“So you won’t tell me what happened?” Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako ni Byron na sabihin sa kaniya kung bakit ako tumatakbo. Nakailang ulit na rin siya sa akin ng tanong kung tapos na ba ang first class namin dahil sa pagkakatanda daw niya ay two hours ang first class namin. Hindi ko naman akalain na pati pala ang schedule ng class namin ay alam niya. Narito kami ngayon sa garden para magpahangin. Gusto ko kasi ulit na ma-relax ang sarili at isipan ko. Mabuti na lang at vacant time niya ngayon at wala silang klase pa kaya nasamahan niya ako. Kahit sa pagbili kanina ng tubig ay kasama ko siya dahil ayaw niya akong iwan nang mag-isa. “It’s not that important naman and besides, I’m fine now,” sagot ko sa tanong niya. Napabuntong-hininga siya saka hindi na ako muling tinanong pa. M

