CHAPTER 3

4006 Words
Nakaidlip si Mia mula ng maiwan siya ni Manang Norma sa kwarto niya matapos ang magamot ang kanyang mga sugat. Medyo gumaan rin ang kanyang mabibigat na pakiramdam mula sa maiksing pag-idlip. Nahimasmasan na rin siya mula sa maraming luha at may katagalan na pag-iyak. Kaya naman pasalamat nalang talaga at dahil sa sandaling pagsama sa kanya ni Manang Norma ng maiwan siya ni Alfie kangina. Gumaan ang pakiramdam niya ng mailabas rin ang ilang mga naiisip. Pero sa huli, isang desisyon ang kanyang nabuo. Hindi muna siya aalis. Gawa na kailangan niya muna maghintay at magbakasakali na muling magbago ang kanyang asawa at manumbalik ito sa dati. Dahan-dahan siyang kumilos upang makababa sa kama. Lumakad siya patungo sa banyo at duon pumasok siya. Matapos na magbanyo ay naisip na niyang lumabas upang ayusin ang sarili at bago pa man siya makalabas tumungo siya sa salamin at duon nanalamin. Kita niya ang pamamaga ng mukha at ang lapnos na ngayon ay nangingitim at may bahagyang tubig na makirot na nararamdaman niya habang hinipo iyon at sinalat. Ano bang nangyayari kay Alfie? Bakit niya nagagawa sa akin ang lahat ng ito? naitanong niya sa sarili ng makapanalamin. Napabuntong hininga at sunod-sunod na malalalim pa ang kanyang nagawa sa kaba pa rin at takot na hindi nawawala. Maging sa mga braso ko. Napuno ng lapnos at galos mula sa mga kuko ni Alfie ng hindi sinasadya na nakalmot ako ng subukin kong umiwas sa kanya. Ang mga lapnos, aray! Masakit pa rin talaga. aniya niya ng subukin na dahan-dahan na hawakan bawat lapnos at galos na nakikita ng kanyang mata. Napapangiwi siya sa sakit maging braso niya pakiramdam niya na para bang nabalian na hindi halos maiangat at maigalaw. Habang panay ang higit ng hininga. Pumasok sa isip niya ang pagkain na inihahanda ni Manang Norma sa kanya. Naalala ni Mia na sinabi nito na ipagluluto siya ng makakain ng marinig na kumakalam ang kanyang sikmura. Muli siyang nanalamin at nang matapos na makita ang itsura ng maiayos ang sarili naghanda na siyang bumaba upang sana kumain. Sinabihan kasi siya ni Manang Norma na ipagluluto siya ng paborito niyang menudo na may nilagang itlog. Kaya naman excited si Mia na kumain ng matikman ang niluto nito sa kanya. Excited na siyang bumaba ng bigla nalang siyang mapaatras ng magulat ng bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto na mag-asawa. “Saan ka pupunta?” tanong agad nito sa kanya ng makita at mapansin ang na lalabas sana siya ng bigla naman siyang pasok sa loob ng kwarto. Naangat na naman ang takot na kangina ay nawala na. Subalit ng biglang pasok ng dumating ang kanyang asawa na hinarangan ang kanyang daraanan. Wala siyang nagawa kundi ang mapaatras mula sa galit na mukha na ngayon nakaharap sa kanya. Nakatayo si Alfie at nakaharang sa pintuan ng muli itong sumigaw ng magsalita ng hindi naman siya nasagot mula ng tanungin kung saan siya pupunta, kung bakit siya lalabas ng kwarto mula ng maiwanan siya nito. “Bingi ka ba? Huh?" gilalas na sinigaw, singhalan siya ng dahil sa pananahimik na ginawa ni Mia. “Hindi ka ba sasagot? Huh, Hindi ba at tinatanong ko kung saan ka pupunta? Wala ka bang dila at ayaw mong magsalita?” Galit na may kalakasan ang boses ng magsalita muli. Masasama ang mga tingin ni Alfie sa kanyang asawa na kinatakot ni Mia at muli napaatras. Kinahugot ni Mia ng malalalim na hininga na napaurong maging dila at hindi pa rin makasagot mula sa galit na naman na asawa na ngayon may matatalim pa ring tingin. Napabuntong hininga muli siya at sunod-sunod. Habang iniisip na sana huwag siyang masaktan muli mula sa papalapit ng asawa. “Hindi ka ba sasagot talaga?" aniya na nalapitan na siya. Isinarado pa nito ang pinto at nilock iyon. Bago pa man lumakad ng lumapit ito sa kanya. “Gusto mo ba talagang nagagalit ako at masaktan ka?” Sambit na sinabi habang galit na may pananakot na naiwika ni Alfie na akmang hahablutin sana siyang muli sa damit. Sa takot napaatras muli siya bago pa man siyang mahawakan ni Alfie. “Hindi ka ba talaga sasagot?” anito muli ng may malalakas na tinig ang pumalibot sa buong kwatro nila. Malalakas na boses sa pagtatanong ng paulit-ulit ni Alfie ang bumabalong at pumalibot sa kwarto. Takot na takot na siya ng mahawakan na rin siya sa wakas at duon tumulo ang luha niya. “Hindi ka talaga sasagot? Gusto mo talaga masaktan?” nang iaangat na sana ang isang kamay upang saktan siya ng hindi na rin nakatiis at sumagot na siya. Nanginginig ang boses, umiiyak na naisagot. “Kakain lang ako sa baba. Nagugutom ako.” garalgal ang boses na may takot niyang naibulalas sa sobrang lakas at sunod-sunod na dumadagundong ang kanyang dibdib. Kabang-kaba na siya, takot na takot, na natatakot na baka mamaya ay talagang saktan siyang muli ni Alfie. Maging malumanay na ang boses nito ng magbaba ito ng kanyang boses matapos siyang sumagot. “Marunong ka naman pala sumagot. Kung bakit kailangan pa kitang sigawan para lang sumagot sa tinatandaan ko. Pinatagal mo pa, kinailangan ko pang magalit bago ka pa sumagot.” Anitong sambit muli na nasabi ni Alfie na siyang dahilan para bahagya na makahinga at bigla rin na napahinto ito mula sa p*******t sa kanya. Maging ang damit na nahawakan nito ay pinakawalan. Salamat po! aniya na bulong at maging kaba ay bumagal sa ginawang yon ni Alfie. “Nagugutom ka?" tanong nito tumango siya. “Sige, diyan ka lang, huwag ka ng lumabas at ako na kukuha ng makakain mo sa baba. Mahiga ka nalang muna habang bumababa ako para maikuha ka ng kakainin mo.” anitong sambit ni Alfie na may halong lambing na ito. Maliban sa bumaba ang boses at humina. May halong lambing na ito na inalalayan pa siyang makahiga mula sa kama. Matapos na matulungan siyang makahiga. Natalikod na rin si Alfie upang lumabas at bumaba sa kusina. Subalit ng makaalis si Alfie, bumangon siya at naupo sa gilid ng kama, kasabay nun ng marinig niya ang paglapat ng pinto ng maisara ng asawa niya. Salamat, umalis rin. Grabe, kinabahan ako roon. Buti nalang... Naibulong niya habang nakatitig pa rin sa nakarang pintuan. --------------+++++++++++++++------------- MANANG NORMA POV'S Ano bang si Mia, bakit pumapayag siyang nasasaktan ng kanyang asawa? Bakit siya napayag na nahihirapan siya ng ganoon at natitiis ang mga p*******t sa kanya ni Alfie. Paano bang gagawin ko sa kanya na ayaw naman niyang makinig. Ayaw niya rin lumaban sa mga p*******t sa kanya ni Alfie. Ano bang gagawin ko kay Mia? nawiwika nagsasalita mag-isa habang naghihiwa ng mga panahog niya para sa menudo na gagawin nito. Tulad nalang ngayon. Grabe na ang nagawang 'yon ni Alfie. Hindi na tama, maging mukha ni Mia halos sirain ni Alfie. Halos pasuin niyang mabuti ang mukha ng kanyang asawa at halos walang awa na pambubugbog nito kay Mia. Paano ba gagawin ko sa kanilang dalawa? aniya muli habang naghahalo ng mga sangkap na kanyang tinalbog mul sa kawali kung saan naggigisa na siya ng bawang, sibuyas at kamatis para mas sumarap ang kanyang niluluto at mas lumasa maliban sa tomato sauce na dapat gagamitin at tomato paste na siyang inihahalo na mas nagbibigay ng kulay at bahagyang lapot sa kanyang menudo. Nalimutan niya pa ang nilagang itlog na paborito ni Mia na kasalo sa menudo na paborito ng kanyang alaga. Habang naghahalo ng niluluto. Bigla naman tumunog ang cellphone. “Okay naman, si Mia. Andun sa kwarto niya. Nagpapahinga, pinagpahinga ko muna napagod sa pagtulong sakin sa paglilinis ng bahay. “Ganon ba, mabuti naman at natututo na rin, si Mia. Basta ikaw na bahala sa kanya, Norma. Ikaw ng bahala na tumingin sa kanya." “Huwag kayong mag-alala. Maayos si Mia at hindi ako papayag na may mangyari sa kanyang masama. Lagi rin kayo mag-ingat at ako na magsasabi sa kanya na tumawag kayo." sagot na tugon niya mula sa mga magulang ni Mia na madalas na tumawag para kamusta lang si Mia. “Salamat, Norma. Sige na at mukhang may ginagawa ka pa. Pasensya na sa istorbo at ikaw pang madalas namin tawagan kung kamusta na ba ang anak namin na si Mia." “Wala 'yon. Nagluluto ako ng paborito ni Mia. Menudo na may itlog sa ibabaw." aniya na sagot na tugon sa mag-asawa na dati niyang amo. Natapos ang tawag sa kanya. Natapos rin ang nilulutong menudo. Iginayak na niya ito mula sa mga lalagyan na dadalhin niya sa taas upang makain ni Mia. Subalit bago pa man niya mabitbit nagulat nalang siya na nandoon na pala si Alfie sa loob ng kusina, kasama niya. Kaya't napatigil siya ng malingunan ito. --------------++++++++++++++--------------- ALFIE POV’S Haist! napasinghap siya ng makita ang kanyang ginawa sa asawa. Ang bilis ng bawat palo ng pulse niya. Habang nakikita si Mia na umiiyak sa ibabaw ng kama walang suot na damit ng mahubaran niya ng sapilitan na angkinin matapos na hindi mapigil ang nararamdaman na galit mula sa dami ng mga gumagambala sa kanyang isip. Napakarami ang gumugulo sa isip niya isama pa ang matinding paninibugho na nararamdaman sa tuwing makikita ang kanyang asawa. Hindi niya makontrol ang sarili kaya naman madalas nadadala siya ng emosyon at matinding selos at sa huli si Mia. Kaya sa tuwing matatapos siya sa asawa at makita ang nagawa. Umaalis siya upang makapag-isip at marelease ang matinding galit at paninibugho na siyang kumokontrol sa kanya na masaktan ang asawa at para na rin maiwasan ang masaktan muli ang asawa. Aalis siya para makahinga muna at saka babalikan si Mia kung pakiramdam niya nasa ayos na ang pag-iisip niya. Tulad ngayon na mabalikan ang asawa at makita na papalabas ng kwarto. Napansin agad niya ang maayos na itsura at umakyat na naman ang selos at pagdududa na nararamdaman na baka magawa na siyang iwan ni Mia na madalas na kinakatakutan. Takot siyang maiwan ni Mia kaya naman kanyang pilit na kinulong ang asawa na baka sa mga p*******t niya bigla nalang siyang maiwan nito at hindi na makita pa. Kaya sa pagkakataon na muli na mabalikan ang asawa at makita. Dinala na naman siya ng galit at nasigawan si Mia na kamuntikan niya muli masaktan. Subalit ng masambit ni Mia na kakain lang ito. Nakahinga siya at nakapagbaba ng boses at naging malumanay sa asawa. Umalis siya ng kwarto nila at lumabas para siya nalang ang kumuha ng makakain ni Mia. Tumungo siya ng kusina at doon naabutan niya si Manang Norma na naghahanda ng makakain na panigurado niya para kay Mia. “Manang Norma!" tawag niya rito na kinabigla. “Sorry po, nagulat ko kayo." sambit na may galang niya ng makitang nagulat si Manang Norma. Wala ng bahid ng kahit ano sa kanya at balik na siya sa normal na tulad ng dati. Kaya sa pagharap kay Manang Norma ibang siya na muli ito ang siya na nuon ay unang nakilala nito ng maikasal kay Mia na alaga nito. “Ano pong niluluto niyo?” tanong na muli niya sa gulat na gulat na mayordoma. Napatikhim sa kaba si Manang Norma bago pa nakapagsalita. “Ahh, ito ba? Menudo. Nagluto ako, gusto mo ba?" aniya na sagot na kinakabahan pa at nanginginig ang mga kamay. “Mukhang masarap, amoy pa lang po!" aniya na masaya na biniro si Manang Norma na may ngiti at pananabik na matikman ang niluto ng kanilang mayordoma. “Oo, sinarapan ko ng makakain kayo ni Mia. Paborito niya ito, nilagyan ko ng nilagang itlog." “Sige po, Manang Norma. Pasuyo po ako. Nasasabik akong tikman 'yang nailuto nigong menudo.” Sagot niya na masayang lumalapit pa, para lang tingnan ang nihahandang makakain ng kanilang mayordoma. “Nasaan pala, si Mia?" tanong nito sa kanya. “Bakit hindi mo? Sana sinama mo ng makakain rin siya. Paborito pa naman niya itong menudo na may nilagang itlog.” muli na naisambit at aniya ni Manang sa kanya. “Oo nga po, kaya lang nasa taas pa po." Anita na naitugon mula sa mga tanong ni Manang Norma. “Iniwan ko sa kwarto." aniya niyang muli rito. “Paki sandok nalang din po siya at sa kwarto nalang kami kakain na dalawa. Para sabay na po kami.” Siyang magalang niyang sagot na naiutos ng maupo muna siya sa isang silya sa tapat ni Manang Norma. Nararamdaman niya habang naroroon siya sa tabi ni Manang Norma ang tense nito mula ng dumating siya sa kusina. Madalas na kabado ito sa tuwing lalapitan niya at malambing na mag-uutos matapos ang madalas na p*******t sa asawa. Pakiramdam niya na may alam si Manang Norma na takot lang ito na magtanong o kausapin siya. Subalit hindi rin naman siya nagtatanong sa mga nakikita sa tuwing ganito na magkaharap sila. “Ganoon ba?” Tumango siya ng mapasulyap ito sa kanya. “Opoh!" sagot niya rito. Nakangiti naman si Manang Norma ang mabaling na ito sa kanya habang hawak ang inayos at ginayak na makakain nila ng kanyang asawa. “Oh siya! Sige at dalhin mo na ito, tiyak na baka nagugutom na rin si Mia, maganda nga yan at sabay na kayong kumain na dalawa. Masarap ang kumain ng may kasabay. Saka masarap ang pagkakaluto ko sa menudo at tiyak na mapaparami ng kain si Mia, kaya’t daragdagan ko na ang lagay sa bowl ng may extra kayong mag-asawa.” Dumadaldal na wika nito sa kanya habang panay pa ang pamumuri sa sariling luto nito. Sa isang banda ay tama naman si Manang Norma ng dahil sa masasarap talaga ang mga lutong pagkain nito na madalas na mapakain sila ng marami ni Mia. Ang madalas na magbuklod sa kanilang mag-asawa sa tuwing magkakasabay kumain na si Manang Norma ang siyang naghahanda sa kanila. Kinuha na niya ang tray kung saan nailapag na ni Manang Norma ang mga dadalhin niya papunta sa taas na kakainin nilang mag-asawa. Dala ang tray umakyat na siya upang makakain sila ni Mia. ---------------++++++++++++++-------------- MIA’S POV’S Kangina pa hindi mawala ang kaba na nararamdaman ko. Ang pag-iisip na sana hindi mapansin ni Alfie na may alam si Manang Norma sa mga nangyayari na p*******t niya sa akin. Kinabahan rin ako na baka hindi na rin mapigilan ni Manang Norma ang hindi ungkatin at diretsahan niyang kausapin si Alfie tungkol sa mga pasa at sugat na madalas nitong makita sa bawat p*******t na nakukuha ko sa tuwing aatakihin si Alfie ng pagkawala sa kanyang sarili. Sana nga lang, hindi banggitin ni Manang Norma na nakita niya ang mga sugat at galos ko ulit. Sana nga hindi talaga banggitin ni Manang Norma ang tungkol sa pambubugbog sa akin muli ni Alfie. Sana nga lang, dahil ayaw kong madamay pa siya sa lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon mula sa asawa ko. Ayoko na maging siya madamay at mabuti na manatili lang na lihim ang lahat at hindi na makalabas sa kahit sino. Hanggang makakaya, titiisin ko muna. Dahil sa hindi naman sa lahat ng oras ay ganoon si Alfie na nawawala sa kanyang sarili. May mga oras lang talaga na hanggang ngayon malabo pa sa akin kung bakit sa tuwing mabanggit ko ang paglabas sa bahay o kaya ay may matatanong ako na hindi nito gusto duon lang naman nag-uumpisa lahat. Subalit kung mauwi na lasing ito, minsan nawawala siya sa sarili lalo na tuwing masyado siyang nalulong sa alak at hindi na makontak pa ang sarili. Subalit minsan naman naiisip ko kung ano ang nangyari sa kanya ng dahil sa napakalaki ng kanyang ipinagbago. Hindi naman talaga siya ganoon nuon. Napakabait ni Alfie at napakasweet nito sa akin at kahit kelan hindi ko naisip o pumasok sa isip ko na aabot sa ganito ang pagsasama namin at masasaktan ako. Kaya nga minahal ko siya at mabilis na sinagot ng tuluyan na ako makasiguro sa nararamdaman ko para sa kanya at nang masiguro ko na siya na nga talaga ang lalakeng nais kong makasama sa pagtanda. Nang nagpropose siya agad rin akong napapayag na tanggapin siya bilang aking makakasama sa buhay tulad ng nais niya at mga pinaplano na para sa aming dalawa. Lahat ng yon, lahat ng mga binuo niya para sa amin pinanghawakan ko kaya naman pumayag ako na matapos ang ilang buwan naming relasyon ay nakasal kami at nagsama. Nangako sa bawat isa na magsasama kaming dalawa ng masaya at nagmamahalan hanggang sa aming pagtanda. Subalit, nagkamali ba ako? Nagkamali ba ako na pinasok ko ito at napapayag sa mga pangako nito? minsan napapasok sa isip ko. Mga tanong na hanggang ngayon pilit kong niwawaksi at inaalis. Ngunit minsan napapaisip ako sa mga nakikita ko. Minsan naiisip na baka nga nagkamali ako sa pagmamadali na maipasok at madala siya sa buhay ko upang maging bahagi nito. Kaya naman minsan hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Magulo, sobrang naguguluhan pero pilit na natatalo ng sinisigaw ng puso ko para sa lalakeng minahal at tinanggap ko ng buo. Muli na naman ako kinabahan ng bumukas na yung pinto matapos pumihit yung seradura. Si Alfie, natitiyak ko na siya at nakabalik na mula sa pagkuha ng pagkain sa kusina. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot saka tumagilid banda sa may lamesita upang hindi niya mahalata na gising pa rin ako na nag-aantay sa kanya. Nararamdaman ko na naglalakad na siya papalapit sa kama at dala ang menudo na iniluto ni Manang Norma. Naaamoy ko kasi iyon at dumaragdag sa gutom na nararamdaman ko. Kumulo tuloy muli yung tiyan ko na matunog at sunod-sunod. “Tumayo ka na muna riyan." utos nito naramdaman ko ang paglapag nito sa bitbit niyang tray. “Kumain na tayo.” Narinig ko muli na sinabi nito ng muli ay inalok ako at inayang bumangon Hindi ko agad napansin na nasa tabi ko na pala agad ito at nakaupo sa gilid ng kama ng hindi ko naramdaman ang paggalaw. Inilapag niya yung tray na may lamang pagkain sa kama. Amoy na amoy ko ang masarap na menudo na niluto ni Manang Norma. “Bumangon ka na, kumain na tayo." anito na muling yaya na malambing na sabi at inalalayan pa ako na makabangon. Kaya naman sa pagbangon ko, agad na nakita ko ang menudo na may itlog na niluto ni Manang Norma para sa akin. Mukhang masarap ang tingin ko agad ng makita yon. “Kumain na tayo." anito muli na may ngiti na sa mukha ni Alfie. Nakahinga ako ng makita siyang ganon na nakangiti at nanumbalik na sa dati. “Parang masarap?” sabi ko na nakatingin na ngumiti rin sa kanya. Kahit nararamdaman ko pa rin ang takot at matinding kaba sa tuwing maghaharap kami ng ganito. Pinalis ko muna iyon, nang makakain kami ng mabuti at maenjoy ang masarap na menudo na dala nito. “Oo, mukha ngang masarap!" sagot nito. “Nang mababa ako kangina naaamoy ko agad ang halimuyak ng masarap na menudo na luto ni Manang Norma. Kaya nga ng makarating ako ng kusina, naisip ko agad na mukhang masarap nga ito at panibago na magugustuhan mo.” Sagot ni Alfie na nawika ng nakangiti. Sa itsura ni Alfie ngayon mukhang nasa maayos na mood na siya at hindi na galit. Kaya naman masaya ako habang nakatingin sa mukha nito na nakatitig rin sa mukha ko. Mas gusto ko kapag ganito lang siya at walang galit na namumuo sa kanya. Hindi mainit ang ulo na nasa normal mode lang siya. Maayos kausap, malambing at may pagkasweet ring kausap. Hindi yung sumisigaw na takot agad ang unang pumapaibabaw at nararamdaman ko. “Kain na tayo.” Aya ko sa kanya muli na ngumiti sa kanya at gayon rin ito. Inumpisahan ko na sumubo ng mauna na akong kumutsara at mabilis na isinubo sa aking bibig. “Masarap, halika tikman mo rin.” Sambit ko na may saya na kumutsara muli at sa kanya isinubo. Ayaw pang magbuka ng bibig na sabay kaming natawa. “Buka mo na bibig mo!" aniya na may pamimilit na sinabi ko rito. “Dali, tikman mo. Masarap nga yung adobo." muli ay namilit ako na maibuka nito ang saradong bibig. “Alfie, ibuka mo na, masarap nga. Para naman matikman mo.” Aniya ko muli ng iniutos sa kanya. Subalit parang nakikipagpilitan ito ng ayaw ibuka at mas lalo lang isinara ang tikom na tikom niyang bibig. “Nakakainis ka!" aniya ko kunwari nagtampo ng isubo ko yung laman ng kutsara na dapat isusubo ko sa kanya. “Joke lang!" anito na niyakap ako. Ibinukaka na niya ng malaki ang bibig upang masubuan ko. “Ano?" aniya ko nag-aantay sa sagot nito. “Di ‘ba masarap at tama ako?” Aniya ko muli na naitanong sa kanya na tumango naman ito. Masaya ako na nagastos niya ang niluto ni Manang Norma. “Sabi ko na sayo. Masarap nga di ba?.” Muli na sambit na hindi na naisip pa ang mga nangyari na p*******t nito kangina. Pinalis ko muna iyon upang maenjoy ang mga oras na maaari kami muli maging masaya. “Oo nga, wala pa ring kupas si Manang Norma pagdating sa pagluluto. Masasarap pa rin talaga mga luto niya.” nakangiti siya na malambing na pagkakasabi. Nakagat ko pa pang-ibaba kong labi habang nakatingin at pinanunuod siyang kumain. Yung ganitong itsura na ang nakapagpapabilis ng t***k ng puso ko kung bakit mas narealize ko sa sarili ko na siya na nga ang lalakeng mamahalin ko habang tumatanda. “Bakit?" aniya niya naitanong. “Wala, masaya lang ako makita na masaya ka rin habang kasama ko kumakain." sagot na natugon na tama naman. Dahil kung maaari lang sana na ganito nalang siya kesa sa mga sandali na nababago siya at halos di ko na makilala pa. “I love you, masaya akong makita kang ganyang kasaya kumain." sambit na sabi ko na pinunasan ang butil ng kanin na dumikit sa kanyang gilid ng labi. Nakahinga na rin ako ng maluwag nang tugunin niya ito ng nakangiti. “I love you, Mia. Mahal na mahal kita." ayos na rin sa'kin kahit hindi siya magsorry mula sa ginawang p*******t kangina. Panatag na rin ako at nawala na ang malalakas na kaba ko habang tinitingnan siya at pinanunuod pa rin na masayang kumakain ng sinusubuan rin ako at panay rin ang pagbuka ko ng bibig. “Masarap noh!" aniya ko muli at nakangiti siyang tumango. “Hindi mo naman ako iiwan di ba?" nang bigla nalang nito matanong na kinagulat ko. “Bakit ko naman gagawin? Mahal nga kita di ba? Kaya bakit naman kita iiwan sa gitna ng pagmamahal ko sayo. Mahal kita, Alfie. Mahal na mahal kita." wika na may mas maluwang na pagkakangiti. Sinundan pa ng kinalalim niya na paghinga na siyang kinatawa ko ng mahirinan na siya at siyang mabilis kong abot ng tubig na sinalin ko sa baso na ibinigay ko. “Sorry!" aniya ko sambit ng dahil sa pagtawa ko. Nginitian naman niya ako matapos makainom ng tubig sa baso. “Dahan-dahan lang kasi." aniya muli ng paalalahanan ko siya. Habang muli na nainom ng tubig hindi na nawala ang mga mata ko sa kanya habang maraham kong tinapik ang kanyang likod. Nakangiti lang ako at hindi na muli nakaramdam ng kaba mula sa maayos na aming pagsasama ngayong oras na ito. Masaya ako na tulad ng dati ganitong-ganito siya ng maalala ko kung papaano kami nagsimula at bakit kami umabot sa isa masayang panimula na pagsasama. Inalis ko na ang takot at nagpadala ako sa mga masasayang oras na ito na nararamdaman ko ang Alfie na kalaking minahal ko at pinangakuan na mamahalin ko habang buhay. Ang lalakeng nais ko makasama hanggang pagtanda at sa kamatayan. “Mahal kita!" muli na naisambit ko masayang-masaya. Sana ganito nalang siya at hindi na magbalik sa Alfie na kinatakutan ko. “Mahal kita!" sabi ko pang muli at ngumiti ng puno ng saya. “Mahal rin kita, Mia." ang tugon nito ng mayakap ko pa siya ng mahigpit na kinabuwal naming dalawa at mapahiga sa kama at sabay na sabay na tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD