* *Hazel's POV* * "Nakakainis," iritableng wika ni Danica kaya napatingin kami sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa condo niya, sa may photography studio room niya, para ayusin ang mga kuhang shoot namin kay Alexa. Isang buwan na mula nang magsimula kaming magtrabaho bilang photographer ni Alexa at si Baks naman ang make-up artist niya. Once a week lang naman ang trabaho namin dito, pero sulit naman dahil malaki magpasuweldo ang manager ni Alexa sa amin. "Bakit, girl? Okay ka lang ba?" tanong ni Baks kay Danica. "I wanted to introduce you to Kevin, but he didn't want to," wika ni Danica sa amin kaya kumunot ang noo ko. So nagpakita na pala ang pinsan niya sa kanila after one month? Bulong ko sa aking sarili. "Oh my God, you mean Fafa Kevin has already shown up to you? When?" gulat na

