Chapter 7

2661 Words
“Grabe ‘yung nangyari sa Perpetual ano? Hindi natuloy ‘yung tournament dahil may namatay na isang player.” “‘Yan nga ang laman ng news ngayon sa kabilang university. Nakakaawa ‘yung lalaki, gwapo pa naman.” “Balita ko nga rin na matalino raw ‘yon at magaling na player!” “Nakita mo ba sa footage na may tinitignan pa siya bago siya nakuryente?” “Baka naman napatingin lang, sis.” Hindi ako mapakali habang naglalakad ako sa campus. Puro chikahan ng mga babae dito tungkol sa nangyari kay Arriz kahapon ang pinag-uusapan nila. Hindi ko akalain na famous din pala si Arriz pati rito sa campus namin para mapag-usapan pa siya. Kung sabagay, grabe naman talaga na sa school pa siya nakitilan ng buhay. Maaga akong pumasok ngayon dahil bored na akong mag-isa sa malaking bahay namin. Wala pa si Ashley kaya naman ay mag-isa rin ako ngayon na naglalakad papunta sa classroom namin. Nag-lie low na rin muna ako ngayon sa social media ko. Hindi ko na rin nire-reply-an na si Rico simula noong bigla na lang akong umalis kahapon sa school nila. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko lalo na’t napansin ko pang pinagtitinginan ako ng ibang tao doon kahapon nang makita ang footage. Nakita pa man din doon na hinalikan ko sa pisngi si Rico. “Hoy, ang aga mo yata ngayon?” Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin habang naglalakad ako. Agad kong sinamaan ng tingin si Byron. Ano na naman ba ang ginagawa ng isang ‘to dito? As far as I know ay hindi naman siya rito nag-aaral at nag-host lang naman siya last week sa event namin. “What now?” “Ang taray mo naman, Miss Scarlett.” Halata pa sa tono ng boses niya na may balak pa siyang mang-asar lalo. Binilisan ko na lang ang lakad ko at hindi ko na siya pinansin pa. Pero ang mabilis na lakad ko ay normal na lakad niya lang kaya kahit anong bilis ay nasasabayan pa rin niya ako sa paglalakad. Inis akong huminto saka nakapamaywang na hinarap siya saka tinaasan ng kilay. “What do you want? You’re so annoying,” mataray na sambit ko. Napangiti naman siya sa akin na parang tanga. “Do you have a date this weekend?” I was taken aback by what he asked. At bakit naman niya tinatanong, aber? Feeling close talaga ang isang ‘to! Pasalamat pa nga siya at gwapo siya kaya kinakausap ko pa rin siya kahit nakakainis na, ugh! “Bakit mo naman natanong? May balak ka bang i-date ako? Kung meron, pwes ayokong makipag-date sa’yo. You’re not my type so if you’ll excuse me, I’m going now.” Tinalikuran ko na siya at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso ko saka iniharap sa kaniya. Bubulyawan ko na sana siya nang nagulantang ako sa sinabi niya. “Gusto lang naman kitang sabihan ng ingat kung may date ka. Alam mo na, baka may mapahamak ulit.” Hindi na ako nakapag-salita pa matapos niyang sabihin ‘yon. Nanlalaki ang mga mata ko habang bahagyang napanganga pa dahil sa gulat at kaba. Ano ang ibig niyang sabihin? Huli na nang matauhan ako dahil kinindatan na niya ako saka umalis sa harapan ko. Come back to your senses, Scarlett! Hindi ka naman dapat maapektuhan because you did nothing wrong to them. It was an accident kung bakit namatay ang mga naging kalandian mo. It’s now part of the past kaya hindi na dapat ako mabahala pa. Huminga ako ng malalim saka umaktong normal at walang nangyari saka dumeretso sa classroom. Wala pang masyadong tao kaya naman ay umupo na ako sa pwesto ko saka sinuot ang airpods at isinubsob ang mukha sa desk. May alam ba si Byron? Paano naman niya nasabi na napahamak ang mga naka-date ko? Is he stalking me?! Mas nakakatakot naman kung totoo nga ang naiisip ko na ini-stalk niya ako. Pero it sounds more creepy noong sinabi niya kanina ang about sa dates na para bang may alam talaga siya sa mga nangyari kay Andre at Arriz. “Ugh, damn it!” Inis kong iniangat ang ulo ko saka napatingin kay Ashley na kauupo lang sa tabi ko. Nagulat pa siya dahil sa biglaang pagsigaw ko. Inalis ko ang airpods na suot ko saka inilagay sa bag. “Bad mood ka? Ang aga mo pumasok ngayon ha, himala,” bungad niya sa akin. “Bored na ako sa bahay kaya pumasok na ako,” simpleng sagot ko. “Kumain ka na ba? Tara sa cafeteria,” aya pa niya pero mabilis akong umiling. “Tinatamad na akong lumabas. Ibili mo na lang ako ng cold coffee.” Inabutan ko siya ng pera kaya naman hindi na siya umapila pa at lumabas na ng classroom. Ayokong lumabas dahil baka makasalubong ko na naman si Byron at kung ano na namang kagaguhan ang sabihin niya sa akin. I don’t know how should I remove those things that I witnessed. Wala pang isang buwan ang nangyari kay Andre ay nasundan na kaagad ng nangyari kay Arriz. Ilang minuto ang nakalipas at nakabalik na si Ashley. Dumadami na rin ang mga tao sa classroom namin since malapit na mag-time. Nang iabot sa akin ni Ashley ang cold coffee ko ay umupo na siya sa tabi ko. “Saan ba nag-aaral si Byron?” tanong jo bigla. Nilingon niya ako na parang nagtataka siya dahil ngayon lang ako nag-tanong ng tungkol kay Byron. “Bakit mo natanong?” Tinaasan pa niya ako ng kilay. Tignan mo ang isang ‘to, ako ang nagtatanong sa kaniya tapos ang isasagot niya sa akin ay isang tanong din. “Well, nakita ko kasi siya ulit kanina dito sa campus so I was just wondering kung nag-aaral pa ba siya or talagang professor na,” sagot ko. “According sa chismis, tourism student si Byron dito sa kabilang section and have the same batch to us,” sagot rin ni Ashley. Napa-taas na naman ang kilay ko. So ka-age ko lang pala siya? At bakit naman dito siya nag-aaral? Mag-second semester na tapos ngayon ko lang siya napansin dito sa campus. “Tahimik daw ‘yon at ayaw na makilala pero nakakagulat na nag-host pa siya noong event natin. Hindi rin siya magaling sa acting kaya hindi na siya nag-participate noon sa event and nag-volunteer na lang na mag-host,” kwento pa niya. Well, I don’t give a damn about him. Ang ayoko lang ay patuloy niya akong kukulitin sa tuwing makikita niya ako rito! How I wish na sana hindi ko na lang siya nakita sa club last time. Nag-start na ang class at parang lumilipad ang isip ko dahil ni wala akong naintindihan sa ni-lesson ng professor namin. Sakto naman na tapos na ang time ng class nang may tumawag sa akin. Unknown number na naman kaya nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil baka pulis na naman ang tumatawag. Pero bakit naman ako tatawagan ng pulis? “Hey, sagutin mo na ‘yung call. Baka mamaya importante pala ‘yan,” sambit sa akin ni Ashley. Kinuha ko ang phone ko saka ako lumabas ng room para mas marinig ng maayos ang kausap sa kabilang linya. “Hello?” [“Good afternoon, Miss Scarlett Buenavidez. I am calling from Police District and I am Officer Ramirez. I just want to inform you that your boyfriend, Mr. Arriz Parker, died yesterday. Are you at the scene?”] What the f**k? Boyfriend ko si Arriz? Anong kagaguhan ang sinasabi nito? “It seems like there is a misunderstanding. I am not Arriz’s girlfriend. And yes, I know that he died yesterday and I was at the scene to support a friend on the game. Why?” Alam ko naman na nakita na nila ako sa footage kaya hindi ko dapat i-deny ang fact na naroon ako kahapon at nasaksihan ko ang nangyari kay Arriz. Baka kung ano pa ang isipin kapag nag-deny ako. [“His mother is saying that you are his son’s girlfriend and claiming that you’re the reason why her son died. Can you please talk to us in person if you have time today.”] Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng police officer na kausap ko. Isinisisi sa akin ng nanay ni Arriz ang pagkamatay ng anak niya? Why? How is it my fault? What happened to Arriz was an accident! Siya naman ang may kasalanan kung bakit siya nakuryente. Kung nag-iisip lang sana siya ng ayos ay hindi dapat siya naglalagay ng coffee or kahit anong drinks malapit sa extension because it’s dangerous! So how come na kasalanan ko ang nangyari? “I’m sorry but regarding to Arriz’s death, I think wala naman akong kasalanan doon so why would I get involve? Kitang-kita naman sa CCTV footage na self-accident ang nangyari sa kaniya. And oh, ipinakilala lang ako ni Arriz sa mother niya before pero hindi kami nasa iisang relasyon.” I needed to explain myself para naman alam nila ang side ko at hindi na nila ako tawagan pang muli. Ayokong tumapak sa lugar kung saan pang kriminal lang ang napupunta doon! I am not guilty! [“I’m sorry to disturb you, Miss Scarlett. It’s just that, you are the last person who he chatted before he died so we also thought that you are his girlfriend. If that’s the case then you don’t need to be here. Thank you for your time.”] “Thank you, too. Say my condolences to his family.” Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin nang patayin ko na ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos noon. Hindi na dapat pa ako pumunta sa burol niya dahil hindi naman naging kami. Saglit na panahon lang rin naman kami nagka-usap ni Arriz. I just hope that he will rest in peace. Days have passed and everything was normal. I started to chat again with other guys. It’s just that, I was so bored in my life kaya wala akong magawa kung ‘di libangin lamang ang sarili ko gamit ang pakikipag-usap sa mga lalaking pilit na lumalandi sa akin kahit na wala naman akong balak na patulan sila. Lance Avenido: Nagkaroon ka na ba ng boyfriend before? Scarlett Buenavidez: Yes, isa pa lang but nakaka-trauma na so until now ay hindi pa rin ako pumapasok sa isang relationship. Naalala ko na naman ang kinahitnan ng first relationship ko. I was so traumatized kaya takot na akong makipag-commit ulit so ang ginagawa ko na lang ay lumalandi lang but no commitments. Well, it depends kapag totoong na-fall in love na ulit ako at kaya ko na muling mag-seryoso. Kaya lang naman ako ganito dahil lang sa takot na baka maulit ang nangyari sa akin noong first relationship ko. Lance Avenido: Why? What happened? Napa-isip pa ako kung dapat ko bang i-kwento sa kaniya or what pero naisip ko na ayokong i-open pa rin sa iba ang nangyari sa akin before. Ayoko na kaawaan nila ako or malaman nila ang isa sa kahinaan ko. Even Ashley doesn’t know about that issue. Well, maraming nakaalam dati sa nangyari sa akin at sa ginawa ng ex boyfriend ko. Kaya nga I was so thankful na college na ako para may dahilan na ako before na lumipat ng school. I was so embarrassed at my previous school and I can’t handle all the issues. Pinipilit ko namang kalimutan but until now ay nahihirapan pa rin ako na mak-move on sa pangyayaring ‘yon. Men are so dangerous. Scarlett Buenavidez: I don’t want to open about it so let’s just forget it. Anyways, when are you free? Lance Avenido is a college student too and he wants to become a pilot kaya sa mamahaling university siya nag-aaral. Imagine the tuition fees for training to become a pilot. Same batch lang rin kami, first year college pa lang rin siya. He’s two hours away from my home town. Ang gwapo rin niya at matangkad. Lance Avenido: I will be free this weekend. Should we go on a date? Scarlett Buenavidez: Sure! Just come and get me to our house. Ilang araw pa din kaming nag-uusap hanggang sa dumating ang weekend kung kailan namin napag-usapan na magde-date kami. Handa na ako dahil papunta na siya sa bahay namin. I just gave him our address and napag-usapan namin na magpunta kami sa Enchanted Kingdom for our first date. Sana lang ay hindi ito ang huling date namin. Napapaisip pa din ako sa mga nangyari kina Andre at Arriz but itinatatak ko sa isip ko na hindi ko kasalanan ang nangyari sa kanila so hindi na dapat ako mag-alala pa kay Lance. “Ma’am Scarlett, narito na po ang sundo niyo.” Narinig kong sambit ni Mang Robert sa indoor telephone namin na naka-connect sa gate. Pinindot ko naman ang second button. “Tell him na lalabas na ako.” “Okay po, Ma’am.” I got my black sling bag saka nag-pabango at lumabas ng kwarto ko. I just wore a high waist short and white off shoulder long-sleeves since sa amusement park kami pupunta. Nag-dala na rin ako ng extra top na sleeveless spaghetti black top para pamalit mamaya. Nakatali rin ang mahaba kong brown na buhok dahil alam kong maiinitan ako mamaya at may suot na shades. Nakita ko agad ang chevrolet niyang kulay puting kotse na naka-park sa harap ng gate namin. Nakatayo siya doon at bahagyang nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa akin at inaabangan ang paglapit ko. Tunay ngang matangkad siya at 6’0 ang height. Nang makalabas ako ng gate ay sinalubong niya ako. Itinaas ko ang shades ko at ipinatong muna sa ulo para matignan niya ako ng ayos. “Nice to meet you, Lance,” bati ko. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo saka ngumiti. He’s also wearing braces. Ang puti niya pa niya at mukhang fresh na fresh kahit bumyahe na siya. Ang gwapo rin ng ngiti niya. Hindi siya ma-pimples dahil napaka-clear skin niya. Ang ganda siguro nito kapag naging babae. “Nice to meet you too, Princess. Oh sorry, Scarlett pala. I thought you’re a princess because of your priceless beauty.” Grabe ang isang ‘to! Ang lakas bumanat kaya naman ay napangiti ako pero hindi ko ipinahalata na sobra naman akong kinilig dahil lamang sa simpleng sinabi niya. “Shall we?” Isinenyas ko ang pinto ng kotse niya kaya naman mabilis niya itong binuksan para makapasok ako. “Let’s go.” Pumasok na ako sa loob saka siya umikot para makapasok sa driver’s seat. Nang makaalis na kami sa bahay ay akala ko wala kaming mapag-uusapan but ang dami niyang nasasabi sa akin. “Hindi ko akalain na ganiyan ka pala talaga ka-ganda. I mean, you’re already beautiful on your photos pero mas may igaganda ka pa pala sa personal. You’re natural beauty hits me hard.” Bahagya akong natawa dahil sa huli niyang sinabi. “Ang lakas mo pala mambola, ano? Ako lang ‘to, Lance,” pagbibiro ko kaya natawa rin siya. “I already planned so many things na gagawin natin mamaya sa Enchanted Kingdom. Are you okay with everything? Like takot ka ba sa heights or extreme rides or not?” tanong niya. “No, I can do everything. It’s fun to try all the rides!” I am so excited dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa Enchanted Kingdom. I’ll just enjoy this day para makalimutan ko na ang mga previous na nangyari at nasaksihan ko. I deserve to enjoy my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD