* *Hazel's POV* * "Fafa James!!!!!" tili ni Baks nang mapagbuksan niya ng pinto si James, kaya napangisi sa kanya si James. "Hi Rica," bati ni James kay Baks. "Halika, pasok ka," alok ni Baks kay James at niluwagan niya ang pagbukas ng pinto. "Guys, he's here!" masayang sabi ni Baks nang makalapit sila sa amin. "Hi baby," bati sa akin ni James at umupo siya sa tabi ko. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon. Maya-maya pa ay inabutan ni Baks si James ng isang caa ng beer, at tinanggap naman ito ni James. "Bakit hindi mo kasama si Kevin?" tanong ni Danica kay James. "Well, magkasama kami kaninang umaga sa bagong bahay niya," sagot ni James kay Danica. "So, alam mo pala kung nasaan ang bagong bahay niya?" tanong muli ni Danica. "Yes, of course, dahil F'E'B's Company ko ang kinuha

