Bakas sa mga mukha nila ang gulat nang itanong ko sa kanila 'yon. Hindi lang ako ang nakakita ngayon sa kaluluwa ni Ashley. Lahat kami ay nakita siya at hindi nila mapagkakaila sa sarili nila na nakakita sila ng multo at nagawa nilang katakutan. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng may gusto kay Byron at nakita ko na nag-iwas ito ng tingin sa akin. "Yes, I admit it. Nakita ko si Ashley noong nakaraan at tama ang ipinakalat mo na nakakita ako ng multo dahil isa na siyang multo. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko man gustuhin na makita siya pero sa akin lang siya nagpapakita noong una pero ngayon ay lahat tayo na narito ay nagawa natin siyang makita. So does that mean that we are all crazy because we saw a ghost?" tanong ko muli. Napayuko ang babae nang dahil sa kahihiyan.

