Isang nakakalokong tawa ang bumalot sa buong kwarto ko. Daig pa niya ang tawa ng isang demonyo na naririnig ko sa mga napanood kong horror movies dati. Bigla ay nagpatay-bukas ang ilaw ng kwarto ko. Mas lalo kong hinanda ang sarili ko sa paglabas ni Ashley. Walang tigil ang pagtawa niya at para bang mayayanig ang buong kwarto ko sa tawa niya. "Show yourself, you b***h! I can fight with you!" sigaw ko pa muli. Hindi ko malaman kung saan ko ba nakuha ang lakas ng loob ko para sabihin iyon at para bang hinahamon ko pa siya para lumabas siya at magpakita sa harapan ko ngayon. Kung kailan hinahanap ko siya ay hindi niya kaagad maipakita ang sarili niya. Mukhang pinaglalaruan niya ako pero wala na akong pakialam pa. Gusto kong ipakita sa kaniya ang tapang ko. Na kahit ano pa ang gawin niya sa a

