Hindi niya alam kung ano ang reaksyon na ipapakita niya sa akin. Bigla ay kinuha ko ang phone na hawak niya saka nag-scroll sa pinapakita niya sa akin na conversation raw nilang dalawa ni Byron. Totoo nga naman na ang harot ni Byron rito sa mga chats, pero ang tanong ay ito nga ba talaga ang tunay niyang account? "Hindi ko alam kung bakit ba gustong-gusto mo na mapapunta sa'yo si Byron. Well, I get that he's really handsome kaya siguro gusto mo siya. Pero hindi ko akalain na sobrang baba mo talaga to the point na nagawa mo pang siraan si Byron sa akin? This is not even his real account, girl," natatawa na sambit ko. Inabot niya muli ang phone niya at galit na tumingin sa akin. "Paano mo naman nasabi na hindi 'yon ang real account niya? Sobra ba ang tiwala mo kay Byron para hindi mo ako p

