* * Kevin's POV * * Nang makaalis si Kenneth, binalik ko ang tingin ko kay Ms. Brave. Bakas sa pag mukha ni Ms. Brave ang pagkahiya ng seryoso ko siyang titigan. "Thank you, Mr. Weird Arrogant," wika ni Ms. Brave sa akin habang akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse niya para pumasok. Bigla ko siyang hinawakan sa braso kaya napalingon siya sa akin. "Ihahatid kita," seryosong sabi ko sa kanya. "Thank you, but no need. Kaya ko," asik niya sabay hila sa braso niyang hawak ko. "Let me do my responsibilities as your boyfriend," seryoso kong sabi sa kanya, sabay hila ko sa kanya papunta sa sasakyan ko. Pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan, pumiglas siya at binawi ang kamay niya mula sa pagkaka-hawak ko. "Hoy, Mr. Weird Arrogant, kung ano man yung nangyari at narinig mo kanina, pagp

