CHAPTER 5: Imposible

1271 Words
"Eloisa? Ikaw na ba 'yan? naku ang gandang bata talaga nitong pamangkin ko! halika... pasok! Bakit di ka naman nagsabi na uuwi ka rito? e, di sana sinundo ka namin sa pier!" Muntik ng matawa si Eloisa nang tila hindi magkanda ugaga sa pag akay sa kanya ang tita Minerva niya papasok sa loob ng bahay. " Ayos lang po 'yon tita, Biglaan rin lang ho itong bakasyon ko. Pasensya napo hindi ko kayo nasabihan," Dinala siya ng tiyahin sa hapag. sakto at malapit na rin magtanghalian. nagugutom na siya. kanina kasi ay nag almusal lang naman siya sa mansyon nina Damone. Ang kanyang tita Minerva ay kapatid ng tatay Felip niya. Dalawa lang sila kaya ngayon ay ito nalang ang tanging pamilya niya dito sa Cagayan Wala rin itong asawa. Kahit nasa mid forty na ang tiyahin, maganda at tila bata pa ang hitsura kung titignan mo. nagtataka tuloy siya bakit wala pa itong pamilya hanggang nagyon, baka naman mahal pa nito ang ex nito na iniwan lang siya at pinagpalit sa iba? tsk. " Areng, pakidala na rito ang mga pagkain, Naghanda talaga ako para sayo, pamangkin," Napangiti ako dahil gaya noong bata pa siya palagi rin siya nitong pinaghahandaan ng makakain kapag tumutungo sila ng kanyang mga magulang noon dito. " Kamusta naman ang buhay mo sa Italy? bakit naisipan mo umuwi ngayon? at bakit mag isa ka lang hindi mo kasama ang asawa mo?" Napalunok ako dahil sa sunod sunod na tanong na iyon ni tita. Akmang magsasalita ako ng bigla nalamang may kumatok sa labas ng pinto. napatingin kami roon. Sakto naman inilalapag na ng mga kasambahay ang mga pagkain sa mesa. sa mismong harap ko. " Ako na po ang magbubukas, " sabi ng isa sa mga katulong ni tita. " Sino naman kaya yan? may kasama ka ba?" tanong sa akin ni tita. Pero umiling ako. " Mag isa lang po ako tita. baka may bisita po kayo," aniya. " Wala naman sa akin bumibisita. Katunayan ay ikaw ang kauna-unahang bisita ko ngayong buwan!" natawa ako sa sinabi niya. "Iyong tanong ko. nasaan ang asawa mo bakit hindi mo kasama?" "W-Wala na po siya." Napahinto siya pagkatapos ay tumitig sa akin. "Patay na po siya noong isang buwan pa.". mahina kong turan. Hanggang ngayon ay naninikip pa rin ang dibdib ko sa pagkawala ng matalik kont kaibigan. hindi lang asawa ang nawala kundi isang taong sandalan ko sa lahat ng oras. Kahit na sa papel lang kami kasal ni Gideon ay minahal ko siya bilang asawa at kaibigan. hindi nga lang ganoon kalalim gaya ng isang tunay na nagmamahal sa asawa nya. Pero kahit ganoon ay malungkot ako na wala na ito ay ang sigaw ko ay hustisya. Namilog ang mga mata ni tita na tila hindi makapaniwala sa narinig. . Bago pa siya makapagsalita ay bumungad na sa pinto ang lalaking kanina lang ay nagpapa init ng ulo ko. anong ginagawa niya dito?! Sabay kaming napalingon ni Tita sa pinto. Naroon si Damone habang nakangiti. sa likod niya ay ang kasambahay ni Tita na Areng ang pangalan. "Hello po. Hindi ba ako nakakaabala sa inyo?" nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa akin. sinamaan ko naman siya ng tingin. " Sino ka ba iho? ngyon lang kasi may pumuntang guwapo sa bahay ko." Napangiwi ako sa sinabi ni titakay Damone. Luampad naman ang ngiti ng lintik! Luamakd siya palapit sa amin at basta nalang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. nasa tapat namin s Tia na ang ganda ng pagkaakngiti kay Damone. Kumukutitap pa ang mga mata niya. " Kaibigan po ako ni Eloisa, ayaw po kasi niya maghatid dito. naiisp ko po na sundan nalang siya rito," anito na kaagad ko namang kinalingon sa kanya. " Ganoon ba? how thoughtful of you, hala... kain na muna tayo bago mag kwentuhan. mamaya na kita iinterview-hin. kain na... ," napailing nalang ako at sinimulan na kumain. Ganoon din si Damone. Marami siyang nakain at makikita mo na ang enjoy siya sa hapag. " Ano itong ginagawa mo? bakit mo 'ko sinundan?" mahina kong sikmat sa kanya. Nasa tindahan si tita at saglit nagpaalm sa amin. Mayroon kasi siyang maliit na grocery store sa tapat ng abahay. dumating daw ang mga inorder niyang items para sa every month supply ng store. " Don't make it a big deal, I am worried about you," aniya saka mataman na tumitig saaking mga mata. " ? akala ko ba nagkakaintidihan na tayo? this is wrong," " Ano ba mali dito? Ha? I am interested in you, Eloisa. my cousin is gone... At handa naman ako maghintay kung kailan ka handa na tanggapin ako sa buhay mo. ngayon, hayaan mo lang ako na samahan ka," Napawaang ang kanyang labi at hindi makapaniwalang tumitig sa binata. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? " Hayaan mong punan ko ang nawala sa'yo, I promise, hindi kita pipilitin. Hindi kita hahawakan hangga't hindi mo pinahihintulot," Humarap na siya sa akin. Napayuko naman ako. I bit my lower lip. bumibilis rin ang t***k ng puso ko. s**t. " Baliw ka ba?" naisip niya itanong. baka kasi may sapak 'to sa utak kaya ganito! "What?" " Sabi ko baliw ka. sure ka ba diyan sa mga sinasabi mo? Alam mong balo ako, hindi na ako malinis. may bahid na ang pagkatao ko. gusto mo ba talaga ng isang babaeng dinungisan na ng ibang lalaki?" hamon ko sa kanya. Nakita ko ang saglit niyang pagkatigil. Napangisi ako. " See? natigilan ka-" " I dont care If your a widow. I'm serious. and I like you, Eloisa.". Seryoso niyang dagdag. Hindi naman ako nakapagsalita agad. " Ano naman ngayon kong may dumaan ng lalaki sa buhay mo? asawa mo naman iyon. Natural lang naman sa isang mag asawa ang magtalik. walang masama roon. at lalong hindi mo kasalanan kong isa ka na ngayong balo. hindi ka madungis. sa paningin ko ay isa ka parin malinis na babae. kaya sana ay hayaan mo ako na ligawan ka, papalitan ko ng saya ang kalungkutan mo–" " Sino may sabi na malungkot ako?"tanong ko sa kanya. natigilan siya. " Madali lang sa iyo ang magbitaw ng mga salita dahil hindi mo ako kilala. Ang mga lalaki nga naman. daming pambobola para makuha ang babae tapos sa huli. paiiyakin niyo lang naman kami," umismid pa si Eloisa. gusto niyang makita ni Damone na hindi siya tinatablan sa mabulaklak nitong pananalita. Kahit pa ay may kong anong damdamin an ginigising nito sa loob niya na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Hindi pa siya nagmahal. Ang relasyon nila ni Gideon ay parang sa magkapatid lang. Tinulungan lang siya ng binata noon para takasan ang nakaraan niya. iyon lang. at ngayon na wala na si Gideon. Para siyang bumalik sa umpisa. nangangapa ulit siya paano ang mag isa. Hindi pa siya handa na palitan ito sa buhay niya kahit pa wala na ito. Nang magtama ang paningin nila ni Damone. nakita ang katotohanan ro'n. pero nag iwas siya ng tingin rito. " I’m not like the men you’re talking about. I don’t play games or sweet-talk women just to get what I want. Believe it or not, I’ve never had a girlfriend. I’ve always wanted my first girlfriend to be my last. to be the woman I’ll marry someday. And as I look at you right now… I can honestly say I’ve found what I’ve been looking for in a woman." He said. Muli akong natigilan at hindi nakasagot. totoo ba ang mga sinasabi niya? o baka naman pinaglalaruan niya lang ako. Imposible! Tsk. I don't believe him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD