* *Hazel's POV* * 7:00 in the evening, napa takip na lang ako ng tainga ko gamit ang dalawang palad ko dahil sa ingay ni Baks at Danica. "No way," iritang wika ni Danica dahil sa mga kwentong narinig niya kay Baks tungkol sa nangyari sa amin ni Mr. Weird Arrogant. Wala tuloy akong magawa kundi magpaikot-ikot ng mga mata sa kanila. Gustuhin ko man na huwag nang sabihin kay Danica, hindi naman puwede dahil nangako ako sa kanya na magkukuwento kami kapag nagkita-kita kami. Kaya ito si Baks, tuwang-tuwa pa habang ikinukuwento kay Danica ang mga nangyari. Si Danica naman ay nakabusangot lang dahil hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig niya. "Yes way, girl! Nakakakilig nga eh! I told you, sila ang meant to be! And my God, girl, hindi ko talaga makalimutan ang kaguwapuhan ni Mr. Vin Cruz,"

