-aalala at pag-aalaga sa akin. Para na kayo si Mama na mas madalas pang mag-alala sa akin sa ginagawa sa akin ni Alfie. Patawad po, alam kong higit kayo nasasaktan sa tuwing nakikita at naaabutan niyo akong ganito. Patawad po sa kung hindi ko masagot ang madalas na mga sinasabi niyo. Pasensya na rin po, huwag niyo sanang isipin na hindi ko napapakinggan ang mga paalala na sinasabi niyo. Lahat po, andito." turo sa puso niya. “Naririto po lahat, magit sa isip ko naroroon lahat. Dahil bawat po sinasabi niyo sa akin, bawat pagpapaalala na madalas niyo sabihin. Lahat po inilalagay ko rito na baka isang araw mabago ang lahat. Isang araw na baka magising na rin ako mula sa lahat ng ito at masunod ko ang mga pangaral at pagpapaalala niyo. Pero sa ngayon po, sana maunawaan niyo muna po ako. Manang Norma..." aniya na naitugon mula sa kanyang Yaya na maraming beses na niyang kasama, higit pa sa naging pagsasama nila ngayon ni Alfie. Madrama na kanilang usapan na haluan na ng kulitan at biruan. “Ikaw na bata ka, paano mo ba natitiis ang lahat ng p*******t sayo ng asawa mo?" muli na naitanong mula sa pabirong pagsasalita. na nagawa ng tumawa. “Kung ako ang nasa sitwasyon mo, kung di ako makalalaban sa kanya. Baka siguro na nilayasan ko nalang siya. Sino bang makatitiis sa mga p*******t ng isang asawa? Ikaw lang naman ang siyang nagtitiyaga habang pinahihirapan at sinasaktan ka naman. Siya rin namang pagtitiis mo sa walang sawang p*******t sayo. Pero hanggang kelan ka magtitiis? Hanggang kelan mo kakayanin ang lahat, Mia?” Mahabang aniya nito habang hawak nito ang kanyang kamay. Mula sa pagbibiro ni Manang Norma naluluha na naman siya ng biglang sumeryoso ang kanilang usapan. “Mahal ko kasi siya, Manang Norma. Kaya siguro natitiis ko lahat at nagagawa ko pa ring manatili sa tabi niya. Pero, naisip ko na rin po ang mga sinabi niyo sa akin. Naisip ko na rin na baka mas makakabuti kung lalayo at aalis muna ako para makapag-isip muna at ganoon rin si Alfie. Pero, wala pa po akong pagkakataon at lakas ng loob na magawa yon ng dahil sa pinagbabawalan niya rin akong lumabas rito. Saka, di ko rin po talaga magawa. Masyado pang mahina ako para iwanan siya ng dahil sa pagmamahal ko at pag-asa na pinaniniwalaan kong isang araw, babalik si Alfie sa dati. Sa dati kung saan naging dahil kung bakit minahal ko siya." Aniya niya rin na tugon kay Manang Norma na ngayon di napigilan na yakapin siya at tapikin sa kanyang likod. “Manang Norma, mahal ko talaga siya. Hindi ko magawang mawala siya, kaya naman hindi ko rin magawang iwan siya sa paniniwalang isang araw babalik kami sa normal. Isang araw babalik si Alfie sa kung ano siya ng makilala ko siya. Mahal ko siya, mahal na mahal..." napahagulhol na naman siya sa pag-iyak kaya naman ang luha niya walang tigil na naman sa pagbuhos. Sa totoo naman kasi ng dahil sa kanyang pagmamahal sa asawa ang pinaka dahilan kung bakit hindi niya magawang magalit at iwan nalang si Alfie ng ganoon nalang. Kaya naman wala pa talaga siyang mahugot na lakas ng loob na magawang bitiwan nalang ang kanilang pinagsamahan. Mahina pa ang loob niyang gawin ang naiisip niya ng dahil sa mas natatalo ng nararamdaman niya para kay Alfie ang binibulong at dinidikta ng kanyang isipan. “Mia, tama ka naman roon." aniya na tugon nito sa kanyang nasabi. “May point ka ruon. Sa sinabi mo." muli ay sinabi nito. “Pero, pakiramdaman mo rin ang sarili mo. Pakinggan mo ang sinasabi ng isip, hindi ang nararamdaman ng puso mo. Nakikita mo ba ang sarili mo? Kung ano bang nagiging pakiramdam nito sa tuwing nasasaktan ka at sinasaktan ka ni Alfie." turo nito sa puso, sa isip at timingin ng mabuti sa kanya. “Masaya ka pa ba?" tanong na hindi masagot dahil magulo pa rin sa kanya. “Palagay mo bang habang buhay ay magagawang kayanin ng nararamdaman nito." Turo muli sa puso at muling nagpatuloy. “Ang lahat ng sakit na sinasapit mo kasama ang sinasabi mong mahal mong asawa, palagay mo habang buhay kakayanin mo ba talaga? Pero, hanggang kelan? Hanggang kelan mo magagawang panghawakan ang pagmamahal na hindi ka naman na rin sigurado sa mga nangyayari at pinagdadaanan mo kung mahal ka pa rin ba niya o may pag-asa pa bang magbago muli siya.” Aniya muli at winika ng mahaba ni Manang Norma na muli ay nagpapaalala na naulit lang ang madalas nitong sabihin. Alam niyang madalas yon sabihin ng kanyang Yaya ng dahil sa nais nitong maunawaan niya sa huli. Kahit paulit-ulit lang ito, hindi ito napapagod na paalalahanan siya sa lahat ng kanyang pinagtitiisan. Bumagsak muli ang luha sa kanyang mga mata. Sa lahat ng mga sinabi pa ulit ni Manang Norma, nakaramdam na siya ng awa sa kanyang sarili. Tama kasi ito na hindi niya makuhang panindigan ng dahil sa takot at pagmamahal. Tama si Manang Norma, dapat na rin niyang pakinggan ang sinasabi ng kanyang isipan. Hindi ang nararamdaman lang na pagmamahal para sa kanyang asawa ang kanyang papansinin, susundin at pakikingan. Marami pang sinabi si Manang Norma sa kanya matapos siyang makapagbihis nakapag-usap pa sila. Gumaan ang loob niya mula sa mga paalala at sinabi ng Yaya niya. Bago pa man lumabas si Manang Norma upang makapagpahinga na rin siya muna tinulungan siya nitong makahiga ng maayos at kinumutan pa siya. Kaya ng makalabas rin ito sa kanyang kwarto upang makapaghanda ng kanyang makakain sa baba upang malagyan ang kanyang sikmura ng marinig nito ang pagkulo ng nagugutom niyang sikmura. Sinubukan niyang ipikit muna ang kanyang mata upang panandalian na makaidlip mula sa antok na naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD