Chapter 6: High Wall

919 Words
Umingos siya. Hindi siya naniniwala rito. masyadong mabulaklak ang bibig ng lalaki. Halatang sanay mambola. Sanay mangumbinsi. Namaywang siya sa harap nito, hindi inaalis ang tingin sa perpekto at nakakainis nitong mukha. “Wala akong plano na mag-asawa ulit,” mahina ngunit matatag niyang sabi. “Isang buwan pa lang simula nang mawala si Gideon. Ano na lang ang iisipin ng pamilya mo kapag nalaman nila ‘to? Ano ang magiging tingin nila sa akin?” “Then I will ask their permission,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan. Nanlaki ang mga mata niya. Baliw ba siya? Tatanungin niya talaga? “Hoy! Tumigil ka nga.” “Hindi ako titigil,” diretso niyang sabi. “Alright, I get it. Siguro nagluluksa ka pa sa pinsan ko. Pero darating ang araw na makaka-move on ka rin. At gusto kong malaman mo na narito ako. Handa kitang saluhin.” “HINDI AKO BOLA PARA SALUHIN MO!” singhal niya, tuluyan nang nawalan ng pasensya. “Umalis ka na nga kaya! Bakit ka ba sumunod dito?” Pilitan niya itong itinutulak palayo, pero parang mas lalo lang nitong kinatutuwa ang inis niya. “Alright,” sabi niya, umatras ng isang hakbang. “Aalis ako. But I’ll come back.” “Ano?” Ngumiti siya bago biglang pinisil ang pisngi niya. Napaatras siya sa gulat. Tinampal niya ang kamay nito kaya muling tumawa ang lalaki isang tawang punong-puno ng kumpiyansa. Sinamaan niya ito ng tingin. “Ano ba! Umalis ka na. At saka… huwag ka nang bumalik dito. Sisirain mo lang ang bakasyon ko.” Tumalikod siya matapos sabihin iyon. Narinig pa niya ang mahinang tawa ng lalaki habang papalayo parang siguradong babalik pa ito. Nang tuluyang mawala ang yabag niya, saka lang siya napaupo sa lumang bangkong kahoy sa may bakuran. “Aalis ka na, iho?” narinig niyang tanong ni Tita Minerva. “Hindi pa tayo nakakapagkuwentuhan.” Nasa pinto na ng bahay si Damone, tila palabas na rin. Lumingon pa ito sa kanya bago muling hinarap ang matanda. “Pinapauwi na po kasi ako ng pamangkin ninyo,” sabi niya, may bahid ng ngiti. “Pero huwag po kayong mag-alala. Babalik pa naman po ako.” Napataas ang kilay niya. Talaga? Nagsumbong pa. “Gano’n ba,” sabi ni Tita Minerva. “Pasensya ka na kay Eloisa. Kakausapin ko na lang siya.” “No problem po,” sagot niya. “Aalis na po ako.” Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumalikod siya at nagtungo sa likod ng bahay, sa daan patungo sa lumang bodega. May kalumaan na iyon kalawangin ang mga bakal, tila matagal nang hindi binubuksan. Tahimik ang paligid. Amoy damo at lupa. Malayo sa magarang mundong kinalakihan niya. Mas malayo sa Italy ang lugar na minsang naging kulungan at kanlungan niya sabay. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Noong bata pa siya, dito siya madalas maglaro tuwing bumibisita sila kina Tita. Noong buhay pa ang mga magulang niya. Huminga siya nang malalim at naupo sa isang upuang kawayan. Maayos pa rin ang loob, pero dahil ginawang tambakan ng sirang gamit, nagmukha na itong junkshop. At doon niya nakita. Isang pamilyar na laruan sa sulok. Isang toy truck. Napatigil siya. Unti-unting bumuka ang kanyang bibig habang kinikilala iyon. Pinulot niya ito at marahang pinagpag ang alikabok. It was the same toy she bought for him. Three years ago. And it’s still here. Napapikit siya nang mariin habang bumalik ang isang alaala. isang masakit na alaala na pilit na niyang iniiwasan. Dinala niya ang toy truck sa kanyang silid. Pagkatapos noon, natulog siya maghapon, pilit tinatakasan ang nakaraan. Sabado ng umaga. Nasa palengke siya, abalang namimili ng mga sangkap para sa kusina ni Tita. Siya ang inutusan dahil abala ito sa tindahan. Pumayag siya excited pa nga. Sa Italy, palaging may katulong na inuutusan si Gideon para mamili para sa kanila. Ngayon, siya mismo ang gumagawa nito. Nasa isang stall siya ng mga bulaklak. May nakita siyang rosas balak niyang ilagay sa kanyang silid. Limang daan ang presyo, tinawaran niya ng apat na raan at singkwenta. Pumayag ang ale at binigyan pa siya ng dagdag. Small victories, she thought. “Hindi mo sinabi na ganito ka pala kagaling mamili.” Napapikit siya. That voice. “Akala ko ba aalis ka?” tanong niya, hindi siya nililingon. “Umalis nga,” sagot nito, may pilyong ngisi. “Sabi ko rin babalikan kita.” Huminga siya nang malalim, pilit kinakalma ang sarili. “Hindi kita inimbitahan.” “Hindi rin naman ako sanay maghintay ng imbitasyon,” mas mababa na ang tono nito. “Lalo na kung alam kong tumatakbo ka lang palayo.” Lumingon siya. Sa unang pagkakataon, wala ang pang-aasar sa mga mata ng lalaki. Seryoso siya. Totoo. “Hindi ako tumatakbo,” mahina niyang sabi. “Pinipili ko lang ang sarili ko.” Tumango ito. “And I respect that.” Saglit itong tumigil. “Pero hayaan mo rin akong subukan.” Nanikip ang dibdib niya. She’s a virgin widow. Iyon ang tawag niya sa sarili niya. Oo—birhen siya. Ni minsan ay hindi siya pinakialaman ni Gideon. Nirerespeto nito ang gusto niya. Kahit mahirap iyon para sa isang lalaki, kahit may pangangailangan ito—hindi siya kailanman pinilit. She built walls so high, even love couldn’t climb them. At ngayon, may isang lalaking gustong buwagin ang mga pader na iyon. Handa na ba siya na papasukin ito sa buhay niya? pero masyado pa maaga para sa kanila. hindi rin siya sigurado kung pinag titripan lang siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD