Sinimulan na namin sumakay sa mga rides ni Lance. Ang dami nga agad tao rito sa Enchanted Kingdom at karamihan ay puro couples. Mabuti na lang rin at maaga kaming umalis kanina kaya hindi kami na-traffic sa byahe.
Inuna namin ang space shuttle para extreme rides kaagad ang ma-experience namin. May ilang castmates naman na binabati kaming ‘A magical morning!’ kaya napapangiti rin ako. They looked so cute at mukhang mga students pa lang and they are having they’re OJT here in Enchanted Kingdom in Santa Rosa, Laguna.
“Grabe, hindi ko akalain na uunahin mong rides ang Space Shuttle.” Nilingon ko naman si Lance saka siya tinaasan ng kilay habang nakapila kami sa space shuttle.
“Why? Afraid?” pang-aasar ko sa kaniya. Bahagya siyang natawa saka ako inilingan. “Silly, of course not. Nakakatuwa lang dahil hindi ka maarte katulad ng ibang babae na pabebe pa at maraming reklamo sa mga ganitong bagay.”
Well, I’m not that typical girls. Alam ko naman na mataray ako and sometimes, maarte rin talaga ako. Pero sa mga ganitong bagay, hindi ako kill joy. Hindi ako nag-iinarte lalo na at na’ndito kami ngayon para mag-enjoy at hindi sirain ang mood. Napangiti naman ako sa kaniya.
“Hindi naman pare-pareho ang ugali ng bawat babae. Anyways, let’s have fun for this day and not kill the mood.” Excited ko siyang hinila papunta sa upuan sa gitna ng roller coaster. Mabuti na lang at medyo maaga pa kaya hindi pa masyadong marami ang pumipila sa space shuttle.
“Akala ko sa unahan mo pa gusto e,” sambit ni Lance. Agad akong umiling, “No, mas nakakatakot sa unahan ‘no!”
Nang maka-upo kami ay in-assist na kami ng mga crew ng Enchanted Kingdom. Isa-isa nilang chineck if naka-suot na ba kami ng seat belt at safe na ang lahat. Pinaalalahanan din nila kaming mga guests about sa mga rules sa rides na ‘to. Nang matapos ay nagsimula nang dahan-dahan na umandar ang roller coaster.
“Oh gosh, I will scream real hard,” kumento ko. Unti-unti nang umaangat patalikod ang rides. Nakikita ko na rin ang magandang view ng Enchanted Kingdom sa baba. Nakakalula pero ang saya. Nagsimula na ring maghiyawan ang mga kasabay namin sa rides so naki-sigaw na rin ako. Lance is just laughing beside me. Syempre kailangan mong sumigaw dito para hindi maiwan ang kaluluwa mo sa tuktok. Nang tumigil kami sa tuktok at sign nang babagsak na ang rides at hindi nga ako nagkamali.
“WAAAAAHHHHHHHH!!!!” sabay-sabay na sigawan namin ng mga tao dito. Sobrang bilis ng rides at parang bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa kakaikot ng roller coaster. Ilang minuto ang nakalipas at natapos na din kami. Tatawa-tawa akong bumaba sa rides dahil parang nahilo si Lance nang bumaba.
“Hoy, ayos ka lang ba?” natatawang tanong ko sa kaniya. Inalalayan ko pa siya habang palabas kami ng space shuttle. “Damn, hindi ko naman akalain na gano’n pala ang rides na ‘yon,” reklamo niya.
“Akala ko ba malakas ka? Isang extreme rides pa lang ang nasasakyan natin ha, baka mamaya bagsak ka na kapag mas madami pa tayong nasakyan,” pang-aasar ko. Umayos siya ng tayo saka ako hinarap.
“Strong ako ‘no, as if mapapatumba ako ng mga rides na ‘yan,” pagyayabang pa niya. Tinawanan ko na lang siya saka ko hinila sa next na rides na sasakyan namin. Ang sabi niya kanina ay madami na siyang naplano na sasakyan namin pero ako naman ang nasusunod ngayon.
“Let’s go to Disk-O-Magic!” Hinila ko siya papunta sa pila. Iyon ang rides na sa tingin pa lang ay nakakahilo na sobra. Malaking bilog na rides at magi-slide lang siya side by side then paikot-ikot din ang uupuan mo kaya nakakahilo. May ilan pa akong nakitang nagsuka sa malapit na basurahan pagkababa sa rides.
“Damn, baka masuka rin ako,” sambit ni Lance. Natawa ako saka ko siya tinaasan ng kilay. “Ano ‘yon, umaatras ka na kaagad kahit hindi pa nagsisimula? Akala ko ba malakas ka.” Hindi ko alam kung bakit nakakatuwa kapag inaasar ko siya. ‘Wag lang naman niyang subukan na ako ang asarin niya dahil pikunin ako.
“Kaya ko ‘yung ride pero mukhang nakakahilo talaga sobra.”
Hindi ko na pinansin pa ang reklamo niya at pumasok na agad kami sa maliit na gate saka namili ng uupuan. Tabi kami pero medyo may kalayuan para may space makaikot ‘yung upuan.
Hindi nga ako nagkamali at totoong nakakahilo ang isang ‘to tapos parang naiiwan pa sa itaas ang kaluluwa ko sa tuwing nagi-sway siya side by side.
Nang matapos ay sumunod kami sa Anchors Away kung saan isang malaking bangka ‘yon at nagi-sway rin side by side at ang taas ng naaabot. Todo sigaw na rin si Lance habang nagra-rides kami at ako ay natatawa sa kaniya kapag sumisigaw siya. After the third ride ay napag-desisyunan namin na magpahinga muna at kumain.
Nag-punta kami sa food court ng Enchanted Kingdom malapit sa space shuttle. Since ayoko naman mag-rice ay turks na lang ang pinabili ko kay Lance and softdrinks. Mahirap na dahil baka mag-suka ako sa next extreme rides namin.
“Are you having fun?” bigla ay tanong ni Lance sa akin. It’s already two in the afternoon. Nauubos ang time namin sa pagpila pa sa rides dahil dumarami na rin ang mga tao.
“Of course. It’s my first time being in an amusement park,” pag-amin ko. “Oh, it’s my pleasure to be with your with your first time then.”
He’s such a gentleman. Nakakatuwa naman dahil mukhang si Lance na yata ang seseryosohin ko. Gusto ko na rin naman na mag-seryoso na ako ulit. Ayoko na dahil lamang sa past ko ay magiging hadlang ‘yon para hindi na ako sumaya ng tunay ulit sa isang seryosong relasyon. Besides, pipiliin ko na naman ang lalaking alam kong matino at hindi gagawin ang nagawa sa akin ng first boyfriend ko before.
“And I would also like to thank you for taking me here.” Akala ko kasi ay isang normal na date and cliche like kakain na lang muna sa labas since first time namin magmi-meet up pero dito niya agad ako dinala sa unang meet up namin. Well, sana hindi ito ang last meet up. Besides, kailangan ko pa siyang kilalanin muna dahil hindi pa naman kami matagal na nakakapag-usap. But I want to know him better in person, not only in chats.
“You deserve it. Let’s go and continue our fun?” Nang matapos na kaming kumain ay niyaya na niya ulit ako mag-ride. Since mainit na sa park ngayon ay naisipan ko na sa water rides naman kami. May dala naman akong extra na damit and siya rin naman kaya anytime ay pwede kaming magpalit.
Nag-punta kami sa Jungle Outpost kung saan may dalawang rides doon na Jungle Log Jam and Swan Lake. Nag-swan lake na lang muna kami. Tig-isa kaming sumakay sa swan at saka ito dinrive. Nagbabanggaan pa kami pero sabi ko huwag masyado dahil sa tubig. Mukhang madumi ang kulay ng tubig pero hindi naman mabaho or what.
Nang natapos doon ay niyaya ko na siya sa jungle log jam. Para din siyang roller coaster pero sa tubig nga lang. Mahaba-haba rin ang pila pero mabilis lang din. Sa bangka kami sasakay at nasa likuran ko si Lance umupo. Nang umandar na ang bangka paakyat ay napahawak na sa baywang ko si Lance.
“Is it okay to hold you like this?” tanong niya. See? Napaka-gentleman niya na kailangan pa niyang ipaalam sa akin ‘yon. He really wants to have my permission first. “You can, Lance.”
I took out my phone and nag-picture kami ni Lance bago pa bumagsak ang bangka pababa which made us scream again. Isang ikot lang at medyo nabasa na ang damit namin but it’s fine dahil mainit at mabilis lang rin naman na matutuyo mamaya. Sa pag-exit namin ay may madadaanan pa kaming maliit na tulay sa taas at ang ganda ng view kaya nag-take din kami ng ilang pictures ko for i********:.
Napunta naman kami sa Portabello. Ang bawat lugar kasi dito sa Enchanted Kingdom ay may mga tawag at may mga kaniya-kaniyang rides na naroon. Sa Portabello ay pumila kami sa Rio Grande Rapids kung saan sasakay ulit kami sa pabilog na parang salbabidang malaki at iikot sa tubig. Dito na kami siguradong mababasa. Since dalawa lang naman kami ay may mga kasabay kami sa isang salbabida. Napapahiyaw ako sa tuwing umiikot ang sinasakyan namin at talagang nabasa na ang damit ko ganoon na rin ang damit ni Lance.
“Hey, wait me here. Kukuhanin ko lang ‘yung extra shirts natin sa car para makapag-palit na tayo,” paalam sa akin ni Lance.
“Sure, I’ll wait you there.” Itinuro ko ang isang stall na may tent para hindi gaano mainit. Tumango siya saka na umalis at ako naman ay umupo doon. Sa parking pa siya pupunta kaya medyo malayo pa at need pa niyang lumabas ng Enchanted Kingdom kaya baka tatakan na lang siya mamaya. Kung bakit ba naman kasi ay nakalimutan naming dalhin ang damit namin kanina?
Para hindi nakakahiya ay um-order ako ng food sa stall na ‘yon saka drinks para makatambay. I am just scrolling through my phone when a man suddenly approached me. Mag-five in the afternoon na rin pala.
“Scarlett Buenavidez, right?” Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakita ang isang matangkad, maputi, maganda ang mata, mahaba ang pilikmata, medyo mapula ang labi na lalaki sa harapan ko. Napataas ang kilay ko na para bang tinatanong ko kung sino siya at paano niya nalaman ang pangalan ko. Mukhang na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.
“Hey, hi! I’m Nathan, don’t your remember me?”
Nagulat ako nang magpakilala siya sa akin. Nathan? Oh gosh, he’s a famous guy in t****k! Isa nga rin pala siya sa nakalandian ko before since medyo sikat din ako sa t****k app with one hundred thousand followers.
“Oh, hey. It’s nice to meet you,” bati ko rin. Hindi na ako nag-abala pang tumayo pero siya naman ay umupo sa harapan ko.
“Are you alone right now here in Enchanted Kingdom?” tanong niya. Tinigilan ko na ‘to kausapin before dahil na-bored na ako sa kaniya. Maybe mga two months ago na kami noong last na nag-usap.
“It would be weird if mag-isa lang akong pupunta sa amusement park, right?” sarkastikong sagot ko kaya naman natawa siya. “Totoo ngang mataray ka kahit sa personal but you’re right. So who’s with you? Your boyfriend?”
“Yeah, ayun na siya. May kinuha lang sa car because we got wet in the rides earlier.” Tinignan namin si Lance na papalapit na sa amin at nagtataka na kaagad ang tingin kay Nathan na naka-upo sa harap ko.
Nang makalapit ito ay tumayo na rin si Nathan. “It’s nice to meet you to. I got to go now.” Bahagya ko lamang siyang tinanguan saka hinayaan na umalis. Umupo naman si Lance sa harapan ko dahil hindi pa ako tapos kumain.
“Sino ang isang ‘yon?”
“He’s Nathan, sikat na tiktoker. Nagka-usap kami before kaya in-approach niya ako noong nakilala niya ako,” paliwanag ko. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain para mabilis na matapos.
“I see, akala ko naman kung sino.”
Hindi ko na pinansin pa ang huling sinabi niya. Nang matapos ako kumain ay niyaya ko na siya papunta sa comfort room. Since hiwalay ang sa lalaki at babae ay kinuha ko lang ang damit ko sa kaniya saka ako pumasok sa comfort room. Mabilis lamang ay nakapagpalit na ako ng damit saka nag-retouch na rin ng make-up ko. Magpo-photo shoot pa ako mamaya dito sa Enchanted Kingdom dahil iba na ang outfit ko. Alam ko naman na madami talagang kaartehan ang mga babae at kasiyahan ko naman ang mga ganoong bagay.
Lumabas na ako at nakitang naghihintay na sa akin si Lance sa labas. Padilim na rin kaya maganda na sakyan ang ibang rides ngayon dahil magandang tignan ang view sa baba kapag madilim na. Pumila kami sa Ekstreme Tower kung saan kasing taas ng 3-story building. Mahaba ang pila kaya naman sakto rin na gabi na nang makasakay kami sa ride.
Dahan-dahang umaangat ang sinasakyan namin at ang ganda talaga ng view sa baba dahil madilim na. Kitang-kita ang buong city mula rito at city lights. Nang makarating sa tuktok ay sumigaw na ako dahil bigla na lang kaming bumagsak na para bang namatay ako saglit dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko. Grabe ang ride na ‘to. Maganda nga ang makikita mong view sa taas pero demonyo naman pagbaba.
Nanlalambot ang mga tuhod ko na bumaba sa ride kaya inalalayan ako ni Lance. “Ano kaya mo pa ba?” pang-aasar naman niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natawa siya lalo.
“What do you think I am? Of course, kaya ko pa.”
“Tara na sa Wheel of Fate. Para chill ride muna tayo,” aya niya. Pumunta naman kami sa wheel of fate or kilalang ferries wheel. May iba talagang tawag ang EK sa mga rides nila. Marami din ang pila kaya naman seven in the evening na noong nakasakay kami sa ferries wheel. Nag-picture kaming dalawa sa loob at ang tanda sa tuktok dahil sa view. I took a video para remembrance. Narinig ko din kanina na may fireworks show na magaganap mamaya.
“This is nice,” sambit nito. Pababa na ang ferries wheel kaya hindi na masyadong kita ang view sa baba. “Thank you for tonight,” sincere na sabi ko. Totoo naman na nag-enjoy ako ngayong araw. I feel so happy and comfortable around him. Hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko towards him.
“Anything for you.”
Bumaba na kami sa wheel of fate saka naglakad sa park. Gusto kong ma-try ang ghostbusters kaso dalawa lang kami ni Lance. Mas masaya sana kung kasama ang mga friends kaso naalala ko na wala nga pala akong friends bukod kay Ashley. Hinila ko na siya sa Agila the EKsperience. Inikot namin ‘yon saka kami parang tino-tour ng mga crews. May mga history din doon ng bawat tourist places and may 3D shows. May ride din doon sa loob kung saan may salamin kaming suot at naka-upo kami at parang makatotohanan na nangyayari sa amin ang kung ano mang nakikita namin. Kumbaga ay iniikot kami sa mga magagandang lugar sa Philippines.
Nang matapos ay saktong magsisimula na ang fireworks show. Nasa garden kami ng Agila the EKsperience at hinihintay ang fireworks dahil maganda ang view rito. Nang mag-start na ay nag-picture ulit kami ni Lance at nakaakbay na siya sa akin this time then nag-video ako ng fireworks. Hilig ko kasi talaga ang mga ganitong bagay at natutuwa ako kapag pinapanood ko ulit kapag wala akong magawa sa buhay ko at sobrang bored na.
Nang matapos ay napag-desisyunan na naming umuwi since pagod na rin ako. Magkahawak kamay kaming naglakad palabas na sana ng park nang may makita si Lance. “Hey, do you want to buy souvenirs? Nawala sa isip ko kanina ang tumingin sa mga shops.”
Tumango naman ako, “Sure, let’s buy souvenirs for remembrance.” Pumasok kami sa isang souvenir shop at puro stuffed toys ang bumungad sa amin. Well, I love stuffed toys naman kaya kumuha na lang ako ng isang may kalakihan na Eldar. Siya ang wizard na nagre-represent sa Enchanted Kingdom. Since nag-presinta na si Lance na siya na ang magbabayad ay hinayaan ko naman siya. Binigay ko sa kaniya ang Eldar na hawak ko saka nagpaalam na sa labas ko na siya hintayin dahil medyo masikip na sa loob at maraming tao ang bumibili.
Nagulat na lang ako na may humila sa akin at dinala ako sa likod ng souvenir shop. “I really like you. Mas lalo kitang nagustuhan ngayong nakita na kita sa personal. Can I court you?”
Nakakagulat na makita si Nathan muli at ganoon pa ang sinabi sa akin. Ano ang trip ng isang ‘to? Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “What do you think you’re doing?” Bigla ay nanlaki ang mata ko nang halikan ako ni Nathan saka ako napapikit sa hindi malamang dahilan.
“Scar—“
Hindi naituloy ni Lance ang sasabihin niya. Mabilis kong itinulak si Nathan palayo sa akin at nakitang gulat na gulat si Lance dahil sa nakita.
Damn, what the hell is happening again.