FLASH BACK
Sa buhay ang sabi nila ganito nalang, ganyan nalang, maraming pwede pang mapagdadaanan bago mo raw makita ang tamang lalake na para sayo. Pero ako, iisa ang pinaniniwalaan ako. Kung talagang siya na, siya na nga lalo kung same spark yung maramdaman niyo sa isa't-isa. Siguro nga na kayo na. Saka hindi naman nasusukat minsan sa tagal at sa dami ng pinagsamahan para masabi mo raw na kayo na talaga. Siya na talaga at wala na nang iba pang darating ng dahil sa kanya pa lang nakita at naramdaman mo na yung bagay na hindi mo makikita at mararamdaman sa iba dahil sa kanya lang talaga.
Sinasabi talaga ng marami baliw raw ako, pihikan at masyado maarte, conservative pagdating sa mga lalakeng nanliligaw at dumadating sakin. Masyado raw akong mapili na baka mamaya kakapili ko. Wala ng lalake ang matira para sa'kin ng dahil sa pilit ko nilalayuan kaya tinataboy ko raw. . Nakakaloko rin minsan sila, grabe kung husgahan ako at pag-isipan. Sa may hinahanap lang naman ako na hindi ko makita sa mga lalakeng tinutukoy nila. At ang pinakaaayaw ko talaga yung tulad ng ganito.
Sa tuwing may gathering ako ang puno ng usapan na pinakaaayaw ko ng dahil sa nakakasawa nalang ang kanila akong pagkumpulan para lang sa mga katanungan na wala naman silang kasawaan na narinig ang paulit-ulit ko lang na sagot sa kanila.
“Hi!" sambit na nalingon ako.
Nginitian ko “Hi, maupo ka!" alok ko rito at naupo nga sa tabi ko.
“Kamusta?"
“Mabuti naman." sagot ko tugon rito na may ngiti at hindi inalis ang pagkakangiti para hindi mahalata ang pagiging plastic.
Haist! Bakit ba kailangan pa siyang naririto? Pwede naman hindi nalang sana siya tumungo at hindi naman siya important person para lang umatend sa isang party na tulad na 'toh. Sino ba kasi nag-imbita sa kanya? Nakakainis, bakit pinapunta pa itong mukhang talangka na 'toh.
Tumikhim ako. “I am sorry." sambit na sabi ko rito sa biglang pagkasamid ko ng dahil sa nasambit na talangka itong katabi ko ngayon.
“Still single?"
“Yeah, but I am happy being single. I don't need a guy to fully fulfill my happiness as a single woman." confident na sinabi ko tugon sa tanong niyang walang kwenta.
Kala siguro maiinis niya ako mula sa tanong niyang walang dating para sa'kin. Dahil hindi mo naman kinahihiya na single pa rin ako mula sa edad ko ngayon.
“How about you? single or, perhaps more accurately, a private relationship for someone who has nothing to say because it is private." nginitian ko siya ng may malapad na pagkakangiti habang nag-iba agad ang mukha nito.
“Oh, sorry, I didn't mean to. Did I say something wrong?" muli na bulalas na nginitian pa rin siya.
Kala niya siguro papatalo ako, sorry dahil nagkamali siya na hindi ako nagpapatalo sa mga gaya niya lang na talangka na walang ginawa kung hindi ang humanap ng gulo at ikakagulo.
“Wala ka pa rin talaga ipinagbago, Mia. Bastos pa rin ang bibig mo."
“Paano naging bastos? May mali ba sa sinabi ko? Wala naman di ba? Or maybe baka naman tumama lang sa tunay na itinatago mo?" aniya ko na mas kinasimangot at mukhang inis na siya.
Ako pa kasi uumpisahan niya. Hindi niya alam na mas marami akong alam sa kanya kesa sa alam niya sakin. “Sabagay, sabi nga nila if wala kang tinatago. Hindi ka naman tatamaan sa sasabihin at sinasabi ng iba. Tama, di ba?" sambit na bulalas ko muli sa kanya ng tumayo na rin ito.
“Ang sama talaga ng ugali mo. Ewan ko sayo, Mia." sambit na galit at sa wakas umalis na rin ito.
Buti naman. Umalis na ang talangka. sambit ng makahinga na rin ako. Sa wakas at wala ng talangka na maasar subalit maya-maya may pumalit na naman na isa.
“Hi!" aniya na sabi. “Pwede maupo?" tanong na nabulalas nito na nakatingin mula sa bakanteng upuan kung saan umalis ng maupo ang talangka kangina.
“Sure, maupo ka." sagot na tugon ko sa isang butete naman.
Butete ng dahil sa lapad ng katawan na halos buto nalang. Subalit kahit ganito ang katawan niya magaling ang isang ito kumpara sa talangka kangina. Kahit saan kasi makikita itong botete na ngayon katabi ko.
Ano ba naman 'tong party na ito. Bakit mag-iimbita lang palpak pa. Kangina talangka, ngayon naman butete naman ang dumating.
“Kamusta ka na?"
“Mabuti lang, ikaw kamusta?" plastic na pagkakasabi ko.
Kailangan ko pang makipagplastikan para lang sa mga bisita ng may party. Hindi ba niya alam na mabigat sakin ito ang pakiharapan ang mga bisita niyang sarap sana ipagtabuyan ng dahil naiinis lang ako.
“Okay lang din! I am getting married soon. You're one I invited. Punta ka ahh!" aniya na confident na naisambit. “Ikaw, kelan ka ba? Single or in relationships na ba?" anito na may tudyo sa pagsasalita.
Isa pa talaga ito, kala siguro maiinggit ako mula sa balitang ikakasal na siya.
“Congrats!" anito na sambit. Tugon ko sa sinabing pagpapakasal niya raw. “Single, but I am happy being single. I don't need a guy to fully fulfill my happiness as a single woman." sagot ko rin rito gaya ng sagot ko sa talangka kangina.
“But, alam ba ng pakakasalan mo na single parent ka? Nabanggit mo ba ang tungkol sa anak mo? And specially ang tungkol sa nauna mong asawa?" kinasinghap ko after mahugot ang lakas ng loob na masambit sa kanya yon.
Jusko, Mia. Saan ka ba nakakakuha ng lakas ng loob na masambit yan sa harap ng butete na katabi mo?
Wala lang, kala kasi nito maiinggit ako. Sakali na kasal na siya bago pa magpakasal muli ngayon. Masaklap may anak siyang tinatago-tago sa marami na hindi rin alam ng marami.
“Grabe ka naman, Mia. Kailangan bang sambitin mo 'yan rito?" galit na sabi nito at tumayo na rin. “Baguhin mo ugali mo, Mia. Paano ka makakahanap ng lalake na ganyan ugali mo. But, marerealize mo nalang din naman yan oras na makita at makilala mo na ang lalakeng kababaliwan mo rin. Huwag sana bumalik sayo lahat." aniya nito bago umalis at magpaalala pa muna ng dahil sa mga sinabi ko rito.
Hindi naman ako natatakot ng dahil sa pagbabanta rin nito bago pa man bitiwan ang huling sambit bago siya nakaalis. Natawa nalang ako at nakahinga ng mawala na rin ito sa mga mata ko.
Salamat wala na rin ulit istorbo. Nakahinga pa ng malalim habang nag-eenjoy na mag-isa rito.
“Hi!" nang muli mapalingon ako.
Bwisit isang linta naman ang dumating. Ang swerte naman ng pwesto ko at bakit lapitin ako ng mga alagad ni Santana's.
“Hi!" tugon na sambit ko ng nginitian rin siya.
“Pwede maupo?"
“Sige lang, maupo ka lang." sagot na muli kong tugon.
Kala ko naman makakahinga na ako. Hindi pa pala.
“Kamusta?"
“Ayos lang, pero kung itatanong mo rin kung single ako. Yeah, but I am happy being single. I don't need a guy to fully fulfill my happiness as a single woman." direct na sinabi ko na at inunahan ko na siya.
Nakakapagod na marinig ang tanungin ka, single?
Nakakapagod na rin ang sumagot na kanila. Kaya inunahan ko na, siyang kinatawa nito.
“Ayos, marunong ka na rin pala magbasa ngayon ng isip ng iba. O dahil sanay ka na, yon ang madalas na matanong sayo ng mga nakakausap mo?"
“Yeah, pagod na rin kasi ako at masyado na rin kasi nakakasawa. Umay na nga ako dahil kung itatanong mo rin yon. Pangatlo ka na mula maupo ka riyan sa silya yan." sambit ko na pinakikita na naiinis na rin ako sa walang tigil na kakatanong kung single pa rin ba ako tapos yayabangan ako na keso sila ganito, ganyan, masaya sa mga karelasyon nila. Pakialam ko ba, basta ako enjoy pa naman sa pagiging single ko at yun ang mahalaga.
Tumawa ito, pinagtatawanan ako. “Mas okay na rin ang single kesa ang pumatol sa kung sino-sino. Magpagamit sa kahit sino nalang at halos wala na pagmamahal at paggalang bilang babae ng dahil sa dami ng lalakeng nakakagamit at kung sino-sino ng di man lang pinipili. Tama ba ako? Saan ka ron? Sa single na iniisip muna mabuti at pinangangalagaan ang sarili o dun sa marami 'ngang jowa pero di naman kinikilatis. Masabi lang meron, pero ang masaklap ginagamit lang pala. What else, may iba pa dian nakikitikim nalang, kasi nga walang makuhang disenteng lalake at nakikisawsaw sa mga may sarili ng obligations kahit alam ng makakasira siya ng isang pamilya. Pero baliwala lang basta siya nasasabi na mayroon at hindi nawawalan. Or much better to say. Hindi natitigang?" inismiran ko siya bago ako napangisi habang pinapanuod at pinagmamasdan ang naging kanyang reaksyon mula sa mga sinabi ko.
“Grabe, kahit kelan ang tabil ng dila mo. Mia, hopefully sana makahanap ka ng tamang lalake na tinutukoy mo ng hindi ka magaya mula sa mga sinasabi mo. Masyado kang mapanghusga ng hindi mo naman nararanasan ang mga nararanasan ng iba. Although hindi ka nga naman pala nakaranas pang magmahal. So, good luck. Sana nga, swertihin ka sa mga lalakeng dadaan sayo. Good bye!" she said at tumalikod na rin ito.
Napikon rin ang Gaga hahaha. tama rin naman ako ng sa isa rin siya sa mga nabanggit ko. Hanapin nalang niya saan siya roon. hahaha. Para na tuloy akong baliw na tumatawa mag-isa. hehehehe
Nang may lumapit na naman. Isang bangus na malansa. “Pwede maupo?"
“Maupo ka, paalis na rin naman ako." sabi ko na naitugon ng tumayo na rin ako.
Unahan ko na at baka mas marami pang sumunod at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Bwisit talaga may party na 'toh! Bakit ang usapan. Hindi tumupad. Nag-invite pa ng mga walang kwenta na bisita.
“Aalis ka na? Bakit?"
“Wala, medyo nastress ako. Magpapahinga lang ako banda roon. Hahanap ng makakain. Gusto mo ba?" alok ko na may plastic na ngiti.
Bangus na 'toh! Nginitian rin ako ng pagkaplastic. “No thanks, diet ako. Baka kasi hindi kumasya yung gown ko para sa susunod na linggo. May special occasion akong dadaluhan. Alam mo na, ipakikilala lang naman ako sa pamilya ng jowa kong pagkayaman. So, ikaw. Bakit rinig ko atang wala kang jowa pa rin?" sagot na naitugon rin nito na may pang-iinsulto at talagang inaasar ako.
“Sorry, pero mas gusto ko na ang maging single, but I am happy being single. I don't need a guy to fully fulfill my happiness as a single woman. Second, hindi ako golddigger para pumatol sa mayayaman. Specially, marunong pa naman akong galangin ang aking sarili. Although kahit papaano naman may yaman ang pamilya na mga umampon sakin. So, no need. Hindi naman ako ambisyosang babae na nag-iisip na magjowa ng kung sino-sino at pumatol sa mga mayayamang kung sino-sino. Bakit, ang yaman na sinasabi mo. Mamahalin ka habang buhay? Importante sa isang relationship yung Mahal niyo ang isa't-isa kahit walang yaman na ibabandera sa iba. Masabi lang na mayaman ang jowa ko, mayaman mapapangasawa ko, sa mayaman ako nakasal. Pero sa huli, maghiwalaye rin naman. Kasi kapwa kayo naggagamitan lang or maybe much better to say na magkakasawaan rin kayo dahil sa pera lang ang puno at dulo bakit kayo nagsamang dalawa." mapaklang pagkakawika ng may dignity na mas pinaibabaw ko sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya.
Important pa rin ang dignity kesa sa sinasabi niyang yaman mula sa jowa niyang mayaman. Nasaan ang dignity niya kung papagamit lang naman din siya para sa pera. Bwisit talaga! Malapit na ako mapaaway nito kung di pa ako aalis at iiwas sa mga gaya nitong kausap ko.
“Bakit aalis ka?"
Sinabi ko na nga aalis ako kangina. Nagtanong pa. “ Sorry, wala kasi akong balak makipagplastikan sa mga tulad mo. Sige diyan ka na." aniya ko sa bangus na kausap ko.
Mabilis na akong lumakad palayo sa kanya bago pa siya magsisigaw roon. Galit na galit ang Gaga bahala siya! hahaha Basta ako aalis na at ayoko atang mapaaway sa party na di naman para sa'kin.
Mahirap mag eskandalo ng ganitong sabit lang din ako hahaha.
Lakad na tinakbo ko ang isang groupo ng girl group. Mga close ko naman din sila kaya okay lang na dun ako makisama.
“Hi! Pwede bang rito muna ako?" tanong ko agad ng makalapit na ako sa kanila.
“Sure, maupo ka." sagot na naitugon nila.
“Mukhang may iniiwasan ka?" tanong ng isa nilang kasama.
“Oo, yung bangus galit na galit sa'kin. Hahaha" tapos tumawa ako.
“Ahh, si Claire ba?" tanong ng may ngiti sa mukha at nahulaan niya nga.
“Oo, hahaha" tawa ako ulit.
“Buti naiwasan mo? Mabilis pa sa alas kwatro yon kung gumawa ng eskandalo. Buti nalang." aniya na sambit at tama siya.
Tama sila ng dahil totoo naman yon. Ang pinakamalupet sa lahat ang bangus na yon. Hahaha walang sinasanto basta maipakita na mas sikat siya at nakaaangat sa iba.
“Kaya nga umalis na agad ako. Naku yayabangan na naman kasi ako kaya inunahan ko na. Bwisit, kabit naman hahaha." tawa ko na walang tigil.
“Yaan mo na, inggit lang yon o dahil kasi feel nila much better sila sayo dahil until now dalaga ka pa." sabay nagtawanan rin sila.
“Okay lang naman, maging dalaga hehehe. but I am happy being single. I don't need a guy to fully fulfill my happiness as a single woman." muli ko na naman naulit ang salitang sinabi ko sa mga ungas na baliw na nakausap ko kangina.
“Sabagay, tama ka naman." sambit natugon ng ayunan ang sinabi ko.
“Pero, alam mo Mia maganda ka naman pero kung bakit napakapihikan mo pagdating sa mga lalake. Ano bang hanap mo sa lalake at tila halos lahat nalang ng lumapit sayo. Gwapo, mayaman, matikas at maganda ang katawan. But kahit isa wala ka sa kanila nagugustuhan. So what does that mean? Tatanda ka nalang ng dalaga at hindi na mag-asawa?" kinasinghap ko at muli pa akong napabuntong hininga.
Haist, minsan napapagod na talaga ako kakasagot sa mga ganitong tanong.
Mukhang mapagtitripan na naman ako ng mga babaeng 'toh at mga dating kaklase sa pinasukang eskwelahan kong eskwelahan.
Mula ng maupo ako may ilan pang lumapit at naupo. Kakailanganin ko atang makipagplastikan na naman sa ilang dumating pero mas okay na mga ito talaga sa mga kangina na gumambala sakin.
Kaya lang kahit anong palusot ang aking gawin. Hindi sila naniniwala at madalas pa rin akong napapansin at tinatanong ng paulit-ulit tungkol sa mga lalakeng mga nanliligaw na wala akong kahit isa na nagawang sagutin, kahit isa wala akong naging nobyo sa mga lalakeng madalas na sundan at kulitin ako.
Hindi sa mapili o may hinahanap ako sa isang lalake. May gusto lang akong makita at maramdaman. Subalit wala, kahit isa sa kaniy walang akong naramdaman na spark.
Yung spark na madalas kong marinig sa mga movie, drama at mga aklat na nababasa. Sa lahat kasi ng lalake na nanliligaw sa akin. Walang spark akong naramdaman, kaya wala rin akong sinagot sa kanila.
Wala sa kanila ang hinahanap ko sa lalake. Kaya wala naman, kahit isa sa kanilang lahat walang nakakuha sa puso ko. Walang spark, so, useless naman at alam kong di rin tatagal bakit pa ako kukuha sa kanila kung alam kong hindi naman pang long term.
“Bakit?" natanong ng isa na nakatingin pala.
Napasinghap kasi ako at napasandal. “Wala naman."
“So, ano na? Bakit wala kang magustuhan sa marami mong manliligaw?"
Excited talaga malaman? Kahit alam naman nila madalas kong sagot.
Muli na nabuntong hininga ako. “Wala kasi sa kanilang lahat ang hinahanap ko sa isang lalake." sagot ko kipit balikat at natawa mula sa mga reaksyon ng mga mukha nila.
“Really?" aniya ng isa sa kanila.
“Bakit ano bang hinahanap mo sa isang lalake 'aber?" napangisi ako ng marinig ko muli ang tanong na yon.
“Yung spark!" aniya na may siglang taasan na sinabi sa kanila.
“What?" gilalas na sabay-sabay pang naiusal.
“Nagulat talaga?" aniya na natawa. “Spark 'di niyo alam?" aniya at natawa muli sa mga reaksyon ng mga mukha. “Huwag niyong sabihin na walang spark kayong naramdaman sa mga asawa at nobyo niyo ng makilala niyo? Important kasi sa isang relationship 'yung spark niyo sa isa't-isa. Kung walang spark, wala 'rin itatagal yung pagsasama niyo. Hindi ba tama rin naman ako? Kaya nga ang daming magkakasintahan ang naghihiwalay. Kahit sa mga kasal at nagsasama na ng matagal. Hindi ba naghihiwalay pa rin kahit nga may mga anak na rin. Kasi nga wala yung spark. Nasabi lang na Mahal ang isa't-isa ayos na ayun papakasal na pero pagdating ng oras saka marealize na hindi pala sila para sa isa't-isa. Results? Annulment. Sino maaapektuhan? Mga batang anak." aniya ko ng nakatawa.
“Talaga itong si Mia." sambit ng isa.
“Ang corny mo kahit kelan. May spark ka pang nalalaman. Sapakin nalang kaya kita?" sagot ng isa sa kanila na pabiro. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan sila.
“Guys, tingnan niyo." sabay-sabay naman sila napalingon. Maging ako dinala nila at napalingon.
“Sino kaya yon?" itinuro gamit ang nguso. Isang lalakeng naka black leather jacket ang napansin nilang pumasok mula sa party.
Astig! maging ako nasambit ng sabay-sabay sila. “Gwapo, Mia." aniya na biro nila na lahat sila ako ang siyang tinitingnan.
“Eh, ano kung gwapo? Bakit sa'kin kayo napalingon?" aniya na itinugon ko na pabiro.
Gwapo nga! sambit ng hindi maalis ang titig.
Ano kaya ni Lucas? sambit na nausal ng mapansin ang paglapit nito mula sa may ari ng party na 'toh.
Kaibigan, malapit na kaibigan na siyang sabi pili lang lahat ang kanyang iimbitahan. Maya-maya pa sabay-sabay muli nagsilingon ang mga kasama ko. Mula sa likod ng may tumikhim ng dahil sa pagkakagulo ng mga kasama ko. “Gwapo ba?" aniya na tudyo sa akin ang tingin nito.
“Baliw!" aniya ko kay Raul na siyang nang-iinis.
“Ginagawa mo rito?" tanong ko.
Lumapit ito sa amin at tinabihan ako ng may ngiti. “Mia, may spark na ba?" aniya na biro at siniko ako. Hindi pa nakuntento at sabi pang muli. “Namumula ka?"
Nang kinasinghap ko dahil sa sinabi nang mapalingon na naman kami sa mga kasama ko na kinikilig.
“Gwapo ano? s may sa tingin ko mukhang may spark at 'di mo maalis ang tingin mo sa kanya." tudyo na sabi at ngiting-ngiti. “Gusto mong ipakilala kita? Kaibigan ko siya." mayabang na pagkakawika na nasambit.
“Talaga?" sabay-sabay naman na napalingon ang mga babaeng kasama ko na kinikilig mula sa lalakeng tinutukoy ni Raul na kanyang kaibigan.
Tumango si Raul nagsingiti naman ang mga babae.
“Oo naman. Kaibigan ko siya since elementary pa. But then, nagkahiwalay kami ng dahil sa kinailangan kong pumasok sa ibang school ng lumipat kami ng bahay nung nasa middle year na ng school year. But nagkita kaming muli lately sa isang party rin at duon nakilala ko at naalala na siya pala yung kaibigan kong iyakin nuon. I will never forget him. Madalas kasi siyang umiyak nuon, every time na iiwan na siya ng parents niya sa school. Madalas siyang humabol. I guess dahil sa madalas siyang i-bully ng mga schoolmates namin." kwento ni Raul na siyang focus na pinakikinggan ng mga kasama ko na tuwang-tuwa naman rin ang Gago na feeling talaga na siyang pinagkakainteresan ng mga babaeng yon.
Gago, tuwang-tuwa na mapagdikitan ng mga babae. Nang ako naman mapabaling sa lalakeng kanilang pinag-uusapan.
Sa itsura naman mukhang 'di naman siya iyakin. Baka gumagawa lang ng kwento itong si Raul. aniya na naibulalas habang hindi maalis ang curiosity ko sa lalakeng 'yon.
“Alam mo, Mia mukhang mabait 'yung sinasabi ni Raul na friend niya. Gwapo pa at palagay ko mayaman." tudyo na sinabi ni Gemma, kaibigan ko rin. Isa sa mga babaeng kangina pa rin di maalis ang tingin sa lalakeng ngayon kasama ni Lucas.
Masaya itong nakikipag-usap sa mga bisita ni Lucas na mukhang mga kilala rin niya.
“Sa totoo lang, hindi naman mahalaga 'yung itsura. Kung mayaman o hindi. Ang sakin, mahalaga mabait at yung spark nga... 'Di ba kasasabi ko lang." aniya nasabi kong muli habang tinutukso ako at napagtatawanan nitong mga kasama ko.
Napasinghap na nalang ako. Habang ayaw mawala sa isip ko ang mga naikwento ni Raul tungkol sa lalakeng kaibigan. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila malayo sa pwesto namin rito.
Umalis na rin si Raul para lapitan si Lucas at ang kasama nito na sinasabi ni Raul na malapit na kaibigan. Mukhang totoo ng dahil sa nakikita naman na close sila mula sa masasayang ngiti na makikita habang magkakasama at magkakausap sila.
Si Lucas ang may party ngayon. Birthday niya na siyang dahilan bakit naririto ako at naririnig ang mga siraulo na kangina iniinis ako. Maraming bisita si Lucas na buong inakala ko na kami-kami lang na magkakaibigan gaya ng plano na napag-usapan. Subalit nagulat nalang kami na napakaraming tao ang siyang nagsisidatingan, maging ang handa niya napakarami ang bumungad sa amin. Maraming pailaw na palamuti sa party ni Lucas. Maging mga mesa halos mapuno na ang lugar ng garden nila. Yung catering na kinuha ni Lucas para sa party niya grabe sa dami ng handang nakahain sa mahabang lamesa. Samahan pa ng Banda na nirentahan rin nito. Kaya naman tuloy mas naging maingay ng lumabas na ang banda na siyang nirentahan. Maging ang guess speaker niya sa party super sa ingay kangina pa nakakatulig.
Parang di naman dumaan sa isang heart failure marriage. Mukhang masaya na siya at ngayon nakakaharap sa maraming tao. Dati namin kaklase at kaibigan. Subalit ng mahiwalay sa kanyang asawa. Nalayo na rin samin ito. Buti nalang pumunta siya ngayon at mukhang okay na rin ito.
Kaya ako, never talaga ako naniwala sa sinasabing First love never dies.
Bakit nagkahiwalay rin sila? Nagkasawaan matapos ang ilang taon ng magpakasal at magsama.
Kaya ako yung spark talagang hinahanap ko although medyo weird pakinggan. Pero 'yon talaga ang hinahanap ko sa isang lalake. Never naging important sa akin ang salitang mahal. Ang gusto ko yung same feeling yung may spark na sigurado na pangmatagalan. Dahil para sa'kin ang salitang Mahal. Maaari na maexpired at muli mawala sa dalawang tao na saglit lang pala ang nararamdaman. Useless kung kasal agad, tapos walang ending dahil sa hiwalayan rin pala ang dating.
Subalit sa paniniwalang yung spark hanggang nangingibabaw raw sa isang couple, sa isang relasyon. Kahit sa paparating na taon na magkasama kayo. Pwede masabi na may itatagal. Kung same kayong dalawa ng talagang nararamdaman. Parang may isip at utak raw minsan. Siyang nagdidikta at sinusundan kahit walang salitang Mahal kita! habang nagsasama.
“Hi!"
“Hi!" naibulalas sa bigla.
Nagulat rin ako ng biglang may tao na pala sa aking harapan.
Si Lucas kasama ang lalakeng kangina pa sinusundan ng tingin ng mga katabi kong babae na ngayon mga kay iingay ng dahil sa kilig nila mula sa pagdating ni Lucas at nang lalakeng ipinakikilala na niya.
Para akong nilamon ng hiya. Hindi makapaniwala na ngayon naririto ang lalakeng kangina ay tinatanaw ko lang. Sobrang lapit na niya at ilang babae lang ang pagitan ko sa kanila ni Lucas.
Ang lakas ng kaba ko napahawak sa dibdib. Ang bilis, ang bilis-bilis ng t***k na kinatulala ko habang ang mata nakatingin lang sa lalakeng may maluwang na pagkakangiti habang pinakikilala sa mga babaeng nauuna lang sa aking pwesto.
Mia, anong nangyayari sayo? sambit na naitanong habang pinakikinggan ang t***k ng mabilis kong puso.
Ito na ba yon? Ito na ba ang sinasabi nilang spark na nuon ay hindi ko maramdaman sa iba? o baka mali ako dahil baka mali lang itong nararamdaman ko? natatanong maging sarili ko.
Maging paghinga ko ang bibilis at wala sa ayos. Malalakas ang balong at hindi ko makontrol maging ang bagay na nagpapabilis sa puso ko. Basta alam ko lang, mula ito sa lalakeng ngayon malapit na ang pagitan matapos na maipakilala at mapagkaguluhan ng mga babaeng ito. Muli ako napasinghap at pilit na winaksi muna ang nararamdaman baka maayos ko pa at bumalik ako sa dati.