Gusto ko pa siyang kausapin para mas maging malinaw sa akin ang sinabi niya pero hindi ko na nagawa pa nang makaalis na siya dahil kailangan na siyang check-up-in ng doctor. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang hintayin dahil may sugat pa siya sa ulo niya kaya panigurado ay uulitin ng doctor niya ang paggagamot ko doon. May lumabas naman na isang nurse kaya tinawag ko siya, "Matagal pa ba na dapat mag-stay dito ang pasyente na nasa loob?" tanong ko sa kaniya. "According to Doctor Santos, yes Ma'am. May nabali daw kasi na buto sa likuran niya kaya kailangan niya munang magpahinga ng ilang araw rito para ma-monitor siya," sagot naman ng nurse. "Okay, then please tell him that I will get his things on our campus and go back here after class. Thank you," utos ko. Tumango naman siya saka

